Wheel chair

0 0 0
                                    

"Mukang bumuka ulit yung sugat nya Mrs.Guenever...Kailangan nya lang mag stay dito ng ilang araw"

"Ang tigas naman kasi ng ulo nyang anak mo mommy e! Psh"

"Malala ba doc?"

"Actually hindi malala... kailangan lang talaga nya ng pahinga"

"Sege doc salamat"

Dinig kong usapan nila pero nakapikit lang ang mata ko.Ramdam ko ang panghihina ko.Teka ano nga ba ang nangyari?

FLASHBACK
"Bat ka pa kasi lumabas ng kwarto mo" dinig kong sabi ni Nurse Zyrus habang buhatbuhat ako pababa ng hagdan.Hindi ko magawang sumagot dahil sa panghihina.Nakapikit nako,nilalabanan ang pagkahilo.

Mayamaya naramdaman kong pinaupo nya ko.Naimulat ko ang mata ko at agad nanlaki ng matantong sa wheel chair nya ko pinaupo.

"Humawak ka sa mga gulong"

Agad ko syang pinanlisikan ng mata.

"T-tangina k-kaba?" Halos pabulong ko ng sabi.Natawa pa ang gago.Seryoso ba sya? Hirap na hirap na nga ako,ako pa papatulak nya ng wheel chair Ibang klaseng Nurse!

"Don't worry ako ang magtutulak,I just want you to hold the wheels"

Kahit nagtataka ginawa ko nalang.Tulak tulak nya ko habang ako nakayuko lang at hawak ang wheel chair.Pakiramdam ko wala nakong lakas.

Huminto kami sa tapat ng Room 66.Ng kwarto kung saan ako naconfine.Hindi ko na talaga kaya ..nahihilo na talaga ako at bago pa ko nilamon ng dilim naramdaman ko pang binuhat ako ni Nurse at pinasok sa kwarto.

End of flashback

Tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko at nakita sina ate at Mommy na tinatanaw si Doctor Dion na paalis.Tiningnan ko ang wall clock

7:34am

Medyo maaga pa pala.Pero teka? pano pala nila nalaman ang nangyari sakin? Ahh malamang nakausap nila si Nurse,at speaking of asan na naman yun? Parating missing pag umaga yung tukmol nayun e,at bakit ko ba kasi sya hinahanap langya!

"Oh?! Gising kana palang bruha ka!?" Muntik nakong magmura sa gulat.Gulatin ba daw ako amp! "Nag cr ka na naman mag isa! Tinanggal mo na naman yung swero mo! Sabi naman sayong gisingin mo kami diba?! Ayan haliparot ka naimpeksyon yang tahi mo...imbes na makakauwi ka na bukas magstastay kapa ng 3 araw dito!"

Anong nag cr? What the hell?

Hindi ba sinabi ng nurse na lumabas ako? Wow buti naman.

"Baby...wag mo na ulit gagawin yun ha?... by the way dinala ko nga pala to.." inabot nya sakin ang paborito kung unan na may design ng ibat Ibang klase ng moon.Napangiti naman ako sa kanya"alam kung gumagaan ang loob mo dyan..." Huminga sya ng malalim "baby...Si kuya allyson mo" biglang nagbago ang atmosphere.

"Anong meron sa kanya?"

"A-nak naman bat ba galit ka sa kuya mo? Dahil ba wala sya dito? Uuwi naman daw sya e"hindi lang yun mom,kung alam mo lang.

"Tss..ilang beses na nyang sinabi yun e,pero nasan sya? Andon sa London Ibang tao ang inaalagaan." May halong inis at lungkot na sabi ko

"Alam mo?...pareho talaga kayo ni kuya allyson...No wonder pareho kayo ng tatay" sabat ni ate alisha.Napatakip naman agad sya ng bibig.

"Alisha..." Bantang sabi ni Mommy

Teka? Anong parehong tatay?

"Anong ibig mong sabihin?"

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now