The walang label (Ann& Allyson)

0 0 0
                                    

Ann's POV

Malapit lapit ko na ihagis yung cellphone ko sa sobrang inis.Ilang araw naba kong nag aantay ng tawag nya? Ahh 2 oo dalawang araw pa lang di naman ako galit e,sino ba nsman ako para magalit diba? Trabaho nya yun jowa lang ako— teka jowa nga ba ako? Tangina naman anggulo.

"Ate... anyare sayo?" Natatawang ani ni issa.Andito kami sa condo namin.Magpinsan kami actually yung mga parents namin nasa US parehong US army ang mga daddy namin.

Tiningnan ko sya na para bang mamatay sya sa tingin ko pa lang.Sa kanya ko kaya ibunton ang inis ko sa Allyson the great na yun?

"Umalis ka nga sa harap ko baka mahambalos kita dyan." Inis na sabi ko pero yung bunil nato nag make-face lang at ginaya ang sinasabi ko.

Sarap pumatay ng pinsan ngayon.....

"Kwarto ko to kaya lumayas ka!" sigaw ko pero nag Make-face lang ulit ang tado!.Kaya binato ko sya ng charger.

"Aray!.... Tse! hindi ka na mahal non!" Nakasimangot na sabi nya at bago ko pa sya mabato ng earpads ay nakatakbo na sya palabas ng kwarto ko.

Bwesitttttttttttt!

Habang sinusumpa ko yung bunil kong pinsan ay biglang nag ring yung phone ko.Sa sobrang gulat ko napatay ko yung tawag.Agad ko na namang tiningnan yun at nanlaki agad ang mata ng makitang si Allyson ang tumawag.

Inantay ko ulit na magring at di nga ako nagkamali nag ring agad after 1 min.Wala pang isang ring sinagot ko agad.Oo ganyan ko sya ka miss—Wait wtf? Hindi pala hindi ko sya miss dapat galit ako kasi 2 days syang hindi tumawag.

"Oh? Anong kailangan mo?" Inis na tawag ko.

May kasalanan ka sakin.

"[I miss you]"

Wag kang bibigay,wag kang bibigay,WAG KANG BIBIG—

"I Miss you too"

Wtf Ann Feinaz? Dapat galit ka tanga mo!

Gusto kong Barilin ang sarili ko sa sariling karupokan.Mas lalo akong nainis ng may marinig akong Mahinang tumawa.Gago yun a.

"B-bakit ngayon ka lang tumawag ha?!" Sinikap kong magalit para mawala ang hiya ko.

Narinig ko syang bumuntong hininga.Parang pagod na pagod sya.

"[I'm sorry Ann...Nagka emergency kasi nong nakaraan...may naaksidenting school bus at maraming bata ang sugatan na dinala dito kaya busy kami...Yung Iba pa hindi na naagapan...Hanggang ngayon puno parin ang Ospital kaya di magkanda ugaga ang mga nurse at doctor's ko]" nakaramdam ako ng awa.Yung nasa isip ko kasi nambababae sya yun pala ganun.

Wow may label?

"M-magpahinga ka kaya muna.... imbes na itawag mo sakin itulog mo nalang"

"[Marinig ko lang ang boses mo...bumabalik ang lakas ko]"

Napangiti ako.Hindi parin sya nagbabago sya parin ang dating allyson na ang korni bumanat kaya nga tawag ko sa kanya ALLYSON THE GREAT.

"U-ulol" kunwaring inis na sabi ko. "Wag ka masyadong mag pagod dyan...magpahinga ka na naman hindi lang naman Ikaw yung doctor dyan e.Andyan si Doc Cedric tsaka Doctora cyrem"

"[ I can't help it...I'm the owner]" Malungkot na sabi nya.Basi pa sa boses nya parang inaantok sya."[sa Monday uuwi nako dyan...Liligawan kita]"

H-hanodaw?

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now