Chapter 15: The Past

799 16 0
                                    

Miggy's POV:








Hmm, my name is Miggy Hernander, 20 years old.. At gwapo ako... CEO ng PJF's Hotel Tama kayo, initial ni Princess, matagal ko na ring pangarap na magkaroon ng sariling hotel na mapagkakakitaan ko, initial nya ang ginamit ko para hindi ko sya makalimutan...








Second cousin ako ni Kobe, pero talagang mapagbiro ang tadhana, pareho kaming nagmahal ng iisang babae at ang mas masakit pa doon hindi ikaw ang mahal nya...








May mga napag-usapan din kami ng araw na maaksidente ako, tungkol iyon kay Princess....








--------->Flashback (5years ago)<---------








"Miggy I'm sorry, mahal naman kita eh, pero bilang kaibagan lang ang kaya kong ibigay, mas mahal ko si Kobe... pero kahit ganon please wala sanang mabago sating dalawa" - Sabi nya habang umiiyak sa harap ko...








Ang sakit ng lahat ng sinabi nya, lalo na ang mas mahal nya ang pinsan kong si Kobe... mahirap tanggapin ang bagay na yon kaya lalayo ako, para mawala ang sakit na nararamdaman ko!








Kaya tinalikuran ko sya at tumakbo patawid ng kalsada....








*Booooogggssshhhh*








"MIGGY!" - yan ang huli kong narinig bago mawalan ng malay...








kahit papano sa huli kong buhay sya ang nakasama ko kahit panget ang pagkikita namin, at least kasama ko sya at sya ang huling bumanggit ng pangalan ko..








after 2 days....








I slowly open my eyes, at first it's blurd pero ng tumagal na napagtanto kong nasa ospital ako dahil sa mga puting nakikita ko at isa pang nurse ang nakita ko sa tabi ko...








"Doc! gising na po ang pasyente!" - sigaw nya at nagmamadaling lumabas para siguro hanapin si Doc na sinasabi nya..








Sandali lang, bakit wala si Princess? si Kobe? at si Christian? sinubukan kong tumayo kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko dahil sa pagkakabangga ko sa isang kotse...








Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap, hindi pala solusyon ang pagpapakamatay kapag nasaktan ka, mas importante ang mabuhay para sa mga taong nagmamahal sakin...








Pumasok si Christian kasama ang Doctor, ni-check lang naman nya ako tapos ibinigay na daw nya kay Christian ang mga dapat bilhing gamot, tapos lumabas na sya...








"Nasan si Princess?" - tanong ko kay Christian








"*Smirk* nasa kabilang kwarto" - nagtaka ako sa sinabi nya sakin, pano? bakit sya nasa kabilang kwarto kung nandito ako?








"Wag mo nga akong ginagago Christian!" - malapit na akong magalit sa mga inaasal nya ngayon!








"Hindi kita ginagago! nagsasabi lang ako ng totoo, ang sabi kasi ng nakabangga sayo, nabundol din sya nung tumakbo sya palapit sayo." - nag-alala ako sa sinabi nya kaya agad akong napatayo..








tinanggal ko lahat ng mga nakakabit sakin, kahit na ramdam na ramdam ko ang sakit lalo na sa braso ko dahil iyon ang mas napuruhan sakin, naglakad ako at pumunta sa sinabi ni Christian na kabilang kwarto...








Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon