Chapter 26: Revelation

710 19 7
                                    

Princess Jamaicah's POV:

Ngayon ang araw ng libing nya..

Bakit kailangan pa na mawala sya sakin? Kung kelang matutupad na namin ang pangarap naming makabuo ng masayang pamilya, bakit ngayon pa?

Bakit ba ako binibigyan ng ganitong pagsubok? Alam naman ng Diyos na sobrang hina ko kapag wala siya sa tabi ko.

"Princess, mauna na kami sa bahay" - paalam sakin nila Tita, umuwi sila agad dito ng ibalita ni Nanay Milen ang nangyari, hindi ko kasi kayang ako pa magsabi na wala na sya, sa mga magulang nya.

"Sige po Tita at Tito, dito po muna ako" - sabi ko, kitang kita ko pa rin sa mga mata nila ang lungkot na nadarama nila dahil alam kong masakit mawalan ng anak.

Tinanguan nila ako at nagsimula ng maglakad para umalis na at umuwi ng bahay, halos nagsi-uwian na rin ang mga tao at ako na lang ang naiwan dito nakaupo sa harap ng puntod nya.

Ang sakit pagmasdan ang kaharap ko ngayon, naiinis ako sakanya kasi nagsinungaling sya hindi lang sakin kundi sa magiging anak nya rin na pinangakuan nya na hindi kami iiwan at hindi kami pababayaan.

Tumulong muli ang luha ko mula sa aking mga mata, bakit ba hindi ako napapagod umiyak? Samantalang lagi naman akong umiiyak at hindi ba nauubos ang mga luhang ito?

"Kobe! alam mo bang nagagalit ako sayo! Tama nga ang sabi nila na promise always meant to be broken kaya bakit pa ako umasa sa mga pangako mo! Iyan tuloy sobra akong nasasaktan ngayon. Dapat hindi mo na lang sinabi iyon kung wala ka naman palang balak gawin!" - Gustong gusto ko syang suntukin ng paulit ulit pero paano? Wala na nga sya diba? Iniwan nya na kami.

"Pero Baby ko kahit ano talagang gawin mong kasalanan mabilis pa rin kitang patawarin eh, ganun kasi kita kamahal, basta hintayin mo lang kami ng little angel mo kung saan ka man ngayon, at lagi mo lang kaming bantayan at gabayan sa mga kinabukasan namin, kahit anong mangyari dito sa puso ko ikaw pa rin ang tinitibok nito" - nakangiti pero kita pa rin ang lungkot sa mga mata ko, kailangan ko rin maging matatag at sanayin ang sarili kong maging malakas para sa little angel namin.

"*smirk* ang sweet naman! Kailan ko ba mawawakasan yang nakakairita nyong pagmamahalan! Winakasan ko na nga ang buhay ng isa nagmamahalan pa rin kayo! Kaya tama lang siguro na patayin na rin kita para maiganti ko na si Miggy!" - sabi ni Samantha, sabay tutok sakin ng baril.

Hindi ako makapaniwala na sya ang pumatay kay Kobe! at ano ba ang sinasabi nyang igaganti nya si Miggy?

Gusto ko syang patayin pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka isang galaw ko lang kalabitin nya ang gatilyo ng baril at hindi ko matatanggap na hindi man lang masilayan ng anak ko ang magandang mundo na sinilangan namin ng kanyang ama.

"Ikaw ang pumatay kay Kobe? Ano bang kasalanan namin sayo?!" - tumayo ako sa pagkaka-upo ko para harapin sya ng maayos.

"Bingi ka ba?! Ang sabi ko maigaganti ko na si Miggy dahil pinatay mo sya!" - hindi ko alam kung sinong Miggy ba ang tinutukoy nya, isang Miggy lang naman ang kilala ko at iyon ay ang kababata ni Kobe.

"Sino ka ba talaga?!" - tanong ko sakanya.

"Ako lang naman ang unang babae na minahal ni Miggy bago mo sya nilandi! Masyado ka kasing papansin! You should be the one na namatay 5 years ago! Dapat ikaw yung nabangga, bago sya!" - galit na galit syang nakatingin sakin.

