Princess Jamicah's POV:
Hanggang sa makarating kami sa park nalilito pa rin ako kung ano ba dapat ang gagawin kong desisyon, pinagbuksan ako ng pinto ni Miggy at inabot nya ang kamay nya para alalayan ako.
"Sorry hindi na kita masasamahan at masusundo, may meeting ako mamaya I need to be ready" - Sabi niya, sino ba naman ako para hindi sya payagan umalis, eh sakin nya na nga halos ibuhos ang atensyon nya dahil sa buntis ako, kapag nararamdaman nyang may gusto akong kainin itatanong nya kung ano tapos ibibili nya ako.
Naisip ko... magiging mabuting syang ama.
"Ayos lang, I told you na wag mo na akong ihatid dito" - nahihiya Kong tugon.
"Konsensya ko rin naman kapag may nangyari sa inyong dalawa ng baby mo. Sige na ingat ka. kapag tapos na kayo mag-usap, text me baka tapos na rin ang meeting ko nun sunduin kita." - tumango ako, at nagulat ako sa sunod nyang ginawa he kissed me on my right cheek, hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nya hanggang sa narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan nya.
Dumiretso na ako sa may punong lagi naming tinatambayan ni Kobe dahil sure ako na dito rin sya pupunta, marami kasi kaming good memories dito at sa tingin ko itong gagawin ko ang unang bad memorie para sa aming dalawa, natatanaw ko na sya at may hawak syang pink roses, sa totoo Lang namiss ko ang mga pink roses nyang ibinibigay sakin pagkagising ko sa umaga, nung una mag-isa lang sya pero may lumapit sakanyang babae kaya tumigil muna ako sa paglalakad.
Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil sa malayo ako sakanilang dalawa, pero kitang kita ko ang galit sa mukha ni Kobe habang kausap nya ang babae kaya lumapit na ako sakanila, doon ko lang nakilala ang babaeng kausap nya, kahit nakatalikod sya kilala ko pa rin ang hubog ng katawan nya mula sa likod, at dahil sa kakaiba nyang suot ngayon mas lalo kong nakilala ang tunay na pagkatao nya, masasabi kong bagay lang sakanya ang outfit nya dahil malandi sya or should I say bitch?
"Kobe!" - napatingin sya sakin.
"Princess!" - lalapitan nya na sana ako pero hinila sya ng bitch na yun! at hinalikan na naman sa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko!
Yes I admit na nagulat ako pero sinubukan kong maging kalmado, natatakot rin kasi akong mapaaway sa bitch na ito at madamay pa ang anak ko, and dahil sa ginawa nya ngayon sigurado na talaga ako sa desisyon ko and I know in this desicion? I won't ever regret it, no matter what happen!
I keep calm habang nakatingin sakanya, ganun din naman ang ginagawa nya, nabasa ko sa mga mata nya na humihingi sya ng tawad, cause me to smirk at him that makes him shock and nervous? don't be my baby.
Humarap sakin ang bitch at ngumisi sya, bilang ganti I gave her my sweetest smile ang bitch talaga, pasalamat sya dala ko ang anak ko kung hindi hinagis ko na sya sa pinakamalapit na ilog dito! Grrr. Akala nya ba magpapatalo pa ako sakanya? No way!
I walk towards him then pinunasan ko ang labi nya para tanggalin ang naiwang germs ng bitchy worm na ito, gulat lang na nakatingin si Kobe sa akin habang ginagawa ko iyon sakanya and si Sam? I don't care kung napuputol na ang litid nya sa leeg dahil sa inis, mas gusto ko pa nga iyon eh, but before that happen panuorin nya muna ang next kong gagawin.
"Baby ko nakakatampo ka naman eh! ayaw mo ba ng kiss ko? Teka lang punasan natin para mawala ang germs na naiwan ni Bitchy worm" - Sabi ko habang naka-pouty lips para magpa-cute sakanya hahah. then after kong mapunasan hinalikan ko sya ipinulupot ko ang dalawang braso ko around his nape, nung una nagulat talaga sya sa ginawa ko pero after 3 seconds pumikit na rin sya at inalalayan ang likod ko para siguro hindi ako bumagsak, at thankful naman ako dahil doon, dahil sobrang na-miss ko sya at feeling ko anytime magco-collapse ako.
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanfictionMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...