Ann's POV
"Ate Annnnn kailan daw uuwi si kuya allyson?" Nakangising tanong ni issa.Nang aasar lang tong bruha nato e.Humigop nalang ako ng milktea at di sya sinagot.Baka asarin pako ng mga to e.
Alam kasi nilang M.U kami ni Allyson.Bago sya umalis papuntang London napag usapan namin na saka nalang ang label pagbalik nya.
"Balita ko kay Cedric may kadate daw si allyson na Doctora din" naibuga ko ang inumin ko sa Mukha ng katabi ko.Agad nsman akong tiningnan ng masama ni Yna.Habang yung Iba kong mga hinayupak na kaibigan tinawanan lang ako.
Hindi magagawa ni allyson yun,puputulan ko sya ng patola!
"Apektado HAHAHAHA" sabi ni Tania at nakipag apiran pa kay judith at Ezica.
Pasalamat kayo wala si Ellysa dito.
"kala mo naman may label sila" natatawang dagdag ni Lian.
tiningnan ko silang lahat ng masama na kulang nalang mamatay sila sa titig ko.
"Next week pala susunod ako sa London" singit ni jayiehb kaya natahimik kami.Parang may dumaang anghel.
"Aalis ka? Pano si Yuki? Diba buntis yun?" Tanong ni April.Napabuntong hininga nsman si Jayiehb.
Alam ko hindi nya ring gustong umalis.
"Pwede ka namang maghanap ng trabaho dito e" singit ko.
"Sa Bar namin pwede ka don" si kayce
"Sa hotel namin pwede ka din" si issa
"Pwede ka din sa company namin " si Tania
"Hindi mo kailangang umalis jay...pano si Yuki?" tanong ni Ezica.
"Hindi ko din gusto to... pero kasi malaki laki yung sweldo dun...atsaka sa Hospital nina Allyson ako magtatrabaho"
Malungkot na sabi ni Jayiehb.Naawa ako sa kanya hindi na sya makapag aral ulit dahil nagkapamilya sya agad.Pero Ganun paman alam kong hindi nya pinagsisihan yun.Masaya syang mag kakaanak na sya."Speaking of...Alam naba ni Lysa yung tungkol dun sa...You know sa London at sa kuya nya?" Tanong ni Lian.
"Hindi pa" sagot ni judith
"At hindi dapat tayo ang Magsasabi non kaya wag tayong mangialam problema nilang pamilya yan" seryosong ani ko.
Ewan ko kung tama bang manahimik kami...pero kasi masyado pang matigas ngayon si ellysa sa kuya nya at baka pag nalaman nya pa ang totoong dahilan ng pagpunta ni allyson sa London lalong lumayo ang loob nya.
"U-uhmm guys" Singit ng kung sino sa table namin.Sabay sabay naming nilingon yun.
"K-KUYA? Anong ginagawa mo dito? " Takang tanong ni kyla.
"Gusto kong makita si Lysa....samahan moko" agad na pumalag ang mga kasama ko.
"Hindi pwede kapal nsman ng Mukha mo kyle?!" Sigaw ni issa.
"Matapos mo syang lokohin magpapakita ka sa kanya?!" Dagdag ni Lian.Umawat nsman yung Ibang kasama namin.Nakakahiya andito pa naman kami sa starbucks at madaming tao.
"Umalis kana kyle" kalmadong ani ko.
"Wag ka ng magpapakita sa kanya" ani ni Yna.
"Mahal mo naman siguro buhay mo diba?" Nakangising ani ni Tania.
"P-pero—"
"Sabi ng hindi pwede e!" Sigaw ni April.
"K-KUYA umalis kana please" ani ni Kyla.Kaya nakaramdam ng hiya ang mga kasama ko.Kapatid kasi ni Kyla si Kyle at ang awkward lang na sinisigawan namin ang kuya nya sa harap nya.
Bagsak ang balikat na tumalikod samin si kyle.At kumalma narin sina Tania at issa.
"Sorry ky" ani ni Issa at nginitian nya lang ito.
Hindi kapa pwedeng magpakita kay Lysa ngayon kyle...baka next time na pagkikita natin..nasa kabaong kana.