Kobe Kieffer's POV:
*Click* *Click* *Click*
Nagising ako sa ingay ng camera, nagmulat ako ng mga mata at nakita ko agad si Princess na nakayakap sakin habang tulog na tulog pa, hinalikan ko sya sa noo.
*click*
nagulat ako sa isa pang tunog na iyon kaya hinanap ko iyon at nakita ko ang magaling kong Mommy may hawak syang phone at nakatutok ito sa aming dalawa ni Princess.
"Omg! sakto yung pag-capture ko ng picture nyo baby, aww! so sweet ganyan ka ba lagi baby kapag nauuna kang magising sa kanya? " - I just rolled eyes on my dearest Mom.
"Mom! don't make a noise! at wag mo kaming kunan ng picture baka magising si Princess at lalo pa syang ma-wierduhan sa inyo. " - sabi ko na medyo mahina at sapat na para marinig ng aking Mommy dahil baka magising pa si princess ng dahil sakin.
"Sorry baby, I just can't help my self to capture this kind of moment .. hihi.. Sorry my future daughter in law, I think it's my time to get out, bye. " - lumakad na sya pero huminto pa rin sya at humarap ulit sakin.
"Ow! I'm just kinda forget to ask you this. " - tapos nun lumapit na sya at may ibinulong.
"Hindi pa ba kayo nakakabuo? "
"MOM!!! " - nahihiya kong sambit at sa tingin ko napalakas iyon dahil naramdaman kong gumalaw bigla ang katawan ni Princess, mabilis na umalis si Mommy sabay sarado ng pinto
"Sorry Princess, just go back to sleep" - inayos ko ang pagkakahiga nya, gumalaw rin sya ng konti para tulungan akong iayos sya ng higa.
naisip kong wag na lang akong bumalik sa pagkakatulog at pagmasdan na lamang siya habang sya naman ay natutulog, halos dalawang linggo ko rin itong hinintay ng magkatabi kaming muli ni Princess sa pagtulog.
Ilang araw akong nangulila sa kanya at gusto kong bumawi sa lahat ng sakit na ginawa ko sa kanya..
Itong babaeng ito ang pakakasalanan ko at makakasama ko habang ako'y nabubuhay at gusto ko rin na sya ang maging ina ng mga magiging anak ko.
Pangarap ko ay magkaroon kami ng masayang pamilya, yung tipong sya yung mag-aayos ng neck tie ko, mag-aayos ng dadalhin ko, magluluto ng almusal, tanghalian at hapunan, yung ako ang maghahatid sa mga anak namin sa eskuwelahan, at yung kahit na pagod na pagod ka galing sa trabaho madadatnan mo ang ang asawa mo at mga anak mo na nagkakasiyahan sa bahay, mawawala na lang bigla iyon dahil sakanila.
Kay Princess ko nakikita ang magiging future ko sa mundong ito and I hope ganon din ang nakikita nya para sakin..
isang oras ko tinitigan ang babaeng mahal ko pero feeling ko ang tagal tagal kong ginawa iyon...
Nagmulat si Princess ng mga mata at ng makita nya ako Pumikit ulit sya at ngumiti ng malapad..
"Good morning baby ko" - sabi nya na nagpa-buhay ng mga lamang loob ko sa katawan. wierd pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanfictionMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...
![Genuine Love [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/98687632-64-k954987.jpg)