Kung ganun, sya pala ang bumangga samin nun, sya ang dahilan kung bakit nawala ang alaala ko at ngayon naman, sya pa rin ang dahilan kung bakit nawala ang taong mahal ko!

"Hindi ko sya pinatay! Hindi pa sya.." - depensa ko.

"IKAW ANG PUMATAY SAKANYA! KAYA MAGBABAYAD KA!" - Sigaw nya, nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata, nasasaktan sya, kaya lumabot bigla ang puso ko sakanya.

"PRINCESS!" - napalingon kaming dalawa sa tumawag sakin at iyon nakita ko ang Miggy na kanina pa pinagpipilitan ni Sam na ako ang pumatay.

Tumingin naman ako kay Sam at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil ang akala nyang patay na ay buhay pa pala, hindi ko inaasahan ang ginawa ni Miggy pagkalapit sakin agad syang humarang dahil hanggang ngayon nakatutok pa rin sakin ang baril ni Sam pero malakas ang pakiramdam ko na hindi nya na iyon ipuputok pa dahil kay Miggy na hindi nya inaasahang dumating.

"Sam! Don't do this." - sabi ni Miggy, pinagmasdan ko kung paano ibaba ni Sam ang baril na hawak nya at napayuko at umiyak ng umiyak.

Unti unti ring lumapit si Miggy sakanya at niyakap ito ng mahigpit, kita ko ang pagsisisi nilang dalawa dahil sa mga nangyari.

"B-Buhay ka!" - dinig ko kahit mahina lang na sabi ni Sam.

Ang sakit isipin na, namatay siya dahil sa mga maling akala na namuo sa loob ni Samantha. Bakit hindi ko magawang magalit sakanya? Dahil ba ito sa pagod na pagod na ako sa mga pangyayari?

Lumapit silang dalawa sakin..

"Princess, patawarin mo sana ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo, hindi naman ako naghahangad na mapatawad mo na ako agad, pero hihintayin ko ang araw na iyon." - walang akong isinagot o kahit man lang tumango sakanya hindi ko nagawa, alam nya naman ang nararamdaman ko ngayon, kaya wala syang karapatang magalit o mainis.

"Pwede mo ba muna kaming iwan?" - tanong ni Miggy kay Sam, tumango naman ito sakanya at lumayo na samin.

Nang makalayo na si Sam ay nagsimula ng magsalita si Miggy, tumingin sya ng diretso sa mga mata ko.

"Princess, I'm sorry kung wala akong sinabi sayo na may naging Girlfriend  ako at hiniwalayan ko para sayo, natakot kasi ako na kapag sinabi ko sayo hindi mo ako mapatawad, pero na-realize kong mas mahal mo si Kobe kaya nagparaya na lang ako, nangibang bansa ako para makalimot, pero hindi eh, ikaw pa rin talaga kaya bumalik ako dito at nagtayo ng isang business hotel at dahil hindi kita makalimutan sayo ang pangalan na ginamit ko sa hotel." - hindi ko naman sya masisisi kung nagawa nya ang bagay na yun kasmy Sam, alam ko naman na kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat kahit pa may masaktan at maging selfish ka.

pero hindi ko kayang magpatawad ngayon lalo na ngayong araw inilibing si Kobe.

"No, wag ka saking magpaliwanag at mag-sorry dapat kay Samantha kasi nasaktan mo sya ng sobra, maglaan ka ng oras para mkapag-usap kayo, pero hiling ko lang na sana wag dito sa harap ng taong mahal ko, igalang nyo naman sya..."

"Salamat alis na ako!"

Sobrang hirap, ang hirap ng namatay sya ng walang dahilan! Hindi ko na kaya pa.

Pinunasan ko ang mga luha ko...

Bukas magiging matatag na ako at pinapangako kong haharapin ko ang mga problemang darating ng may tapang.

Guide me Kobe...

-------------------------------
Sorry po talaga.. 😭 pero trust me mga minamahal kong readers.. 😉

Everything will be fine.. 😊

Enjoy reading.. 😘

Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon