Inlove?

0 0 0
                                    

Alisha's PoV

Kanina ko pa napapansin tong bruhang to pero hinahayaan ko lang.Nagpatuloy lang ako sa paghahanda ng pagkain namin sa coffee table.Hindi ako nakauwi kagabi dahil kinailangan ako ng boss ko.Akala ko magagalit si Ellysa dahil maaga nako nakabalik pero Iba yung nadatnan ko.

Tinitingnan ko lang sya habang abala ako sa ginagawa.Nakaupo sya sa kama yakap yakap ang paborito nyang unan nakatingin sya sa mga paa nyang nag uuntugan habang.......

Nakangiti

baliw na ata to e pati ba utak naaapektuhan na ng anesthesia?
Kanina pa sya ganyan kunti nalang talaga babatukan ko na to e.Kahapon lang broken kay kyle.Kahit Hindi nya sabihin sakin alam kong mahal nya parin yung kumag nayun.Pero ngayon nag Iba ang atmosphere ngiting aso ang lola nyo.Hindi kaya.....

Nanlaki ang mata ko at agad na hinarap sya.

"Ellysa! May boy friend ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya at nilingon nya naman akong nakangiti parin.

"Ha? Anong sinasabi mo dyan?" Tanong nya ng nakangiti parin.

May kapatid nakong baliw!

"Bat ka ngingiti mag isa dyan?! Inlab kana no?! sinong jowa mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ha? Nakangiti bako?" Inosenteng tanong nya habang nakangiti parin.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya habang sya binalik na ang tingin sa nag uumpogan nyang paa.Nang nakangiti parin! Wtf.
Napailing nalang ako at tinuloy ang ginagawa.Maya maya ay biglang nagring ang Cellphone ko.Sinagot ko yun at bahagyang tumalikod muna kay Ellysa.

"[Ali...]"

"Oh? Napatawag ka kuya" takang tanong ko tiningnan ko muna si Ellysa tsaka lumabas ng kwarto.Nakatayo lang ako sa labas ng pinto hinihintay ang sagot ni kuya.

"[Sa susunod na linggo pako makakauwi....kamusta ka? Si ellysa?]" Napabuntong hininga nalang ako.Kung next week pa sya uuwi nakadischarge na si Ellysa non.

"Okay lang kami...pero kuya bakit next week kapa uuwi? akala ko ba this week na? Dalawang araw nalang si Ellysa dito e... magtatampo lalo yun sayo baka isipin non wala ka talagang pakealam sa kanya"

"[kinuha akong personal Doctor ng mga Velasquez... Actually gustong gusto ko na talagang umuwi dyan kaya nakipag deal ako kay Mrs. Velasquez....I only stayed her for a week and if there's nothing happens or progress about their son's situation... They'll not stop me for going back to the Philippines]" napayuko nalang ako.Sana lang maintindihan ni Ellysa yun masyado pa namang masungit yun pagdating kay kuya.Hindi ko nga alam kung bat nakaganyan yan e,dati nsman halos di na sya humiwalay kay kuya.

Idol na idol nya kasi.

Tinapos ko na ang tawag at akmang papasok na ulit ng may makita akong pamilyar na tao.

Si john yun a.Anong ginagawa nya dito? Sabi nya May trabaho sya.

Si john ay ang boyfriend ko.
Sinundan ko sya at nakita kong pumasok sya sa isa sa mga kwarto.Kahit naguguluhan sinundan ko parin.Malapit nako sa pinto ng maisipan kong umatras.Ewan ko parang ang bigat ng dibdib ko.Tatalikod na sana ako ng may marinig akong nagsalita mula sa loob.Bukas pala ng kunti ang pinto sinilip ko ang pinto na sana hindi ko nalang ginawa.

Si john nga! Pero sino yang kasama nyang babae? A-at bat malaki ang tyan?

"Hon...alam ba nyang andito ka?" Dinig kong sabi ng babae halos manlambot ang tuhod ko.Ako ba ang tinutukoy nya?

"Not yet" sagot ni john

"Hon.. you should tell her the truth..malapit ng lumabas ang anak natin? Kailan mo pa sasabihin kung kailan nanganak nako?" May halong inis na sagot ng babae.Napahawak nalang ako sa bibig ko para maiwasang gumawa ng ingay ang hikbi ko.Ayuko ng manatili dito para akong pinapatay.Wala sa sarili akong naglakad habang umiiyak.Wala nakong pake kong pagtinginan ako ng mga tao dito.

Nasa sahig lang ako nakatingin habang naglalakad kaya diko namalayan na may nabangga na pala ako.Na out of balance ako pero buti nalang nahawakan nya ko sa beywang.Nong tiningnan ko sya nakatingin din pala sya sakin at nakakunot pa ang noo.Pero ng mapagtanto nyang Umiyak ako napalitan ng pagtataka ang tingin nya.

"S-sorry" ani ko at mabilis na tumuwid ng tayo at pinunasan ang mga luha.Lalakad na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko kaya napa balik ako.

"Are you okay miss?" Tanong nya.Sa totoo lang gwapo sya.At basi sa sout nya mukhang doctor sya.Tumango lang ako sa kanya at napayuko ng maramdaman kong tutulo na naman ang luha ko.

"Doc gil!"

Dinig kong tawag sa kanya ng nurse.

"A-hmmm sege doc alis nako" nakatungo paring ani ko

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now