11 AM nako nagising.Alas 3 ako bumalik sa kwarto hinatid pako ng nurse.
"Ano ba kasing pinag gagawa mo't tinanggal mo pa talaga ang swero mo?!" Sigaw ni pangit este ni ate.
"Tumae ako.... alangan namang dalhin ko yan kahit sa kubeta?" Sarkastikong sabi ko habang tinitingnan kung pano nilagyan ulit ng swero ang kamay ko.
Asan na kaya si Zyrus? At bakit ko ba sya hinahanap?🙂
Umalis na ang nurse kaya nilingon ko si ate.Umuusok na ang ilong nya.Halatang napipikon na.
Ganyan nga HAHAHAHAHAH
"Pupunta dito mga kaibigan mo mamaya!" inis na sabi ni ate.
"Aano sila dito...wala pa naman akong taning" bigla nya nalang akong binato ng karton ng chuckie.
"Dadalawin ka malamang!..alam mo elle tigil tigilan mo nayang kakapasok mo sa gulo ha!"
"Kung hindi ako nasanay sa gulo...tingin mo ba makakaligtas tayo kay Andy?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Last nayun!"
"Tsk ingay... Bili moko pagkain nagugutom ako" sabi ko sabay himas sa tyan.
"Oo na! Sandali" inis na sabi nya kaya buong puso akong ngumiti.
"Thank you big sistah" inirapan nya ko bago sya lumabas ng pinto—
"Hoy bruha isara mo ang pinto!" Mukang di nya ko narinig.Ampt.
Hinayaan ko nalang wala naman sigurong papasok dito.Kinuha ko ang cellphone ko at nag open ng fb.Group chat agad namin ang umingay.
Psycho 10/16/2020
Ann: Hoy alas 2 tayo aalis ha! Sabay sabay na tayong pumunta sa Ospital.
Gellian: Sunduin nyo ko di ako gamit ng kotse!☹️
Issa:magtaxi ka gel mahal ang gasolina🙂
Jayiehb: ako nalang susundo sayo gel
Tania: Gagamitin ko ang makamandag kong motor sino aangkas?
Yna: ako sana kaso ayuko pang mamatay
Kyla: Lt HAHAHAHAHAH
Ann: imention nyo ang di lumalapag.
Kayce: @Ezica Gueniver @April loreen @judith venice mga hudas lumapag kayooooooo!
Ezica: paangkas ako tania!
Judith: hindi siguro ako makakapunta
April: eh? Sayang namang
Abat? Nagpaplano na ang mga walang hiya kala mo naman gusto kong andito sila.
Ellysa: bakit pa kayo pupunta?
Biglang tumahimik nong magchat ako.ayos!🙂
Ann: so totoo nga ang balitang buhay kapa?
Issa: matagal nga talagang mamatay ang masamang damo
Yna: sayang umorder na sana ako ng cuffin.
Kyla: ready na din yung mga kape at tinapay.
Wow ha nakakatouch kayong mga hayop kayo.
Ellysa: mahal nyo ba mga buhay nyo?