Cold treatment

0 0 0
                                        

Allyson's POV

Pagkatapos nong nangyaring yun.Hindi na naging maganda ang pagsasama namin ni Ellysa.Nalaman ko kila Mommy na umuwi daw si ellysa ng maraming pasa.At nong tinanong ko naman si Alisha ang sabi daw ni Ellysa sa kanila nakidnap daw sya.

Hindi nya ko sinumbong.

Nakonsensya ako.Sobra.Hindi ko alam kung anong ginawa nila kay ellysa nong gabi nayun.At kung pano sya nakatakas.Alam ko ang gago kong kapatid para ipagpalit sya sa girlfriend ko.Girlfriend kong niloko lang pala ako.Sobrang idol ako ni Ellysa kahit madalas ko syang singutan at di tinatrato na parang kapatid.Pero sya andyan parin para sakin.Sinasalo ako pagmay katarantadohan akong nagawa.

Sinubukan ko syang kausapin pero naging cold ang treatment nya sakin.Naging rebelde din sya.Madalas na syang napapasabak sa gulo at nagugulat nalang kami na pinapatawag si Mommy ng principal ng school namin dahil may nakasuntukan daw si ellysa na kaklase nyang lalake.Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.Ako ang dahilan kung bakit sya naging ganun.Napakawalang kwenta kong kapatid.

Nabalik lang ako sa wisyo ng magring ang Cellphone ko.

*Mommy calling*

Sinagot ko agad ang tawag.Diko alam pero kinakabahan ako.

"Hello m-mom?"

"[A-anak]"  mas lalo akong kinabahan dahil umiiyak si Mommy.

"Mom what's wrong? Bakit kayo umiiyak? May nangyari ba?"

"[A-anak..si Tito andy mo...muntik na nyang gahasain si Alisha"

Abat gago yun a!

"WHAT?!....HUMANDA SAKIN ANG GAGO NA YAN!...KAMUSTA SI ALISHA MOM? KAYO? SI ELLYSA? KAMUSTA KAYO? SINAKTAN NYA BA KAYO?" Napatayo pako sa galit.Kita kong naalma si Cedric sa inasal ko.Nagtataka siguro.

"[W-wala...ako nong mangyari yun...Si alisha she's okay now...wala nga syang galos e.. p-pero si Ellysa" Mas lalo akong kinabahan

"What mom? Anong nangyari kay ellysa?"

"[S-si ellysa...sya ang nagligtas kay alisha...pero nasaksak sya ni Andy sa tagiliran...andito kami ngayon sa Dawson Hospital" umiiyak na sabi ni Mommy.Napahawak ako sa batok ko.Kasalanan ko to.Kung andon lang sana ako.Ako dapat ang nagliligtas sa kanila.

"Wag mo ng palalapitin yang gagong andy na yan sa mga kapatid ko mom...Try ko magpaalam uuwi ako ng Pilipinas"

And I ended the call.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now