Kobe Kieffer's POV:
Ilang beses ko nang sinubukan na tawagan sya pero lagi na lang nakapatay iyon...
Gusto ko na syang makita at makasama, and I swear hindi na ako gagawa ng bagay na alam kong masasaktan sya at magiging dahilan ng pag-alis nya at pag-iwas sakin..
Pumunta akong park, Hindi ko na isinama pa si John, pero alam nya na nandito ako ngayon...
Dito kami madalas mag-picnic ni Princess... nandito rin ako sa ilallim ng puno na lagi naming pini-pwestuhan, nakaupo ako habang pinagmamasdan ang lahat ng tao dito...
Karamihan mga couple ang makikita mo.. dati isa kami ni Princess sa mga couple dito sa park, pero ngayon, Wala na... ganito pala ang pakiramdam ng isang bitter?
inilibot ko pa ang paningin ko at mayroong nakapukaw ng atensyon ko, isang masayang pamilya iyon, nagtatawanan sila habang kumakain ng Cotton candy.. mahilig din si Princess sa cotton candy, ganun din kaya ang magiging anak namin?
Ang sarap namang isipin na magkakaroon kami ng mga anak na naghahabulan dito at nagtatawanan ng malakas... kung sakaling magkakaroon kami ng anak ang first baby na gusto ko ay Lalaki, para kapag may mga babae syang kapatid.. sya ang magtatanggol sa mga ito...
"Hey! Bro! ganda ng ngiti natin dyan ah!" - Sabi ni John kasunod non ay ang pag-akbay nya sakin at umupo katabi ko...
"Sabi ko gusto ko mapag-isa hindi mapag-dalawa, bakit mo ba ako sinundan ha?" - Pagrereklamo ko..
"Ang sungit mo Bro! may period ka? haha." - Pang-aasar pa nya..
"Pero Bro? Bakit ka nga nakangiti?" - Tanong nya pa.
"Tssk! Ang saya nila noh? Sana lang mapatawad nya na ako para makagawa na rin kami ng ganyang kasayang pamilya, I miss her so much" - Napatingin din sya sa tinitignan ko...
"Bro! Hindi ikaw yan, ang Kobe kasi na kilala ko laging never give up ang sinasabi, pero Sige! ipagadarasal ko na sana, magkaayos na kayong dalawa, pero sana naman isipin mo muna ang sarili mo! Di ka pa kaya kumakain! puros na lang alak ang laman ng tiyan mo Bro! Kaya tara na! nagluto si Tiff ng favorite ko"
Napaisip naman ako sa sinabi nya, paano kaya kung pinagluluto din ako ni Princess ngayon ng paborito ko?
"Ang corny mo Bro! kapag nagkaayos din kayo ni Princess! Pangako sayo, ipagluluto ka rin nya. kaya wag ka nang bubulong kung dinig din pala ng iba.. haha." - Napatawa na rin ako sa sinabi nya. kapag ba bumubulong ako dinig talaga???
Eh paano pala nung mga araw na kasama ko si Princess, madalas pa naman akong bumulong, so that means she can hear it??? all???
"Oo bro, rinig ko ang bulong mo, saka Kobe? ang dami mo pala talagang kasalanan kay Princess?" - Tanong nya...
"Lol ka bro! I thought we're real friends" - Sabi ko sabay tawa...
"Haha, nagtaka kapa." - Sana siya ngayon ang kausap ko....
Sana siya ngayon ang katawanan ko...
I really missed her so much..
My Princess please come back now...
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanficMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...