Nightmare

1 0 0
                                    

Hindi ako makahinga.Sinubukan ko syang itulak pero masyado syang malakas!

Tangina Mukang sa multo ako mamamatay.

"Kailangan mong mamatay...Bago mahuli ang lahat"

"Kailangan mong mamatay...bago mahuli ang lahat"

"Kailangan mong mamatay...bago mahuli ang lahat"

Paulit ulit na  sambit  sakin ng babae habang sinasakal ako. Tumutulo pa ang dugo sa Mukha ko na sa tingin ko galing sa ulo nya.

"Bitawan m-moko" hirap na hirap na sabi ko.

Pakiramdam ko ilang segundo nalang malalagotan nako ng hininga.Pilit kong nilalabanan kahit papapikit na ang mata pinipilit kong imulat.Hanggang sa bigla nalang tumilapon ang babaeng nakadagan sakin.Nanlabo ang paningin ko hindi ko alam ang nangyari basta may nakita akong lalaking pamilyar sakin.Nakasuot sya ng puting coat.Nanlalabo ang paningin ko dahil sa kawalan ng hangin kaya diko malaman kung sino ang taong yun pero isa lang ang sigurado ako.

Doctor sya

Magsasalita pa sana ako ng biglang..
———
Napabalikwas ako ng bangon sa kama.Luminga linga ako sa paligid.Sa kaliwang side andun si Mommy at si ate natutulog.Tiningnan ko din yung sulok kung saan nakita ko ang creepy na babae.Wala sya dun.Napabalik ako sa paghiga.

Panaginip lang pala.

Sinubukan kong matulog.Hindi na naman ako makatulog! Punyeta naman oh.Inis akong bumangon sa kama.

Gusto kong makakita ng Buwan.

Dahan dahan akong bumaba sa kama.Akmang patayo nako ng may maalala ako.

Yung swero ko shit

Sinubukan kong hilahin ang de gulong na dextrose.Pero maingay yun.Magigising sila mommy.Kaya wala akong choice.Marahas kong tinanggal ang swero ko.Nakita ko pang dumugo yung kamay ko pero wala akong pake.Dahan dahan akong lumabas.Binuksan ko ang pinto at tiningnan kung may tao sa labas.Fine! oo na hinahanap ko si Nurse Zyrus.Akala ko kasi andito ulit sya.Mukang wala naman kaya lumabas nako ng tuluyan.Kabisado ko na ang daan papunta sa rooftop.Nilabas ko ang cellphone ko pagkadating ko sa madilim na parte ng hagdan.Tiningnan ko ang oras.

1:15 Am

Napahinto ako ng may maramdaman akong may Iba pang naglalakad bukod sakin.Pero hindi ko yun nilingon mahirap na baka ano pa yun sabi  ng mga matatanda pagnaramdaman mo daw na may sumusunod sayo wag mong lingunin.Nagpatuloy ako sa paglalakad at mas kinabahan ako.

May sumusunod talaga sakin nyeta!

Mas lalo akong natakot ng maalala ko na nasa Ospital ako.Marami ng namatay dito kaya hindi malabong may multo!.Bwesit naman.

Binilisan ko nalang ang pag akyat baka maabutan ako ni kamatayan.Mas lalo akong Nataranta ng maramdaman kong bumilis din yung yabag sa likod ko.Hindi nako makatiis lilingon ako bahala na si batman.Huminto ako sa pag akyat at huminto rin ang yabag.Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko at lingunin ang sino mang hudas na to pero....

Walang tao!
Bwesit? Bwesit?! BWESIT!!!!

Wala akong inuurungang rayot pero mukang uurong ang angas ko sa pagkakataon nato.

Sa sobrang taranta ko nagkandapadapa pako makaakyat lang ng mabilis sa hagdan.Bawat hakbang ko sinasabayan ko ng lingon sa likod.Nong huling baitang nalang ang hahakbangin ko.Natapilok ako!

Pikit mata ako habang hinihintay ang pagbagsak ko pababa sa hagdan pero hindi ako nahulog.May humapit sa beywang ko.Unti unti kong minulat ang mata ko at halos lumuwa ng makilala kung sino ang sumalo sakin.

Nurse Zyrus?

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now