Best friend (Issabella&Topher)

0 0 0
                                        

Topher's POV

"This is all your fucking fault bro!" Sigaw ni Tristan habang Nagkakarera kami ng motor.Kasunod lang namin si Frost at Natsu.Alam nyo kung bat sya nagagalit sakin? Kasi nabangasan yung Mukha nya.Nadumihan daw yung maganda nyang Mukha e halata namang mas gwapo ako sa kanya.

"Bat ako?... kasalanan mo yan kasi pikon ka" nakangising sigaw ko at tiningnan nya naman ako ng masama.

"Kung di ka lang pumunta punta dito at hanapin yung— what's her fucking name again?" Kunot noong tanong nya na halos maputulan na sya ng ugat  sa leeg.

"Issabella Gail"

"Whatever bro... you're possisive! Did she even knows that your exist?!" ako nsman ngayon ang tumingin sa kanya ng masama.Masyadong pranka yung kumag e.E sa gusto kong makita si Issabella Gail bat ba kasi sya sumama sama.

"Sandali tatawagan ko nga si Crys—" akmang kukuhananin ko ang Cellphone ko kahit nagdadrive pero agad nya kong pinigilan.

"Don't you dare!"

"Then shut up !"

"Mga gago mamaya na nga lang kayo mag away dyan baka mabangga kayo"

"Pareho kayong pangit"

Dinig kong sigaw din nila Frost at Natsu na humahabol dn samin.

Nagmaneho nalang si Tristan at di sila pinansin kaya natawa ako.Under talaga sya ni Crystal.Sinilip ko nalang ang phone ko at napangiti sa wallpaper.

Ang ganda mo talaga issabella Gail...naaalala mo pa kaya ako?

Call me obsessed, possisive but I really like issabella Gail.Halos lahat ng pics nya sa instagram, Facebook naka save sa phone ko.Everytime I See her beautiful smile I also secretly smiled.She's my childhood best friend pero nagkahiwalay kami dahil pumunta sila sa US nong 10 yrs old kami.Hindi sila nagkakilala ni Tristan dahil mula bata palang masungit natong kambal kong pinaglihi sa yelo.Simula ng makauwi sila galing states lagi ko syang sinusundan na kulang nalang maging investigator ako piste.Nahihiya akong mag approach sa kanya kasi baka hindi na nya ako maalala.Kaya ang ginagawa ko tinitingnan ko na lang sya kahit sa malay—teka?! Si Issabella Gail yun a?!

"Tristan mauna na KAYO!" Sa sobrang gulat nahinto agad ni Tristan ang motor nya kaya halos tumaob na sya.

"What the hell?!" Sigaw nya pero di ko sya pinansin dali dali akong bumaba ng motor at nakita ko naman silang umalis na kaya  hinanap ko nalang kung san ko  nakita si Issabella Gail.

Pumasok sya sa starbucks.

Agad akong pumasok dun.Wala nakong pake kong makita nya ko.Nilibot ko ang paningin ko pero di ko sya makita.Inisa isa ko pa ang mga tao pero wala talaga.Bagsak ang mga balikat kong lumabas ng starbucks.Daig ko pa dinaya sa pusoy sa itsura ko.Nakayuko lang ako na parang ang laki laki ng problema kaya di ko namalayan na may nabangga na pala ako.

"Ayy sorry—" natigilan sya sa pagsasalita at matamang tinitigan ako

*Dug-Dug*

Hindi ako makapaniwala!

"Topher?..." Tanong nya at mas tinitigan pako.Ako naman parang tangang nakatingin lang sa kanya.Gusto ko syang yakapin!
"Topher ikaw na ba yan?!....gago ikaw nga!" Dali dali nya kong niyakap at ako nsman napakurap kurap pa.Ayaw magsink in sakin ng mga nangyari.

Yung taong matagal kong tiniis na tingnan sa malayo,Yung taong hinihiling ko na sana naaalala pako,Yung taong Gustong gusto kong makita,At yung taong....Gusto ko Ay ito ngayon niyayakap ako.

Napangiti ako na abot langit at gumanti sa yakap nya.

I missed you issabella Gail.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now