Mom

1 0 0
                                    

Ellysa's POV

Sunod sunod na pumasok ang doctor at si Mommy.Sinimulan na nila yung paggamot sa tagiliran  ko.Pero hindi yun ang nasa isip ko.Kundi yung male nurse na kanina pa nakatitig sakin.Ilang minuto kaming nag titigan at kusa na syang umiwas ng tingin at derederetsong lumabas ng pinto.Hindi sya napansin nila Mommy dahil busy sila sa kakaasikaso sakin.

"Thank you doctora" nakangiting ani ni Mommy tsaka lumabas ang doctor.

Nakatulog ako pagkatapos nilang lagyan ng kung ano mang gamot ang tagiliran ko.Nilagyan din ulit  ng bandage.Nagising ako Alas 12 na ng tanghali.Kasalukuyang naghihiwa ng mansanas si Mommy .Pinipilit nya kong kumain

"M-mom...si A-andy?" Kahit nag aaalangan.Tinanong ko parin.

Napatigil si mom sa paghihiwa ng apple at tumingin sakin ng nag aalala.Hinila nya ang silya at inilapit sa tabi ng kama ko at umupo.

"A-anak...s-si tito andy mo.. he's still unconscious."

What the...

nataranta ko syang tiningnan.

"M-mommy...magigising  p-pa sya d-diba?"
Umiling sya kaya hindi ko na napigilang humagulgol.

"Sabi ng doctor...m-milagro nalang kung magigising pa sya"
Lumapit naman sya sa kin at niyakap ako.

"H-hindi sya pwedeng mamatay mommy..b-baka makulong ako..a-ayuko po makulong..ayuko" paulit ulit na sambit ko habang Humihikbi.
"A-aminado naman po kong...takaw gulo ako..p-pero di ko kayang p-pumatay"
sabi ko sa pagitan ng pag iyak.

"Sshhh...hindi baby demonyo ang Andy nayun..ginawa mo lang yun para maligtas kayo ng ate mo" Hinawakan nya ang pisngi ko at pinahiran ang luha.
"Pag di mo yun ginawa..baka kayo ang nasaktan nya...ayuko non iiwan nyo ba si Mommy?"Umiling ako habang Umiyak padin "proud nga ako sayo e...ang tapang mo..pinagtanggol mo mag isa ang ate mo laban sa demonyong yun" ngumiti sya sakin at inayos ang buhok ko.

Si Andy ay ang hudlong na stepfather namin.Tinangka nyang gahasain si ate buti nalang at napigilan ko sya.Kaso hindi naging madali yun dahil lumaban sya.Nagkasuntukan pa kami at nasaksak nya ko sa tagiliran.Napuruhan ko sya pero nagkanda bali bali naman mga buto ko sa daliri.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now