Yna's POV
palabas nako ng gate ng bahay namin ng mag ring ang phone ko.Im wearing my costume para sa party ng kaklase ko nong High School.Red skirt na above the knee,at crop top din na kulay red.May headband pako na parang tainga ng pusa at gloves na kulay red parin.Yung heels kong 3 inch ay color red rin.
Sana lang hindi ako habulin ng turo nito.
Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko.
*Issabella Calling*
Bakit naman kaya napatawag tong batang to?
Sinagot ko ang tawag habang sinasara ang gate.Ako lang at mga maids ang tao dito kasi sina Mommy at daddy nasa Hongkong business trip daw.Inipit ko muna sa Tainga ko ang cellphone para masira ng maayos ang gate.Kumunot ang noo ko ng may marinig akong tawanan sa kabilang linya.
Napindot lang ba to?
"Hello?" Inis na ani ko pero tawanan parin ang narinig ko mukang may kasama si issa.Habang inaantay ko ang sagot ng haliparot nato naagaw ang atensyon ko sa lalakeng naglalakad daan.Nakapaa lang sya,gusot ang sandong puti,magulo ang buhok na hatalang bagong ligo pa.May sout syang relo na umiilaw at realtalk para syang tanga na iniilawan ang mga puno sa daan.Para syang bata.Hindi ko nalang sya pinansin at inaantay ang milgrong sasabihin ni issa.
"[HAHAHAHAHA..ayy sorry Yna nasagot mo napala di ko napansin..ito kasi oh]" natatawang ani nya na sinisisi pa ang kausap.
"Go straight to the point...may lakad ako"
"Yokai na aking kaibigan,lumabas ka jivanian.......Yokai medal set on!"
Dinig kong sabi ng kung sino pero di ko nagawang lingonin dahil nakafucos ako kay issa.
"[Ayy ansungit HAHAHAHAHAHA...eto na nga si jayiehb bukas na aalis kaya mamaya magparty din tayo sa bar ni kayce..pakisabi nalang kina ate judith ha?...May pupuntahan din kasi ako nagkita na kami ng best friend ko]"
Yun lang pala bwesit.
"Oo sege na bye na" kunwaring inis na sabi ko at pinatay ang tawag.Nilagay ko sa poutch ko ang Cellphone ko pero napansin ko may umiilaw sa bandang Mukha ko.Handa na sana kong sigawan kung sino mang hudas ang gumawa non pero ng lingunin ko.Yung lalaking tanga lang pala.
"Ano ba?!...patayin mo nga yan!" Inis na sabi ko pero nanatili lang syang Ganun ang posisyon.Nakaharap sakin habang NAKATUTOK ang relong sout².Nanlaki pa ang mata nya sakin.Alam ko namang maganda ako pero ang OA naman yata ng reaksyon ng isang to.
"Hoy bingi kaba?! Sabi ko patay—"
"J-jivanian?"
Sinong jivanian?
"...Fuck! Ikaw nga!...so totoo pala ang mga yokai!"
Pinagsasabi nito?!
"Teka asan ang buntot mo" napakurap kurap nalang ako sa katangahan nitong hayop nato.
"Wala akong oras sa kabaliwan mo alis nga dyan!" Inis na singhal ko sa kanya pero mas matigas pa ata sa abs ko ang ulo nito.Napaawang ang labi nya habang nakatingin sakin na tila ba may iniisip.
Gwapo sana kaso parang takas mental!
Bigla nalang syang pumitik sa ere at may kinuha sa bulsa.Ng tiningnan ko yun isang chocolate bar.Winagayway nya yun sa harap ko at malapit nakong matawa sa ginagawa nya.
"Diba mahilig ka sa chocolate bar jivanian?...halika dito..ibibigay ko to sayo pag lumapit ka sakin" winigay way nya yun habang umaatras atras pa.Akala nya naman siguro lalapit ako gago!
Abat tarantado to a?! Ano akala nya sakin?! Hayop?!
Napahawak ako sa bridge ng ilong ko sa sobrang inis.Walang saysay kung papatulan ko ang baliw nato.Lumakad ako papunta sa entrance ng village para antayin si Yuan.Ang sundo ko.Pero sadyang tangina tong lalakeng to sumusunod parin sakin habang nilalapit ang chocolate bar sa Mukha ko.Akala naman nya nagki-crave ako sa chocolate.Duh! Diet ako!.Sa sobrang inis ko hinarap ko na sya.
"Can you please get lost stupid!" Nakita ko na nagulat sya sa sigaw ko kaya napayuko sya.
Parang batang pinagalitan.
"S-sege aalis lang ako..kung tatanggapin mo ang chocolate bar ko" nakangusong ani nya.Para talagang bata.
Napabuntong hininga nalang ako at nilahad ang kamay.Nagliwanag naman agad ang Mukha nya daig pa nanalo sa lotto.
"Tatawagin nalang kita ulit....Bye jivanian!"sigaw nya at nagtatakbo.Napawaang nalang ang labi ko sa inasta nya.Akala ko aalis na sya pero sa kalagitnaan ng takbo nya bigla syang huminto at humarap sakin.Nilagay nya ang dalawang kamay sa bibig nya bilang Handa sa pay sigaw.
"Ako nga pala si Ichicko!!!!!!!!"
