History

0 0 0
                                    

Ellysa's POV

Nakatitig lang ako sa peborit kong unan habang nakasandal sa sandalan ng kama.

"Nangingiti ka na naman..." Singit ni ate kaya taka akong napatingin sa kanya.

"Ha?" Takang tanong ko at kinapa ang labi ko.

Nakangiti nga!

Gagong doctor yun a anong ginawa nya sakin?.Bigla nalang lumapit si Mommy sa kama ko.Nakarating na sya galing sa  Cebu.

"Tell me baby...who is that guy?" Nakangiting ani ni Mommy.

"W-wala no...pinagsasabi nyo"umiwas ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ni ate na nakakunot ang noo.

Sasabihin ko ba sa kanila? Saka nalang siguro pag kami na— ano bang pinagsasabi ko!

"Alright then..maiwan ko na muna kayo dito ha? May aasikasohin lang ako sa Opisina...alisha Ikaw na muna bahala sa kapatid mo"
Nakangiting baling nya kay ate at tumango nsman si pangit.Bumaling sya ulit sakin at pinisil ang pisngi ko.

"makakalabas  kana bukas baby...sabi ng doctor pwede ka na daw umuwi" nakangiting ani nya tsaka hinaplos ang buhok ko.

Sandali pa syang nagpaalam at may binilin kay ate pero ako nakatulala lang.Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako parang ayukong umalis dito.paduguin ko kaya ulit tahi ko?

Wag na masakit.

"Sis..Bibili lang ako pagkain" singit ni ate tsaka nagpilit na ngiti.May napapansin ako dito kahapon pa e.Parang ang lungkot ng mga mata nya parang umiyak sya.Nahihiya nsman akong magtanong nag oopen naman kasi si ate sakin ng problema nya siguro antayin ko nalang na sya ang magsabi.

Tatawagin ko sana ulit sya kasi naiwan nyang nakabukas ang pinto pero buti nalang may pumasok na dalawang nurse dala ang gamot ko.

"May napupusuan na daw si Doc e" dinig kong bulong ng isang nurse.

Sino tinutukoy nya?

"Oo nga narinig ko sila kanina ang gwapo talaga ni Doc no? Sayang lang sino kaya yung babaeng yun" dinig kong sagot ng isa.Sa di ko Malaman na dahilan si Zyrus ang unang pumasok sa isip ko na doctor na tinutukoy nila.Hindi ako pinuntahan ng Hudas dito manliligaw nga daw sya diba?!

"Pupuntahan nga daw nya yung girl e...hahanapin nya daw kung saan nya ulit nakita yun"

Ano?! Kaya ba wala sya NGAYON?!

"Sa tingin mo.. pasyente bayun dito?"

"Feeling ko hindi...dinig ko sa hallway nya daw nakilala tas umaga pa yun..."

Umaga?! Sa gabi lang ako lumalabas so hindi ako yun! Tanginamo talaga Zyrus sinasabi ko sayo.

"Ang Swerte ng babae" kinikilig pang ani ng isa.

Swerte talaga sya pagnakatikim sya ng sapak ko.

"Ma'am...ito napo yung—" nagulat ang nurse nong tumingin sya sa gawi ko.

"A-ano  po ang problema ma'am?..b-bakit nyo po nilulukot ang kumot nyo?" Takang tanong ng isa pang Nurse.Tiningnan ko din ang tinutukoy nya.Nalukot nga.Mukhang di ko na malayan sa sobrang inis ko.

"Umalis na nga kayo sa harap ko" masungit na ani ko at dali dali nsman silang lumabas.Tangjna kasi e magchichismisan  na nga lang maririnig ko pa.Okay na sana mood ko kanina e.Kingina.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now