Author's POV:
May mga bagay na hindi natin maipaliwanag dahil sa mga pagsubok na dumadating sa buhay natin. May mga kasalanang kailangan nating pagbayaran. May mga taong nasasaktan dahil hindi matanggap ang pagkawala ng mahal nila sa buhay. Marami pang mga pagsubok, masasakit at kung ano ano pa ang nagpapahirap sa tao para umiyak dahil sa pagluluksa.
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa isang kwarto na tinatawag na dining area sa napakalaking bahay habang kumakain sina Princess, Little Kobe, si Kobe at ang lola nya na tumulong kay Kobe.
Hindi alam ni Princess ang gagawin nya, habang tahimik ang buong paligid at ang pagiwas na ginagawa nya ay ang pagpapakain na lamang sa kanyang anak.
Gusto nyang sulyapan ng tingin si Kobe na kaharap nya pero hindi nya magawa dahil sa pinaggigitnaan sila ng lola ni kobe at natatakot syang baka magsalubong ang tingin nilang dalawa kaya nagpipigil sya.
Nakakatok naman kasi talaga ang lola ni Kobe kasi wala man lang itong sinasabi simula nung magpahanda sya ng makakain. Pero nararamdaman ni Princess ang mga tingin sakanya ng lola ni Kobe habang kumakain ito.
"Magpakasal na kayo"
Biglang parang may tumusok sa puso ni Princess ng sabihin iyon ng lola ni Kobe. Mahina yun pero dahil walang gumagawa ng kahit anong ingay ay sapat na yun para marinig ng lahat ng taong nandoon sa loob ng kwartong iyon, ang tinutukoy ko ay yung mga katulong, ang chef at ang tinatawag ni Kobe na Kuya Mon.
Gulat na tumingin si Princess sa lola ni Kobe, pero makikita sa itsura ng matanda na seryoso eto sa sinasabi nya kahit na patuloy pa rin ito sa pagkain nya. Napatingin si Princess kay Kobe ng magsalita ito.
"Hayyys! Lola naman! Pinakaba mo naman ako kala ko galit ka kaya napakatahimik mo!"
Yun ang sabi ni Kobe na parang tinatanggap nya ang sinabi ng kanyang Lola.
Alam ko bilang Author (Hahahah!) Na tinatanggap din ni Princess ang kasal at masaya rin sya na kay Kobe pa rin sya ikakasal. Patuloy na nakikipagkulitan si Kobe sa Lola nya dahil akala ni Kobe na galit ang lola nya.
Masaya nyang pinagmamasdan si Kobe na nakikipagusap sa lola nya dahil di pa rin ito makapaniwala na buhay na buhay si Kobe, sobrang saya ni Princess dahil hindi na mangungulila ang anak nya at hindi na sya mahihirapang magisip ng dahilan kapag tinanong sya nito kung nasaan ang papa nya.
Pumikit si Princess ng mariin...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At pagmulat nya nasa harap na sya ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili nyang nakawhite gown na pang kasal
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanficMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...