Chapter 35: He's back

76 1 0
                                        

Princess Jamaicah's POV:

Nitext ko si Jayson na nandito na kami sa parking lot at hihintayin na lang namin sya dito.

Natanaw ko na syang naglalakad habang tulak tulak yung cart, nung nasa harap na namin sya napansin Kong parang may bukol sya, Kaya naisip kong itanong kung ano nangyari.

"Anong nangyari? Bat may bukol ka dyan?" - tanong ko.

"Wala" - simpleng sagot nya, habang isa isa na nyang nilalagay yung pinamili sa likod ng kotse.

Sumakay na kami pareho. Naisip kong dalawin si Kobe Kaya sinabi ko kay Jayson yun.

Nakarating na kami, si Jayson ang may buhat kay Baby Kobe.

Akmang uupo na ko nang biglang tumalikod si Jayson para umalis kasama anak ko.

Ano bang problema nito? Kanina pa to ganyan, tahimik tapos parang inis na inis na parang ewan ba.

Tumayo ako sa sobrang inis at hinarap ko ang papalayong anak ko at si Jayson.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah? Kung may problema ka, wag mo kong idadamay at saka kung aalis ka bakit mo dadalin anak ko? Ha? Nandito Tayo sa puntod ni Kobe kaya dapat lang na nandito anak nya!"

Hindi ko alam kung san nangaling yung mga salitang yun, basta kusa na lang syang lumabas lahat. Naiinis na kasi ako eh, kanina pa, sa dinami daming pwede nyang pagbuntunan ng galit kami pa ng anak ko, at sa harap pa ni Kobe.

Ibinigay na nya sakin ng maayos ang anak ko, nakikita ko pa rin ang inis nya sa mukha habang sinasamaan ko sya ng tingin, narinig ko ang malalim nyang paghinga at pagbuga nya rin na yun.

"Alam mo bang ang sakit isipin na, alam ng iba na patay ka na! Ayan oh!" - tinuro nya yung puntod ni Kobe.

"Ano bang gusto mong palabasin ha?" - inis kong tanong.

"Ayan! Sigurado ka bang totoong tao yung nandyan?"

"Huh?"

Napatingin akong muli sa puntod ni Kobe, bigla akong kinabahan, at nanghina, gustohin ko mang bumagsak bigla dahil nanlalambot yung mga binti ko, pero di ko magawa dahil hawak ko rin ang anak ko.

Naiiyak na ko, ano ba gusto nyang sabihin? Bakit nagtatanong sya ng ganyan? Sinasabi nya bang maling tao Ang nakalibing dyan?

Tumingin ako sakanya muli, at wala na yung inis sa mukha nya, dahil napalitan na yun ng lungkot at sakit.

"Princess, I'm sorry." - sabi nya at bigla nya kaming niyakap, naramdaman ko na parang may tumulo na tubig sa balikat ko, at Alam kong sakanya galing yun.

Hindi ko na rin mapigilan umiyak dahil sa nangyayari, kumalas ako sa pagkakayakap nya, at nakita ko ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha nya, tumingin ako sa mga mata nya at ganun din ang ginawa nya.

"Kobe?" - ngumiti sya at tumango ng marahan.

This time, Hindi na kinayanan ng mga paa ko na makatayo, akmang babagsak na ko, pero inalalayan ako ni Kobe na akala kong patay na, pero ngayon ito sya nasa harap ko.

Patuloy ko lang syang tinitigan, habang pareho kaming umiiyak, hindi ako makapaniwala, totoo ba talaga toh?

"UWAAAAA! UWAAAAA!" - Umiyak ang anak namin, marahil ay nakakaramdam na talaga sya kung ano na nangyayari sa paligid nya.

"Bumalik muna tayo sa sasakyan, ipapaliwanag ko sayo lahat ng nangyari" - pagkasabi nya nun, pinunasan nya ang luha nya pati ang luha ko, at kinuha nya sakin ang anak ko para sya na ang magkarga.

Genuine Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon