Selenophile

1 0 0
                                    

Ellysa's POV

"Teka andilim...asan na ba yung cellphone ko" kinapa ko ang cellphone ko sa shorts ko at ginawa yung flashlight.Napangiwi pako ng maalala kong naka hospital gown ako.

Muka akong tanga.

Pagkadating namin sa rooftop.Nagtaka pako ng may upuan na bakal dun.Parang inaasahan na talagang may tatambay dun.Hanggang sa makaupo kami tahimik lang yung nurse.Nahihiya tuloy ako parang naistorbo ko pa ata e.

"alam mo ba kung bakit nagkaganito ang kamay ko?"

Wala akong maisipang topic!

"Hindi" tipid na sagot nya sarap kausap ng Hudas nato.

"Muntik nakong makapatay" walang alinlangan kong sabi.At gaya ng inaasahan nilingon nya ko "punyeta kasi e...napakahayop ng stepdad ko..tinangka ba namang gahasain si ate? Tangina sya kaya ayun binanatan ko HAHAHAHA" sa buwan ako nakatingin habang sinasabi ko yun.Bahala na hindi naman ako kilala ng timang nato kaya wala din syang clue.

Hindi sya sumagot kaya unti unti kong binaling ang paningin ko sa kanya.Wala syang reaksyon sa sinabi ko.Sa ilang pulgadang pagitan namin nakita ko kung gano sya kagwapo.Idagdag pang naka white sya dahil nurse sya.

"H-hoy bwesit ka baka sabihin mo Masama talaga akong tao ah hindi ko nam—" naputol ko ang sasabihin ko ng makita ko syang ngumiti.

Shit bat angwapo mo?

Bigla nalang syang natawa

Anong nakakatawa?🙂

"Wala atang sentence na hindi ka nagmumura e HAHAHAHAHAHHAHA" wag kang tumawa hahambalosin kita.

"Kung hindi lang bali mga buto ko sa daliri kanina kapa nakatikim saking punyeta ka"

Kinain na naman kami ng katahimikan.Kulang nalang kuliglig.

Pagpapasalamat ba ko sa kanya? Hindi na kabawasan ng angasHAHAHAHAHAHA.Obligasyon din naman nya yun.Bahala sya.

"Masakit pa ba ang tahi mo?" Tanong nya.Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tanginang puso to! Malamang magtatanong yan kasi nurse yan wag mong bigyan ng malisya!

"Medyo...pwede ng saksakin ulit"  natawa sya sa sagot ko. "Teka bat kanina pumasok ka sa kwarto ko pero di mo namang ako ginamot?"

"Kasi...." Inantay ko ang susunod nyang sasabihin "trip ko lang"

Pinaningkitan ko sya ng mata na halos maging instik nako.

"Alam mo....tangina ka"

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now