Chapter 29: Her Information and Decision

945 13 17
                                        

Princess Jamaicah's POV:

Nandito kami ngayon ng anak ko sa Dining Area, pinapakain ko sya ng tanghalian, subo lang ako ng subo sakanya kapag napapansin kong paubos na yung nasa bibig nya.

Naisip ko, pano kaya kung nandito sya at sabay naming pinapalaki ang anak namin, masaya kaya?

Minsan naiisip kong mainis at magtampo kay Kobe dahil nangako syang hindi nya kami iiwan, pero ang sakit ng ginawa nya kasi hindi man lang nya tinupad ang mga binitiwan nyang salita saakin.

Pero gusto kong itatak sa utak ko na, nandito lang sya sa paligid, binabantayan kami bilang isang anghel.

Sinubuan ko ulit si Baby Kobe ng pagkain, napatingin naman ako sa paggalaw ng anak ko ng bibig nya, napakagat tuloy ako ng marahan sa labi ko at napapikit dahil naalala ko yung siraulong lalaki na humalik sakin nung isang araw!

Hindi ko magawang mainis sakanya, pinipilit ko na nga lang ang sariling kong mainis ako sakanya eh, pero wala eh..

Siguro dahil sa kamukha nya si Kobe?

Pero.. hindi eh, may iba akong naramdaman ng halikan nya ako, sige yung pagiging magkamukha nila ni Kobe given na yun, pero may part sa puso ko na parang kakaiba, ang hirap i-explain..

"nyaa! nyaa! " - angal ng anak ko habang pilit na inaagaw sakin yung kutsarita na ipinang-susubo ko sakanya.

"Ay! Sorry, Baby Kobe may naalala lang, oh ito na ang airplane... say ahh.. "

"Hahahah! " - What?? tinawanan ako?? seriously anak?

Jayson's POV:

"Hatttsssuuuu! " - inamoy ko sarili ko, mabango naman saka kakaligo ko lang, so what is the possible reason ng pagkabahing ko?

"Sir! may nakaalala sayo??? " - sabi ng driver slash bodyguard slash maid slash bestfriend at dahil may inutos ako sakanya slash private investigator.

"Ano? may nakaalala sakin?" - napaisip naman ako kung sino, pero parang ang imposible naman ng nabahing lang tapos may nakaalala agad?

"Oo, ganun kaya yun! " - sabi nya habang tumabi sakin at kinain yung chips na inihanda ko para lang sana sa sarili ko! kapal talaga nitong nilalang nato!

"Pssh! kakanuod mo ng One Piece kung ano ano na pumapasok sa isip mo, saka hoy! magpaalam ka naman kapag kukuha ka ng kinakain ko! " - tinignan nya lang ako tapos sabay kindat!

"Abay loko toh wah! " - hahambalusin ko na sana sya ng una kong nadampot which is flower vase, kaso may sinabi syang nakapag-pahinahon sakin.

"Sir! masakit yan! AlamMongMayImpormasyonKangPinapahanapSakinKayaKapagHinampasMoSaUloKoYanMaaaringMakalimutanKoYungImpormasyonNaYun" - sunod sunod nyang sabi habang naka-cross finger sa harap ko, kaya unti unti ko na ring ibinalik ang flower vase sa dati nitong pwesto.

"Good! " - sinamaan ko sya ng tingin at sya namang nag-peace sign.

"So what's the information you found? " - naging seryoso na kaming dalawa, oras na mag-english ako alam na nyang seryoso na ako at dapat ganun din sya.

"Nasundan ko sya at pinagtanung-tanong ko na rin sa mga kapitbahay niya. " - sagot nya.

"So what's her name?"

"Princess Jamaicah Flores, 21 years old, may anak na lalaki, 1 year old, may live in partner sya pero... " - agad kong pinutol ang sasabihan nya dahil mukang wala na akong pag-asa.

"She has a lived in partner? "

"Opo Sir, pero... "

"Okay! I quit! Awwww! " - Kinuha ko ulit ang flower vase at ihahampas na sana sakanya kasi binatukan ako pero..

Genuine Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon