Ellysa's POV
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Lecheng Hudas na kumag na to.Malapit lapit ko ng ihulog to sa rooftop e.
"Lumayo ka saking hinayupak ka" gigil na banta ko sa kanya at sya naman tawa ng tawa na parang tanga.kainis!
"You know what I love teasing you...And I think I also love you" napatigil ako at takang napatingin sa kanya.Nakangiti sya sakin Kaya pakiramdam ko namula na naman ako.Pero maya maya...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA.... you're blushing again..." leche kala ko totoo na! "Baby..just admit that you have crush on me" mapang asar na ani nya.
Kagabi pa yang hayop na yan e pinipilit nya na may gusto ako sa kanya kahit wala naman.
Wala nga ba?
Sinamaan ko sya ng tingin na kulang na lang may lumabas na licer sa mata ko.Pero sya tawa lang ng tawa.Andito na naman kami sa rooftop as usual sumulpot na naman sya ng di ko inaasahan.Nanatili lang akong masama ang tingin sa kanya hanggang sa may naisip akong kalokohan.
Lintek lang ang walang ganti boi!
"Pano kung sabihin kong oo?" Nakangising ani ko kaya unting unti nawala ang ngiti nya.Bopols! "Pano pagsinabi kong crush kita.." umusog ako ng upo hanggang sa naging magkatapat na kami. "...ika-crushback mo ba ko doc baby?" Nakangising ani ko at nilapit ang Mukha sa kanya.Nakita kong namula sya agad.
Damhin mo ang paghihiganti ko biyatch.
"Y-you're kidding r-right?" Utal na tanong nya.Anlapit ko parin kasi sa kanya.
Ano ka ngayon?
"No I'm not"mabilis na sagot ko habang nakangiti.Tiningnan ko sya sa mga mata.Ayun na naman yung pakiramdam na parang hinihila ka ng mga mata nya.Bumaba ang tingin ko sa ilong nya.sana all matangos!.Bumaba ang tingin ko sa labi nya at hindi ko na inaasahan yung Sunod kong ginawa.
Hinalikan ko sya?! Lechugas anong iniisip mo lys? Nakakahiya ka.
Bibitaw na sana ako pero may humawak sa batok ko at naramdaman ko nalang na gumalaw ang labi ng hinayupak.
Abat gustong gusto.
Pilit akong kumakawala sa labi nya pero mas lalo lang nyang dinidiin yung kamay nya sa batok ko.Isa pa sa pinagtataka ko.Bakit anlamig lamig ng kamay nya? At ng labi nya? May sakit ba to?
Ng sa wakas ay binitawan nya ang labi ko pero pinagdikit nya naman ang mga noo namin.Hindi ko alam ang nangyayari sakin pero hinayaan ko lang syang hawakan ang pisngi ko at haplos haplosin yun.Napapikit pako hindi dahil sa sitwasyon namin kundi dahil sa kalitohan ng puso ko.Alam ko sa sarili kong mahal ko parin si kyle.Mahal na mahal ko parin sya at kung babalik sya sakin at sabihing mahal nya parin ako ay tanggapin ko parin sya kahit niloko nya ko.Pero hindi ko rin matatanggi sa puso ko na unti unti ko naring nagugustuhan si Doc Zyrus.Sa maikling panahong nagkasama kami unti unti akong nahuhulog sa kanya.Una palang magaan na ang loob ko sa kanya.
"Mas maganda ka pa sa Buwan." Halos pabulong na sabi nya habang magkadikit padin ang mga noo namin.Nong imulat ko ang mga mata ko nakangiti sya sakin.Ayukong ngumiti baka asarin nya lang ako.Kahit medyo kinikilig umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo.Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kanina.
Wala sa sarili akong kumaha ng apple at kinagat yun.
"Baby..." malambing na tawag nya pero di ko sya pinansin at busy ako sa pagkagat ng pagkagat ng mansanas.
Oo! Kagat lang wala ng nguya nguya!
"Baby?"
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko.Tanga bat ka sumagot?!
Wala sa sarili parin akong kumagat ng mansanas.Narinig ko syang Mahinang natawa sa inasta ko.Leche hindi nako makaganti a.
"May boyfriend ka na ba?" Nabulunan ako bigla.Grabehan naman kasing tanongan ng hayop na to e.
Inabot nya sakin ang chuckie at agad ko naman ininom yun.Naririnig ko na naman syang tumawa. Masayang masaya ang gago!
Sinamaan ko sya ng tingin pero sya parang inaantay talaga yung sagot ko.Ano bang isasagot?
"A-ano...w-wala" inis na sagot ko na halos pabulong na.Napangiti nsman sya sa sagot ko.
"Malamang ampangit mo kaya" Gago!
Tumawa sya ng malakas kaya halos patayin ko na sya mga titig ko.Tumigil sya sa pagtawa at tumingin nalang sakin Mayamaya biglang tumahimik.Naiilang nako sa titig nya sakin.Binabagabag din kasi ako ng tanong na to.Ewan ko kung itatanong ko ba baka kasi asarin na naman nya ko.Tss bahala na nga!
"E-eh ..Ikaw..M-may girlfriend k-kaba" hindi ako nakatingin sa kanya ng sabihin ko yun.Nakatingin ako sa Buwan.
"Meron.."
Nanlumo ako sa sagot nya.Okay ede wow sana all madeds sana kayo mga hayop! Teka ano bang pakealam ko? Ano naman ngayon kung may girlfriend na sya?! ano bang pakealam ko?! ANO NAMAN NGAYON?!.Napayuko ako at Wala sa sarili na namang kumagat ng mansanas.At this time parang anlaki ng kinagat ko.Halos lumubo na yung pisngi ko e.
"...Ikaw sana pag sinagot mo na ko" Literal akong nabulunan sa dinugtong nya halos isuka ko lahat ng laman ng bibig ko sa sobrang gulat.
Tarantado enebe nemen yen Doc baby.
