First of all, I just wanna say sorry sa chapter na ito.. Huhu, I hope love nyo pa rin ako after nyo mabasa ang part na ito.. 😅😨
Saranghaeyo! 😘
------------------------------
Kobe Kieffer's POV:
Ganito pala talaga ang feeling kapag nalaman mong magiging daddy ka na at ang nagdadala pa ng magiging anak mo ay ang pinakamamahal mong babae sa buong mundo..
After kong magpaalam sa prinsesa ko, lumabas na ako para pumunta ng car, at habang nasa byahe na ako nararamdaman kong may sumusunod na sasakyan sa likuran ng sasakyan ko.
Pero hindi ko inintindi yun dahil baka nagkataon lang na pareho lang kami ng daan at pupuntahan kaya nagdiretso ulit ako ng tingin at naisipan kong magpatugtog para hindi ako ma-bother sa nasa likod.
Pero kinabahan na ako ng pantayan nya ang sasakyan ko at ng ibaba nya ang bintana ng sasakyan nya, kahit madilim nakilala ko pa rin sya!
"IKAW!!! " - Bakit pa ba sya nagpakita ulit! Okay na kami ni Princess tapos eeksena na naman sya.
"Oo ako nga, miss me?? " - malandi nyang sabi sakin..
Kasunod nun ay ang hindi ko inaasahang gagawin nya..
*boooogggssshhhh* (tunog ng nag-crashed na sasakyan)
"Princess, patawad" - bulong ko bago ko ipikit ang mga mata ko..
Princess Jamaicah's POV:
"Oh! Ayan hija, chocolates mo.. " - sabi ni nanay Milen galing sa kusina, kasi nag-crave ako sa chocolates eh, kaya nagpresinta sya na kumuha sa kusina
"Thank you, Nay" - sabi ko at umupo na sya sa tabi ko at nakisabay na manuod sa TV..
"Isang report ang kararating lamang, isang kotse na bumangga sa poste at bigla na lamang itong sumabog ayon sa ating witnesses at ng makita namin ang loob nito pagkatapos maapula ang apoy, isang sunog na sunog na katawan ang aming nakita, hindi pa namin alam ang pagkakakilanlan ng bangkay kaya dinala muna ito sa pinakamalapit na ospital para obserbahan.." - naririnig ko sa tv, hindi naman ako nanunuod kasi nakatuon ang atensyon ko sa chocolate, pero nanikip bigla ang dibdib ko ng maranig ko ang sinabi ni Nanay Milen..
"Princess? Y-Yan yung kotse ni Kobe diba?" - natigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa tv, hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko kahit na hindi ako sigurado kung sya talaga ang sinasabi na sunog na sunog ang katawan sa sumabog na kotse..
"Princess, hija!" - Pagpapakalma sakin ni Nanay Milen, pero paano ako magiging kalamado kung nandoon pa rin yung thoughts na kotse ni Kobe iyon..
"Nay! puntahan po natin yung hospital.." - gusto kong makasiguro bago ako maniwalang sya talaga iyon, pero malakas ang loob ko na hindi sya iyon pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tatawagan ko na muna sana sya pero naalala ko, hindi iyon masyadong gumagamit ng phone kaya sure akong iniwan nya na naman yun sa kwarto namin..
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
Fiksi PenggemarMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...