Doc

0 0 0
                                    

Ellysa's POV

Sinabi ng Doctor samin na 3 araw nalang daw ako sa Ospital.Dapat nga maging masaya ako pero ewan ko ba parang di ako masaya.Andito na naman kami ngayon ni Nurse Zyrus sa rooftop.Nahuli na naman kasi ako ng kumag kanina na tumakas sa kwarto.Actually hindi ko din maintindihan ang sarili ko kanina.Bigla nalang kasi akong nagising.Lately talaga madami ng kababalaghang nangyayari sakin dito sa Ospital.

FLASHBACK

Masarap ang tulog ko ramdam ko pa ngang tumutulo pa laway ko.Pero bigla akong nagising ng may maramdaman akong umupo sa side ng kama ko.

Minumulto na nsman atho putrages!

Nong imulat ko ang mata ko walang tao!

Sinasabi ko na nga ba.

Taranta kong nilingon sina Mommy.Pero si Mommy lang yung nandito.Asan si pangit?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may maramdaman akong bumulong sa tainga ko.Hindi sya malinaw at di ko rin alam kung bulong ba talaga yun o hangin lang.Sakto din kasing humangin.At ito pa hindi ko maintindihan ang binulong o bulong nga ba yun?

"Succubus"

END OF FLASHBACK

Kaya hindi nako nakatulog kingina!

"Bakit ba palagi kang tumatakas sa kwarto mo?" Tanong ng katabi ko.

"Wala kang pakealam"

Narinig kong mahina syang natawa.Tiningnan ko agad sya ng masama.

"Alam mo....Hindi ko talaga maintindihan kung bakit di ka natatanggal ditong hayop ka! Wala ka namang kwenta e...Ni hindi mo nga ako tinulungan kagabi sabi ni ate babaeng Nurse daw yung gumamot ng sugat ko....Tas ikaw gabi ko lagi nakikita" Pinanlisikan ko pa sya ng mata nong sinasabi ko yun.Tapos sya nakangiti lang habang nakikinig sakin.

Aba bat hindi ka NATATAKOT sakin?

"Hindi ako Nurse" natigilan ako sa sinabi nya.At tumawa ng malakas.

Siraulo ata to e?

"O ito..." inabot ko sa kanya ang apple na may kagat ko na "ikwento mo sa mansanas" sabi ko sabay tawa ng malakas.Kulang nalang gumulong ako.

"Doctor ako...Nagpanggap lang ako na Nurse para sa pasyente kong may trauma sa mga doctor"

Literal akong natigilan.Wala sa sarili akong napakagat ulit ng mansanas.

Meganon pala?

Eh kung doctor sya? Bakit lagi nya kong kinukunsinti paglumalabas ako? At bakit hindi nya ko ginagamot.

"Ede wala ka palang kwentang doctor" nakangusong sabi ko habang may laman pa ang bibig.Natawa na nsman sya.Happy pill ako neto e." Wag kang tumawa Doc....Bakit di moko ginamot kagabi e doctor ka palang bwesit ka....atsaka sino yung pasyente na sinasabi mo? Bat pati sa gabi ganyan padin uniform mo? bat never pa kitang nakita na nakacoat na puti? Sumagot ka doc sumagot ka"

Tumingin lang sya sakin tsaka nagbuntong hininga"Alas 2 na ihahatid na kita sa kwarto mo"

Hindi ka naman umiiwas no?

"Kaya kong bumalik sa kwarto ko mag isa" mataray na sabi ko.
Tsaka padabog na naglakad.

"Okay sege...basta pag may sumusunod ulit sayo dyan sa hagdan hindi ko sinabing multo yun pero parang-" mabilis pa sa alas kwatro akong bumalik at tumabi sa kanya.At sya naman tinawanan na naman ako.

Leche.

Ang weird pero napangiti din ako.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now