Chapter 32: Picnic with Him

379 6 4
                                    

Jayson's POV:

Bumisita ang lola sa bahay ko para kamustahin ako, pero itong madaldal na itong lalaking ito ikinwento pa ang tungkol kay Princess, kaya ang lola binabato ako ng mga tanong tungkol kay Princess habang ang bwisit kong katiwala, pinapatay ko na sa isip ko, daig pa nya ang mga babae sa kadaldalan eh!

"Ano? May asawa?" – Gulat na tanong ni Lola, nasa part na kasi ako ng kwento na may baby si Princess pero, pumasok agad sa utak ni Lola may asawa na.

"No Lola, Yes she has a Baby but... Base on Kuya Mon's research her soon to be Husband died two years ago. Get it?" – Paliwanag ko.

"Get it! Get it ka dyan! Ayusin mo yan ha! Ayoko na mababalitaan kong kabit ka na pala ha! Kundi nakooo!"

"Lola just trust me, Okay?" – Natawa ako sa sinabi ni Lola na Kabit, Seriously? It's kinda annoying.

"Pero ayaw mo ba talaga sa mga blind date mo? Doon wala kang problema, kilala ko ang mga family nila." – Seryosong suhestiyon ni Lola sakin.

Talagang hindi ako titigilan ni Lola sa blind date, blind date na yan ah! Okay, aaminin ko magaganda naman ang mga nakaka-blind date ko, they are looks like a model, pero hindi ko sila gusto, kapag kasama ko sila malamang mangingibabaw yung Lust kesa sa Love, at ayoko ng ganun.

Gusto ko Love muna before Lust, at yun ang nararamdaman ko para kay Princess..

I Love Her...

"Lola, kilala nyo ko, hindi ako nagkw-kwento tungkol sa mga girls, It's unusual right? Pero ngayon kasi Lola, iba toh eh.. So please respect me and my decisions, nasa tamang edad napo ako." – Sagot ko sakanya habang nakatingin ng diretso para na rin maramdaman nya ang sinseridad sa mga sinasabi ko.

"Tama ka, pero sa oras na Makita kong umiiyak ka dahil sa babaeng yan... bahala ka sa buhay mo!" – Narinig ko ang pagpipigil na pagtawa ni Kuya Mon.

"Lola!"

"Ang sabi mo nasa tamang edad ka na, kaya bahala ka sa buhay mo." – Akala ko seryoso si Lola sa sinabi nyang iyon pero nakita ko ang pagngiti nya, kaya niyakap ko sya. Para iparamadam na mahal na mahal ko sya.

Umalis na rin si Lola maya maya pagkatapos naming makapag-usap,

Nandito lang ako sa balcony kung saan kitang kita ko yung katapat na bahay na tinitirahan nila Princess, eaight na ng gabi kaya malamang matutulog na sila o kaya tulog na.

Iniisip ko ngayon kung pano ba ako makakagawa ng bagong diskarte para mapansin nya ulit ako katulad kaninang umaga pagkapasok namin, medyo nagkamali lang ako nung huli kasi ba naman eh, sya rin ang may kasalanan, at saka ang nakakatuwa roon, yung inis na inis nyang mukha, ang cute nyang pagmasdan, ang sarap nyang asarin.

Saka, naalala ko yung sinabi nya na..

"Dahil sa ginugulo mo lang yung isip ko!"

What is she trying to say? Dun sa sinabi nyang yun?

Pumasok na ako at pumunta sa kusina, nakita ko si Kuya Mon na kumakain ng saging doon at hindi ko na rin sya pinansin at uminom na rin ng tubig.

Pero hindi ako mapakali dahil nagkakagulo yung utak ko at ang puso ko, na itanung ko na daw Kuya Mon kung bakit nasabi iyon ni Princess.

Pagdating kasi sa mga ganito, bagsak ako. Si Kuya Mon naman marami ng pinagdaanan sa buhay kaya baka matulunangan nya ako, baka hindi rin ako makatulog kakaisip ng sagot eh.

Palabas na sana ako ng kitchen ng kusa ng lumabas sa bibig ko ang tanong ko para sakanya.

"Kuya Mon, Bakit?" – Napapikit na lang ako dahil nahihiya akong magtanong.

Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon