Feelings (Gellian&Kyle)

0 0 0
                                        

Gellian's POV

"Jay mauna kana siguro sa psycho" sabi ko habang nag aayos ng bag.Hindi ko maiwasang malungkot.Wala akong magawa hindi ko sya mapigilan talagang aalis na sya bukas.

Hindi ko nsman sya masisisi ayaw nya daw kasing humihingi ng tulong kay mommy.Ayaw nya masumbatan ayaw nya ding tulungan ko sya,gusto nya din daw kasing Tumayo sa sariling mga paa.May tiwala nsman ako sa papasokan nyang trabaho sa London.Hospital yun ni kuya allyson.Alam kong papapasokin nya si jayiehb ket di pa nakakatapos ng college.Malaking pasasalamat ko kay kuya hindi nya pinababayaan si Jayiehb.Sana talaga magkaayos na si kuya allyson at Ellysa.Ngayon pa lang natatakot nakong malaman ni Ellysa na alam namin yung tungkol sa pinunta ni kuya allyson sa London.Sana patawarin nya kami.

"Sege...antayin kita dun" ngumiti si jayiehb tsaka nagpaalam na umalis.Masama ang tingin sa kanya ni Mommy habang palabas ng pinto.Naawa ako kay jayiehb napakahirap ng sitwasyon nya.Ulila na sya tas nalaman nya pang kabet lang ang mommy nya.

Tumira sya samin pero sinusungitan nsman sya ni Mommy.Mabait si jayiehb kaya hindi nya deserve yung ganitong buhay kaya bilang kapatid nya pinaparamdam ko sa kanyang meron pa syang pamilya.Na hindi sya nag iisa.Pinagkatiwala nya sakin si Yuki habang wala sya.Ako na nagsuggest na dito patirahin si Yuki para matutukan ang pagbubuntis nya.Sa ganung paraan lang nsman matulungan ko sya.

"Mabuti naman at lalayas na ang bastardo bukas" mataray na sabi ni Mommy.Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa pintong nilabasan ni jayiehb at sinalubong ang masamang tingin ni Mommy na nasa sofa parenting nakaupo.

"Mommy naman" inis na sabi ko.Pero inirapan nya lang ako at padabog na tumayo.

"I'm warning you Gellian...hindi ko gusto na titira dito ang babae ng bastardong yun!" Galit na ani ni Mommy.

"Mom! Buntis si Yuki...Anak yun ni Jayiehb!"

"I don't fucking care!...hindi ko nsman kaano ano yun!"

Inis akong tumawa.Ganyan ba sya kagalit kay jayiehb at pati bata idadamay nya?

"Pwes ako may pakealam ako!—pamangkin ko yun mom!" Tumaas ang tono ng boses ko.Nakita kong nagulat si Mommy.Pati ako natauhan din sa ginawa ko."..I'm s-sorry m-mo—"

"Look what he've done to you! Nagiging bastos kana!" Galit na sigaw ni Mommy tsaka padabog na umalis.

Napabuga nalang ako ng hangin.Pano ko ba ipapaintindi kay mommy to? Malaki parin ang galit nya kay jayiehb na sa totoo lang wala namang kasalanan si jayiehb.Umalis nalang ako ng bahay at pumunta sa garahi.Pumasok ako sa kotse at nagmaneho papuntang Psycho.

Wala pang 15 mins nakarating nako sa bar.Kinapa ko ang Cellphone ko para sana tawagan si jayiehb pero punyeta! Naiwan ata sa kwarto ko.Umalis narin kasi ako agad sa bahay sa sobrang inis kay mommy.Inis akong bumaba ng kotse at pumasok na sa loob pero hindi pa naman ako nakakapasok sa loob may bumangga na sakin kaya natumba kami sa sahig.

Yocc amoy alak!

Nakapatong pa sya sakin.Kaya inis ko sya tinulak.Pero natauhan ako ng makilala ko kung sino.

K-kyle?

Lasing na lasing sya na halos hindi na sya makatayo.Namumugto din ang mga mata nya na parang umiyak.
Bumangon ako at inuga uga uga sya.

"Kyle? Kyle... kyle!" tinapik tapik ko pa ang pisngi nya pero tulog na tulog na talaga.Inis aking napabuga ng hangin at inakay sya patayo.Andito pa sya sa may pinto perwesyo sya sa mga dadaan.Nilagay ko ang kamay nya sa balikat ko atsaka inakay sya papuntang kotse.Hingal na hingal ako ng sa wakas ay napasok ko na sya.Nasa shutgon sit ko sya pinaupo.Pumasok narin ako pero bago ko paandarin ang makina hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

Nangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.Kahit anong pagpapanggap na gawin ko.Hindi ko habang buhay matatago na may nararamdaman parin ako sa kanya.Simula nong maging sila ni Ellysa araw araw na makita ko silang masaya parang pinapatay ako.Pero ayuko nsman maging hadlang sa kanila.Alam kong mahal nila ang isat isa at alam ko rin na si Kyle nalang ang pinanghahawakan ni Ellysa.Kaya nga nagalit din ako nong Malaman kong niloko nya si ellysa.Hindi ko alam na magagawa nya yun.

Naalma ako ng gumalaw sya.Akala ko magigising na sya pero pinilig nya lang ang ulo nya paharap sakin.Mas na titigan ko sya ng maigi.Mas gumwapo sya ngayon.Ang matangos nyang ilong,mahabang pilik mata, ang mamulamula nyang pisngi at ang perpekto nyang labi.Hindi ko mapigilang haplosin ang Mukha nya.Napangiti pa ko habang ginagawa yun.

"E-ellysa" natigilan ako sa sinabi nya.Wala sa sarili akong napaharap at Napahawak sa manibela.Umagos pa lalo ang mga luha ko.

Si ellysa parin pala.Si ellysa parin....

Kahit sa panaginip si ellysa ang nasa isip nya.Ganun ba nya kamahal ang kaibigan ko?.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagsimula ng nagmaneho.Hinatid ko sya sa bahay nila.Nasa labas nako ng mansyon nila kaya ginising ko na sya.Ilang beses ko syang inuga pero tulog na tulog talaga.Kaya wala akong choice kundi akayin na naman sya papasok.

Nagdoorbell muna ako at mayamya lang lumabas na ang katulong nila tinulungan nya kong ipasok si kyle sa loob.

"Ayy ma'am.! Pwede bang Ikaw nalang maghatid sa kanya sa kwarto? Yung niluluto ko po kasi." Poprotesta pa sana ako pero mabilis syang lumakad papuntang kusina.

Napangiwi nalang ako tsaka inakay si Kyle sa kwarto nya.Alam ko ang kwarto nya dahil ilang beses nakong pumunta dito sa bahay nila.Magkatapat lang naman sila ni kyla ng kwarto.Habol hininga ako habang inihiga sya sa kama. Ambigat grabe!.

Akmang aalis nako ng biglang may humila sa kamay ko kaya napahiga ako ng di oras.Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong unti unting yumayakap ang braso nya sa beywang ko.

"K-kyle" halos pabulong na ani ko.

"Wag ka muna g umalis...wag mo kong Iwan Lian" natigilan ako sa sinabi nya and the same time napangiti na rin.

Alam nyang ako ang naghatid sa kanya.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now