Chapter 30: First Day of School

252 4 3
                                    

Unang una gusto ko pong mag-sorry! Huhuhu.. Patawarin nyo po ako sa sobrang tagal kong hindi nag-update..

Kaya para makabawi, nag-update na ako ngayon, at dito sinisiguro ko na mas kikiligin kayo..

Kung sa ibang chapters kinilig kayo, dito MAS KIKILIGIN KAYO.. Love you guys..  😘

Pero maigsi lang tong update ko wah! Bawi ako next time.

----------------------------------------

Princess Jamaicah's POV:




“ *Yawn* Good morning Baby ko!” – Sabi ko sabay kiss sa forehead nya.




By the way, kapag pala natutulog magkatabi kami para panatag  ang loob ko na hindi sya mawawala, hindi naman ako malikot matulog kaya safe pa rin talaga ang baby ko.




Bumangon na muna ako at dahan dahang binuhat si Baby Kobe para ilagay sa crib nya na katabi lang ng kama ko.




Ngayon kasi ang first day of school ko kaya kailangan ko nang mag-prepare para sa pagpasok. After kong maligo, magbihis, mag-ayos ng buhok, mag-pulbo, mag-lipstic at kumain na kasama ni Baby Kobe nagpunta muna kami sa sala para hintayin si Nanay Milen.




Ilang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung makabangga ko yung lalaking kamukha ni Kobe na humalik sakin, minsan nagfl-flashbak sakin yung kung pano nya ako halikan.




“Aiisshhh!!! Nakakainis!!” – sira na naman ang araw ko! Kung kelang first day ko sa school??




“Seryoso?”




*Ding-Dong Ding-Dong*




Siguradong si Nanay Milen na yun kaya binuhat ko na si Baby Kobe na naglalaro para salubungin namin ang isa rin sa napaka-espesyal na tao sa buhay ni Kobe.




“Nanay!” – sabi ko pagkabukas ko agad ng gate, at agad ko syang niyakap agad ng mahigpit sa sobrang pagka-miss ko sakanya.




Nagkamustahan lang kami sandali at nagpaalam na ako na papasok na sa school dahil ayokong ma-late sa first day ko sa school. No way.



“Bye bye Baby Kobe! Papasok na sa school si Mommy, wag mong pasasakitin ang ulo ni Nanay ha. Bye Nanay Milen habaan mo na lang po ang pasensya nyo sa batang yan. Haha! “ – tumawa kaming pareho.




“Haha! Sanay na ko sa mga batang makukulit!” – sabi pa kaming tumawa dahil si Kobe na inalagaan nya noon ang tinutukoy nya na makulit.




“Mag-ingat ka Princess”




“Opo Nay” – Saka ko na hinalikan sa pisngi ang anak ko at umalis na para mag-drive ng kotse para pumasok.




Malapit na ako sa school na papasukan ko then maya maya nakikita ko na ang KOR University, I wonder kung bakit KOR University ang pangalan ng eskwelahan nato, siguro short for Korean?


Nagtuturo kaya sila ng Korean Language o mahilig lang talaga sya sa Korea?


Natawa ako sa mga naiisip ko, kasi KOR?? short for Korean? ibig sabihin lang nito hindi pa pumapalya yung utak ko, at kayang kaya ko pang makipagsabayan sa magiging classmates ko dito.


Nag-park na ako ng sasakyan, and then bumaba na agad ako para pumunta na sa magiging room ko.


Marami akong nakakasabay na mga studyanteng naglalakad, iba't iba ang kanilang damit na suot, merong mga kinulang sa tela, merong simple lang na naka-jeans and shirt na katulad ko, meron ding pananamit na usong uso ngayon, napaisip ba kayo??


Sila diba ang tinatawag na mga hypebeast? nakakatuwa kasi maraming naiisip ang mga pilipino na katulad nito, kaya kahit maka-Kpop at Kdrama ako, I AM SO PROUD TO BE A FILIPINO...


Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon