Chapter 5: Scared

988 38 4
                                        

Kobe Kieffer's POV:




Samantha is really weird... Kahit acting lang ang nangyari kanina I feel like it's really true.




Nang makita ko na si Princess na nanunuod at nakaupo, inalis ko na sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina at ngumiti para hindi nya mahalata na may problema..




Lumakad na ako at umupo sa tabi nya, at iniabot ko na ang hinihingi nya.. (Junk Foods)




"Hello! Prinsesa ko, ito na yung favorite food mo oh! Di ka ba nagsasawa dyan? Kung sa Fried Rice, Egg, and Chicken nagsasawa na ako, pero ikaw? Ang tindi mo. Haha!" - opinyon ko




"May kanya kanya tayong panlasa! Pwede ba!!" - Kahit kelan ang pikon ng babaeng ito, bakit ba mahal ko pa rin ito? Kahit na maliit lang minsan ang pasensya nya?




"Ano ba yang panlasa mo? Gusto kong malasahan kung ano yang nalalasahan mo, posible ba yun?" Curious kong tanong..




"Yes..." - Sagot nya na nakapag-pakinang ng dalawa kong mata..




I'm pretty sure, na ang sasabihin nya ay ganito. "Yes.. just kiss me at malalasahan mo kung ano nalalasahan ko!" - wahahah! Makaka-score na naman ba ako?




Humarap na ako sakanya para abangan ang malalabot nyang labi na dumampi sa labi ko.




"Palit tayo ng dila! O kaya tikman mo na lang ito para malaman mo kung ano nalalasahan ko!" - bagsak ang panga ko sa sagot nya.. O.o




"Hoy! Bakit ganyan mukha mo?"




"Ang manhid mo naman Princess!"




"Wala naman akong ginagawa sayo wah! Problema mo ba?" - pagsusungit nya .




Hayyy! Ang bilis magpalit ng mood talaga nito... Ang manhid pa!




"Pasalamat ka mahal kita!" - pabulong pero alam kong narinig nya iyon at umayos ako ng pwesto...




"Kyaaaahhh!!!"




Nagulat kami ni Princess sa sigaw ng babae mula sa kitchen.




"Si Sam! Puntahan mo nga Kobe! Baka kung ano ng nangyari dun, bilis!" - natatarantang sabi sakin ni Princess




"Ito na! ito na! Wag ka ng mataranta dyan. Okay?" - pag-aalo ko sakanya.




Nakasarado ang pinto ng Kitchen, Pagka-bukas ko ng pintuan....




Niyakap nya ako... Niyakap ako ni Samantha..




"May ipis kasi akong *huk* nakita kaya napasigaw *huk* ako, natakot ako" - sabi nya habang umiiyak ramdam ko ang panginginig ng katawan nya dahil sa nakayakap pa rin sya sakin..




Hindi ko sya magawang itulak dahil umiiyak sya at takot kaya ang ginawa ko niyakap na rin sya... walang nagtangkang lumabas ni isang salita sa bibig ko dahil sa pagkabigla at nangingibaw syempre ang kaba dahil paano na lang kung makita kami ni...




"Kobe? How is she???" - tanong ng babaeng mahal ko.




Nang makita ni Princess kung ano ang posisyon namin, nanlaki ang mata nya sa gulat... At ako ay kumalas na sa yakap..




Ilang sandali pa ay pinakalma ni Princess ang sarili nya, at iniaabot nya sa akin ang Phone ko.




"Kobe! Your Mom is calling on your phone" - malumanay nyang saad..




Kinuha ko ang phone sakanya at tinignan sya sa kanyang mga mata pero sa iba sya nakatingin... Kay Samantha...




Umalis na lang ako at sinagot ang tawag...




Princess Jamicah's POV:




Hindi ko alam ang gagawin ko sa babaeng kaharap ko, maaawa ba ako sa kanya o magagalit? Nakatingin lang ako sakanya habang sya ay hanggang ngayon umiiyak pa rin..




Sa limang taon naming pagsasama ni Kobe ngayon ko sya nakita may kayakap na babae liban sa akin, sa Mommy nya, at sa mga iba pa nyang relatives..




Bakit hindi man lang nya magawang magpaliwanag kung ano ang nakita ko?




"Can we talk?" - tanong ko..




Tumango naman sya at hindi pa rin natitigil ang kanyang paghikbi..




"Bakit mo ginawa yun? Sa Boyfriend ko? You know that you're here in our house? You also know that im here and maybe I can see what you two are doing!" - mahinahon kong sabi, dahil ayokong makipag-away at gusto ko ring patunayan sa sarili ko na mali ang mga masasamang naiisip ko sakanya...




"I'm so sorry, mayroon lang talaga akong nakitang ipis, at sa sobrang takot ko pagbukas ng pinto akala ko ikaw yun kaya niyakap ko yun, may nangyari kasi nung bata ako, na-trauma na ako, sa loob din kasi ng kitchen yun.... Muntik na ako masaksak ng kutsilyo..."





"Tama na!" - pinatigil ko sya sa kwento nya dahil nakikita ko na ang takot sa mga mata nya..





Lumapit ako sakanya at niyakap ng mahigpit..




"I'm sorry, hindi ko alam.. okay na. Pasensya na at pinag-isipan kita ng masama.. nandito lang ako na kaibigan mo at tutulungan kita sa kung anong problema mo.." - pag-aalo ko sakanya dahil hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak..





Tama. Hindi ko dapat sya pinag-isipan ng masama. Ang kailangan nya lang pala ay kaibigan na makakausap nya sa problema nya at tutulungan sya nito.. at hinding hindi ko iyon ipagkakait kay Samantha...





"Salamat Princess."




Ang sama sama ko! Hinusgahan ko agad ang tao base sa mga kilos nitong nakakapanghinala...





Samantha's POV:





May mga lihim na hindi dapat mabunyag...





Pero may lihim na nararapat lamang ibunyag para mapagbayaran ng taong iyon ang kasalanan nyang ginawa...





"Mamamatay ka rin! Asahan mong makukuha ko lahat ng meron ka katulad ng ginawa mong pang-aagaw sa taong mahal ko!" - nangagalaiti kong sabi habang nasa sasakyan ko..





"PAPATAYIN KITA!!!"










---------------------------------




O EM Gi!!!


Sino kaya ang papatayin daw ni Samantha?

Ano ba talaga ang balak o role nya dito sa story na ito?

Sya ba ang sisira sa limang taong pagsasama ni Princess at Kobe?

Hmm. Alamin po natin yan. Abangan po natin. Hanggang sa muli..





Huwag pong mahihiyang mag-Vote at comment.. ^_^

Genuine Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon