Ellysa's POV
Hindi ko alam kung ilang oras nako umiiyak kaya napagpasyahan kong bumangon.Wala naman si ate dito kaya walang sagabal pag lalabas ako.Hinila ko ang dextrose ko pero may umagaw sa pansin ko.Yung pagkain leche nagugutom ako!
May nakita akong chuckie sa coffee table.Di na sya malamig pero okay na.Kumuha din ako ng mansanas at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto.Pero napahinto ako ng may mapansin ako sa sofa.
Yung peborit kong unan.
Kinuha ko yun at agad agad akong lumabas ng kwarto.Kahit mahirap maglakad pinagpatuloy ko parin.Pano ba naman kasi? May dextrose sa kanang kamay tas unan na nakaipit sa kilikili tas pagkain nsman sa kaliwa.Walang buhay akong naglakad paakyat sa hagdan.Wala na sa isip ko yung kababalaghang nangyari sakin dito hirap na hirap akong umakyat dahil sa mga dala ko.
Napabuga ako ng hangin ng sa wakas naka upo nako sa tambayan ko sa rooftop.nilapag ko sa gilid ng inuupuan ko ang dalang kong pagkain habang ang dextrose nsman ay nilagay ko sa gilid ko.Hindi ko nakita si Doc Zyrus dito mukang wala sya.Mabuti narin yun gusto ko din mapag isa.Yakap yakap ko ang unan ko habang nakatingin sa buwan.
Napakaganda mo.
Kusang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko si Daddy mahilig din sya sa buwan.Dati sabay kaming tumatambay sa terrace ng kwarto nila ni Mommy para lang tanawin ang buwan.Sabi nya sakin bago sya mamatay pag namimiss ko daw sya tumingin lang ako sa buwan.Kaya mula non gabi-gabi ko gustong makita ang buwan kasi gabi gabi ko din nsman sya namimiss.
Napapikit ako habang nakatingala parin.Hinayaan kong umagos lang ng umagos ang mga luha ko.
Dad,sana andito ka,sana kasama kita,Sana may kakampi ako,Bat mo ba kasi ako iniwan?
Sa kalagitnaan ng kadramahan ko napaigtad ako ng may humawak sa dalawang pisngi ko.
Nyeta anlamig ng kamay.
Nong imulat ko ang mga mata ko nagtama ang paningin namin ni Doc Zyrus.
"Why are you crying?" Nag aalalang tanong nya at sa di malamang dahilan mas lalo akong naiyak.Agad din nya naman akong niyakap.
"A-ayuko na Doc." umiiyak na sabi ko. "W-wala ng kwenta ang buhay ko...lahat sila niloko ako" sabi ko na parang nagsusumbong na bata.Ramdam ko ang pag himas ng kamay nya sa buhok ko.
Mayabang ako at sa sobrang yabang ko ayukong makita ng Iba na umiiyak ako.Pero bakit ako ganito sa taong to?
"Matapang ka diba? Wag mong hayaang sa ganitong pagsubok ka lang babagsak..."halos pabulong na sabi nya.Hinarap nya ko at hinawakan ang pisngi ko.Pinahiran nya ang mga luha ko. Ngumiti sya sakin habang tiningnan ako sa mga mata.
Yung ngiting yan leche.
Hindi ko itatangging gumaan talaga ang loob ko dahil andito sya.Hanggang ngayon di ko paren sya magets kung bakit sa tuwing gabi nagpapakita sya sakin tas lagi nya kong sinasamahan.Kung di lang Doctor to iisipin kong may gusto to sakin.
"Ang ganda mo" nakangiting ani nya habang nakatingin parin sa mga mata ko.Agad akong umiwas ng tingin at inalis ang kamay nyang nasa pisngi ko.Yumuko ako at kunwaring nilalagyan ng straw ang chuckie.At gusto kung magmura ng malutong nong ilang beses ko ng tinutusok ng straw ang chuckie pero hindi parin sumasakto sa butas.Tangina bat ako natataranta? Pakiramdam ko namula ako.Leche.
Pasimpleng kong pinunasan ang mga luha ko pero yung totoo kinakapa ko ang pisngi ko kung buhay pa ba.
Narinig kong mahina syang natawa sa inasta ko kaya mas lalo akong namula.Sa isang iglap nawala kanina yung lungkot na nararamdaman ko.Napalitan ng kaba.Kaba na di ko alam kung san nanggagaling.
"You're blushing" natatawang ani nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Joke lang yun naniwala ka namang maganda ka" ani nya at malakas na tumawa.Pinanlisikan ko sya ng mata.
Ihulog kaya kitang putangina ka dyan.
"Bwesit ka lumayas ka na nga dito gusto kong mapag isa!" Sigaw ko sa kanya at nag hand gesture pa na parang tinataboy sya.
"Ayaw"
"Tangina ka layas!"
"Wag ka na ngang maarti Ikaw na nga sinamahan dito e " iritableng sabi nya.Napanganga nalang ako ng literal at inis na natawa.
Sino bang may sabi sayong leche ka na samahan ako dito? Ha?! Sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/277012592-288-k282181.jpg)