Princess Jamicah's POV:
Ilang araw na nung nangyari yung pagkakakilala namin ni Samantha, hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako dahil dun sa sinabi nya...
Hanggang ngayon dala dala ko pa rin ang pangamba, kahit na ang huli naming pagkikita ay yung araw na nakilala ko sya...
"Hey! Prinsesa ko tulala ka na naman" - sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.
Kung alam nya lang kung bakit ako nagkakaganito... Still I managed to smile at him.. para hindi na sya mag-alala.
"Huwag mo akong sasaktan ha." - sabi ko sakanya na nakapag-pakunot ng noo nya.
"Oo naman, hindi ko sasaktan ang mahal kong prinsesa. Kaya don't worry okay? Okay lang naman kung ako yung saktan mo.. pero wag yung sobra." - dahil sa sinabi nya may naisip akong kalokohan..
"ARAAAYY!" - sigaw nya
"Hahahahah!" - tawa ko na sobrang lakas, yung itsura nya kasi halatang nasaktan..
"Masakit yun ah!" - reklamo nya.
Want to know why? I pinched him hard on his nose. At sobrang pula na nun. Kaya ang lakas ng tawa ko..
"Sabi mo okay lang kung saktan kita? Hahaha"- natatawang sabi ko sakanya..
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin, ang sakit kaya, hindi ako papayag na hindi ako makaganti, masakit eh. Kaya run my princess, RUN!" - sabay habol na nya sakin.
"Kyaaaahhh! Kobe! Wag ayoko" - sabi ko habang tumatakbo.
"Nandyan na ako, waaahh!"
Sa kakahabol nya sakin palagay koy naikot na namin ang buong bahay at narating na namin ang garden at tadaa...
Nahuli na nya ako ng tuluyan, niyakap nya ako mula sa likod tapos iniikot nya ako paharap sa kanya.
"Pano ba yan nahuli na kita?" - ngiting tagumpay ang loko..
"Kyaaaahhh! Ayoko Kobe, wag mo kong kagatin sa leeg! Kyaaaahhh Kobe! Nakikiliti ako. Hahahh" - tawa ko kasi ang leeg ko ay Isa sa mga malakas ang kiliti at alam yun nitong lalaking gumagawa nun..
"Wow! So sweet, pwede ako rin Kobe?" - natigilan kami pareho sa ginagawa naming paghaharutan, dahil sa babaeng umeksena.
Napatingin lang kami sa kanya at ano naman kaya ang ginagawa nya rito? Hindi ko rin alam kung paano sya nakapasok dito sa garden. Siguro naiwan na naman namin na bukas ang gate.
Bakit ba kinakabahan ako kapag nararamdaman ko ang presensya nya? Kaibigan ba sya o kaaway???
"Joke lang guys, nakakatawa yung itsura nyo, makiki-meryenda lang ako sa una kong kaibigan dito sa subdivision" - paliwanag nya. Medyo nakahinga ako ng malalim..
"Si-sige" - pati ang bibig ko hindi ko na-control dahil sa Kaba nararamdaman ko..
Pumasok na kami sa loob at doon na kami sa sala at nanuod kami ng Movie habang kumakain ng Junk foods..
Katabi ko ngayon si Kobe, Bali pinaggi-gitnaan nila akong dala sa mahabang sofa.. tahimik si Kobe, nakakaramdam na rin siguro sya sa kung ano ang nangyayari.
"Wait lang kukuha lang ako ng chips dun" - paalam ni Kobe pero sakin sya nakatingin..
"Sige, baby ko, pakidamihan po"
"Masusunod mahal kong prinsesa" - sabi nya nang nakangiti sakin. At pumunta na syang kusina.
"Princess? San yung Cr nyo?" - Maya mayang tanong nya.
"Pakidiretso na lang yun." - turo ko malapit sa kusina.
"Ah! Okay, Sige thank you. Wait lang ha" - tumayo na sya at pumunta na sa cr. Binalik ko ang tingin ko sa TV.
Kobe Kieffer's POV:
Alam nyo kahit kailan napakatakaw ni Princess sa Junk foods pero kapag gulay na ang ipapakain mo ang hirap pakainin..
Alam ko rin na may kakaiba sa dalawang yun. At Ayoko ng makialam pero kapag nalaman kong sinasaktan nya si Princess ako makakalaban nya.
"Samantha Pascual"
Nagulat ako sa pagsulpot ni Samantha, at ikinagalit ko ang pagbanggit nya ng pangalan nya kasama ang apelyido ko!!
Si Princess lang ang may karapatang magdugtong sa pangalan nya ng apelyido ko!!
"What did you say?" - irita kong tanong sakanya.
"Bagay ba?" - tanong nya.
"You're a Joker ha! But I wanna tell you that it's not funny!" - sagot ko.
"You know what Kobe? Mas bagay tayo, so... Bakit di mo na lang sya iwan? Then magsama tayo?" - malandi nyang sabi.
Kahit kelan hinding hindi ko ipagpapalit si Princess kahit kanino dahil sya lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko...
"You're crazy!" - galit ko ng sabi..
Kailangan kong pigilan ang sarili ko, una babae sya at pangalawa baka ito pa ang maging dahilan ng pag-aaway namin ni Princess at ayokong mangyari iyon..
"Yes I know it's because of you, I Loved You and you can love me too." - sabi nya, at hinawakan nya ang kaliwang pisngi ko, pero inalis ko agad iyon.
Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, para hindi ako makasakit ng babae at hindi ako katakutan ni Princess.
Huminga ako ng malalim at sinabi ang kailangan kong sabihin kesa saktan sa pisikal itong kaharap ko...
"Someday you will find the right man for you, Man who will love you, man who will care for you, and man who will do what you wanted" - sabi ko ng malumanay.
Sana sa mga sinabi ko tigilan na nya ako, pero nagtaka ako sa ikinilos nya matapos kong sabihin iyon.
"Kyaaaahhh!! Yes. Magaling ba yung acting ko? Ha? How's my acting, you know what I really really wanna be a great actress" - she look so happy..
"Huh? What do you mean? Lahat yun acting lang?" - gulat na tanong ko sa baliw na babaeng ito.
"Yup, am I good in acting?" - she said while jumping like a kid
"O-Oo *smile* napaniwala mo ako dun, galing mo, Sige una na ako. Bye" - sabi ko at umalis na sa harap nya na may pagtataka pa ring nararamdaman.
"Okay - -"
Pakiramdam ko totoo lahat at seryoso sya sa mga sinabi nya kanina...
Siguro dapat talaga syang maging artista....
-----------------------
Whoah. Good luck sa dalawa nating couple.
Pero ano kaya talaga ang pakay ni Samantha??? Bakit bigla na lang syang sumulpot?
Alamin natin yan.. abangan...
Wag po mahihiyang mag-Vote at comment.
Kamsahamnida readers. ^_^
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanficMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...