Judith's POV
"Hindi ka aalis" matigas na sabi ni dad.Gusto ko ng itaob ang lamesa sa sobrang inis!.Tanginang buhay to.
"Dad I'm not a child anymore!" Inis na sabi ko sa kanya habang nagmamaktol.May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko.Kaunting celebration para sa Pag ali's ni jayiehb bukas.
"You have still classes right? Si ellysa lang nsman ang nasaksak bat pati kayo excuse?" Kunot noong tanong nya at bigla nalang ngumisi "oh I forgot di na pala nag aaral ang babaeng yun" insultong sabi nya kaya mas nakaramdam ako ng inis.Wala syang alam sa mga pinag daanan ngayon ni Ellysa para sabihin nya yan.
Biglang nagring ang phone nya kaya sinagot nya muna yun.Walang buhay akong sumandal sa sofa ng opisina nya habang nakapandekwatro at nakacross arms.
"Okay I'm on my way now." Sabi nya at pinatay ang tawag.Bumaling sya sakin at tiningnan ako ng masama. "Hindi ka aalis naintidihan mo?" Napabuga ako ng hangin at padabog na tumayo at deretsong lumabas narinig ko pa syang tinatawag ako pero di ko na sya pinansin.Pag kalabas ko ng pinto bumungad sakin ang bunso kong kapatid na si Janith.Nangunot pa ang noo ko sa sout nya.
Naka maikling shorts at nakacroptop eh nasa bahay lang naman sya.And take note she's only 12 yrs old like wtf.
"Bat ganyan ang sout mo?! Magbihis ka nga!" Singhal ko sa kanya at tinaasan nya nsman ako ng kilay.
Abat lumalaban na?
"Ito ang sabi ni ate joyce na soutin ko—And I actually like it" mataray na sabi nya at inambahan ko nsman sya ng batok pero mabilis syang nag tatakbo paalis.Humanda sakin ang joyce nayan ginagawa nyang kagaya nya ang kapatid ko.
Pumunta ako sa kwarto ko pero bago pako makapasok sa loob may narinig akong bulungan sa kwarto ni jude.Sya yung sumunod sakin.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.Sinilip ko ang pintuan ng kwarto nya na bahagyang nakabukas.May naamoy ako.
Sigarilyo ba yun?
Agad na umusok ang ilong ko ng makita ko mismo na may hawak syang yosi habang may kinakausp sa cellphone.Kailan pa sya natutong magyosi?!.
Pumasok ako ng kwarto nya ng hindi nya napapansin.Nakatalikod sya sakin kaya di nya ko nakita.Mabilis kong hinablot ang yosi nya at tinapakan sa sahig.Gulat naman syang napatingin sakin.
"A-ate k-kanina ka pa?"
"KAILAN KAPA NATUTONG MANIGARILYO HA?! " Sigaw ko sa kanya at sya naman napalunok lang.Sesermonan ko pa sana sya ng magring ang cellphone ko.Tiningnan ko yun at bumaling ulit sa kanya.Pinanlisikan ko sya ng mata "Di pa tayo tapos!" Sabi ko at dinuro sya.Lumabas ako ng kwarto nya para sagutin ang tawag.
"[Babe]" bungad sakin ni Frost.My long time boyfriend.
"Inaantay ko pa si daddy umalis" pabulong na sabi ko at sinilip ang opisina nya.
"[It's okay babe...I'm waiting here outside of your house]" Sabi nya at naibaba ko ng de oras ang linya ng lumabas si dad sa Opisina nya.Mabilis ang kilos ko papunta sa kwarto.Nakita ko syang bumaba sa hagdan at maya maya lang narinig ko na ang tunog ng kotse nya.Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala para masigurong wala na sya.
Nakita ko ang butler namin na masama ang tingin sakin kaya patay malisya akong umakyat sa kwarto ko.Masyado pa namang pakealamero ang bwesit nayon.Pag pasok na pagpasok ko ng kwarto daig ko pa si flash sa bilis na pagkilos parang di ko na alam ang sinusuot ko basta nagbibihis ako.Kumuha ako ng coat at cap tsaka lumabas ng veranda ng kwarto ko.Tinext ko si Frost na magdoorbell na.At maya maya nga may narinig nakong nagdoorbell at hindi nga ko nagkamali ang bida bidang butler namin ang bumukas ng gate kaya mabilis ang naging kilos ko pumunta agad ako sa binta ng kwarto ko sa likod para makalabas.Nagkanda tapilok pako ngayon ko lang napansin na nakaheels pala ko.Ng makababa na inakyat ko ang pader namin,hindi na bago sakin yun madalas kong gaawin yun dati pag pupunta ako sa warehouse ng blackrose.Habol hininga akong bumaba at hinanap ang motor ni Frost at hindi naman ako nahirapan dahil tanaw ko lang sya.Pero nagtaka ako dahil kotse na ang gamit nya.Pagkapasok ko ng koste tawa pa sya ng tawa nasayahan pa sya sa kalokohan namin.
"Kahit kailan ka HAHAHAHAHAHA ang kulit mo talaga" natatawang ani nya habang napapailing.Ngumisi ako ng mayabang.
"Mahal mo naman" nakangising ani ko tsaka hinubad ang coat at cap.Ngayon ko lang nakita ang sout ko.Naka black sleeveless na crop top at nakahigh waist na pantalon na kulay puti.Napansin ko ang pagtitig ni Frost sakin kaya Pinanlisikan ko na sya ng mata bago pa makaisip ng kalokohan tong tukmol nato.
"A-anong Mukha yan ha?" sita ko sa kanya pero tumawa lang sya.
Umiling sya "tara na nga" natatawang sabi nya at pinaandar ang makina.Pasimple pa syang tumitingin sa gawi ko pero agad ko syang tinitingnan ng masama.Tawa lang nsman ang sagot nya.
Tumalikod nalang ako sa kanya at tumingin sa bintana ng kotse.Hindi ko mapigilang mapangiti.
Kahit matagal na kami di padin nawawala ang asaran namin na parang unang Buwan palang namin.
