Ellysa's POV
"Kailan kong pumunta sa Cebu para sa isang client ko Ikaw na muna bahala kay ellysa ha...wag mo na ulit papuntahin muna ang mga kaibigan nya"
Dinig kong bulong ni Mommy.Nag uusap sila ni Ate alisha.Akala nila tulog nako.
"Ngayon ka na ba pupunta mom?" Dinig kong sabi ni ate.
"Oo e...bukas pako ng hapon makakauwi."
"Eh kasi Mommy bukas may trabaho nako e...matagal tagal narin akong umabsent." Sabi ni
ate."Eh Pano yung kapatid mo?...anak di mo nsman kasi kailangang magtrabaho...may business naman tayo e"
"Mom alam nyo namang pangarap ko to diba"
"Pero kasi anak—"
"Okay lang ako....Hindi mo na ko kailangang intindihin mom" singit ko sa kanila kaya gulat silang napatingin sakin.
Ayukong maging pabigat.
"E-ellysa" nag aalangang tawag ni ate.Alam kong nag aalala sya pati si Mommy pero di naman pwedeng ipagpaliban nila ang trabaho nila dahil lang sakin
Nagpilit ako ng ngiti sa kanila "okay lang ate... magaling na ko pwedi na nga akong lumabas e...wag nyo ko intindihin malapit na naman akong madischarged dito"
Niyakap ako ni ate "thank you lil sis" yuck bat ba lil sis?
"Pwedi bang sumali si Mommy sa group hug nayan?" nakangiting ani ni Mommy tsaka sumali sa yakapan namin.
Alas sais ng gabi nong umalis si Mommy.Kaya ngayon kami nalang ni ate ang natira sa kwarto.
"Ellysa" tawag nya
"Op?" Sagot ko habang nakatingin sa bintana.
Bat bat ba kasi hindi kita ang moon dito?
"I know you're in pain....Magsabi ka sakin makikinig ako" takang napatingin ako sa kanya.
Saulado na talaga ako ng bruhang to.
"Anong sinasabi mo?" Patay malisya kong tanong.Hanggat maaari ayukong makakita sila ng parti ko na mahina.Ayuko.
"About Kyle" ate nga talaga kita.
"What about him?" Patay malisya ko ulit natanong.
Napabuga sya ng hangin.Kahit kailan talaga ambilis nya mainis.
"Ikwento mo sakin kung ano talagang nangyari sainyo"
"Ayukong mag usapan" kukuntra pa sana sya ng biglang magring ang Cellphone nya.Sumenyas sya na sasagotin nya kaya tumango ako.Lumabas sya ng kwarto at ako naiwan na naman tulala sa bintana.
Ang hirap magpanggap na okay kalang.Para kang nagtinidor ng sabaw.
Nakatitig lang ako sa bintana habang inaalala ang mga nangyari kanina.Kusa nalang tumulo ang mga luha ko pero agad ko yung pinahiran.
Bakit ba kasi kyle? Bakit mo kasi ako iniwan? Bakit kahit niloko mo lang ako mahal parin kita?
Nong nakita ko sya kanina parang nawala lahat ng sakit ko sa katawan.Nasa pinto palang sya parang gusto ko na syang takbuhin at yakapin.Pero mag naalala ko yung panloloko nya sakin.Napapalitan ng galit yung nararamdaman ko.Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan nya kong lokohin? Kung ayaw na nya sana nakipagbreak sya diba? Hindi yung pinagsabay nya kami ni joyce tangina.
Gusto kong sumigaw.Gusto kung Umiyak ng malakas.Ang sakit e.Tapos pupunta sya dito tas aasta syang concern damn! Sya na nga lang yung pinang hahawakan ko e.Yung taong pinagkakatiwalaan ko pero ano? Pareho lang silang lahat.LAHAT!
Si daddy na lang sana ang kakampi ko e.Pero kinuha din sya sakin ng maaga.
Dad miss na miss na kita kahit di kita tunay na tatay mahal na mahal kita.
Si Mommy? Alam kung niloloko nila ko hindi ako tanga para di mapansin nong magkaisip ako na magkaiba kami ng apelyedo ni ate alisha.at kung Bakit hindi kami nakaapelyedo ni kuya kay daddy.Ang sabi ni Mommy dati namali lang daw ang NSO namin kaya Averox ang surname namin.Dati palang di na ko kumbinsido kaya nag embistiga ako ng patago.Nong Grade 9 ako dun ko nalaman na magkaiba kami ng tatay.Si ate Alisha lang ang anak ni daddy at kami ni kuya iba ang tatay namin.Kung sino yun? Wala akong pakealam.wala din nsman syang kwenta.
Kasabay nong malaman ko ang katotohanan nayun ang pagkidnap sakin.
Mali.
Pagtraydor sakin ni Kuya.
"Ellysa I'm Sorry I have to go...May importanteng meeting akong aattendan e...kung may masakit sayo tawagan mo lang ang mga doctor...at kung may problema tawagan mo lang ako okay?" Nagpilit lang ako ng ngiti at tumango."wag kang mag alala babalik agad" sabi nya at nagmadaling hinanap ang bag.
"Mag ingat ka" pahabol ko bago nya isara ang pinto.
Ako? Ito tunganga na naman.
Humiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisame.Pinagmamasdan ko ang mga kamay kong may benda.Hindi ko na naman maiwasang pangiliran ng luha.Ang daya ng mundo sakin bat lahat ng tao niloloko ako?
