Male Nurse

0 0 0
                                        

Ellysa's POV

Nagising na naman ako ng madaling araw.Pinilit kung matulog pero gising na gising talaga ang diwa ko.Bumangon ako sa kama ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.Nakita ko pa si Mommy na natutulog sa sofa.Gusto kung lumabas at makita ang buwan.

Napansin kong may nakakabit sa kamay ko.Hindi ako pwedeng umalis na bitbit tong lecheng dextrose nato baka dito pako mahuli.

Marahas kong tinanggal ang swero ko at dahan dahang lumabas.Pero bago pa man ako tuluyan makalabas hinarangan nako ng nurse.

"Ay punyeta—!....ano ba nakakagulat ka" inis na bulong ko sa bwesit nato nasa tapat kasi talaga sya ng pinto.

Ito yung male nurse na nakita ko nong unang araw na magising ako.

"Tumabi ka dyan" mataray na ani ko.May kasalanan pa kasi yan sakin.Hindi nya ko Ginamot.

"You're not allowed to go somewhere...hindi ka pa masyadong magaling" Tiningnan ko ang name plate nya.

Zyrus Velasquez

"Alam mo Nurse Velasquez...Mas malala pa dito yung natamong kong sugat dati kaya sisiw lang to sakin ang mga ganitong sitwasyon kaya padaanin mo nako dahil gusto ko kong makakita ng buwan" inis na sabi ko.Pero ngumisi lang ang tukmol.

"Youre.not.going.somewhere" dahan dahang  ani nya.

"Tatabi ka o tatadyakan kita?" May halong bantang ani ko.

Ngumisi na naman ang hudas
"Go ahead.Kick me."

Sinara ko muna ang pinto tsaka dahan dahan syang hinarap. Tiningnan ko sya sa mata ng matagal.

Di ka uubra sakin boi!

dahan dahan akong lumapit sa kanya.At hinawakan ang kwelyo nya na parang inaayos ito.

"W-what are you doing?" Tanong nya pero ngumiti lang ako sa kanya at mas nilapit pa ang muka ko.Ilang pulgada nalang ang pagitan namin kaya isinagawa ko na ang Plano ko.

Marahas ko syang tinulak at napadaing pako ng kumirot ang kamao ko.Pero diko na ininda yun.Dali dali akong naglakad papunta sa kung saan.Ewan ko kung san ako pupunta basta gusto ko makakita ng buwan.

Moon is my therapy 🌙

Wala ng tao sa Ospital kaya hindi ako nahirapang maglakad ng  matiwasay.Gusto kung gumulong sa tuwa ng may makita akong elevator.Nilingon ko kung san ko naiwan ang kumag at nagtaka ako ng wala na sya sa harap ng pinto ng kwarto.

Teka ano bang pakialam ko sa hudas nayun?

Pinindot ko nalang ang elevator
pero bago paman ako makapasok may humarang na naman sakin

"Ay siopao!—... tangina! Bat ba nanggugulat ka?!" Inis na bulong ko kay Nurse Velazquez.Baka may makarinig e.

Pero teka? Ambilis naman yata nyang mag lakad?

"Pag dyan ka dumaan...dederetso ka sa baba..maraming nurse sa baba at pag may makakita sayo siguradong ibabalik ka sa kwarto mo" dere deretsong ani nya.

Napasibangot nalang ako.Wala na mukang hindi ko—

"Sasamahan kita sa rooftop kung gusto mong Magpahangin" ani nya at tumalikod.

Gusto ko syang pektusan sa sobrang tuwa!

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now