Creepy

1 0 0
                                    

Sa sobrang inis ko sa mga magagaling kong mga kaibigan hindi nako nag online.Sakto namang ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa lamesa ng may dumaan na pamilyar na pigura sa labas.

Teka? Si Zyrus ba yun?

Bukas pa kasi ang pinto kaya kita mula dito kung sino ang dumadaan sa labas.Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko basta namalayan ko nalang ang sarili kong sinilid sa bulsa ang cellphone at hila hila ang dextrose kong de gulong at lumabas para sundan kung si Zyrus ba talaga yun.

Sakto namang paglabas ko nakita ko syang lumiko ng daan kaya dali dali ko syang sinundan.Mahirap maglakad bukod sa masakit ang tahi ko epal patong dextrose.Habol hininga akong nag lakad at nakita syang pumasok sa isang kwarto.Nakakatakot pa dito parang walang masyadong tao sa parte nato ng Ospital.

Nasa tapat nako ng pinto pero nag aalangan akong pumasok.Mukang mali atang sinundan ko sya.Hindi ko nga alam kung sya bayun.

Ano namang gagawin ni Zyrus sa Morge?

Kanina pako nakatayo sa pinto.Nag aalangan kung bubuksan o hindi.Sa huli pinili kong buksan.Hawak ko na ang saradura ng pinto ng biglang..

*Phone ring*

"P—unyeta muntik nakong atakihin sa puso." Kinapa ko agad ang cellphone ko sa bulsa at napangiwi ng makita kung sino ang tumawag

*Kuya Allyson Calling*

bored kong sinagot ang tawag at nagsimula ng maglakad pabalik sa kwarto.

"Op? Napatawag ka?"

"[Okay ka na ba? I'm sorry kung di ako makakauwi next week pa siguro sorry kung wala—]"

"Yan lang ba tinawag mo?" Putol ko sa sinabi nya.Dami kasing drama e.

"[L-lys naman... promise next week makakauwi na talaga ako babawi si kuya]"

Sarkastiko akong tumawa "yan din sinabi mo Last month e" natatanaw ko na ang kwarto ko mula dito.

"[Sorry na.... inaantay ko pa kasing magising yung pasyente ko dito e]"

"Dyan ka nalang tumira sa London...Hindi ka naman namin kailangan" Inis na sabi ko at pinatay ang tawag.

Sya si Kuya Allyson.Ang pinakapanganay samin.Doctor sya sa London.At dahil sa ambisyon nyang yan napabayaan nya na kami.Sya dapat ang gumagawa ng bagay na ginagawa ko.

Sya dapat ang nagligtas samin

Papasok na sana ako sa kwarto ng may pansin akong tumitingin sakin.Luminga linga ako sa paligid pero wala namang tao bukod sa mangilan ilan na dumadaan.

SELENOPHILEWhere stories live. Discover now