Chapter 28: The Kiss

779 26 8
                                    

Princess Jamicah's POV:










Nakakaramdam na ako ng pagod, dahil simula pa kanina ay buhat ko na si Bahay Kobe, at ngayon nararamdaman ko na rin na puno na ang diaper nyang suot, kaya hinanap ko muna si Nanay Milen para buhatin si Baby Kobe kasi kukuha pa ako ng diaper sa sasakyan.










Nang makita ko na si Nanay agad akong lumapit patungo sa kanya at iniabot si Baby Kobe.










"Nanay Milen! pakalong po muna si Baby Kobe, kukuha lang po ako ng diaper sa sasakyan." - sabi ko sakanya.










"Sige sige! ako ng bahala dito sa alaga ko" - buti nga hindi umiiyak ngayon si Baby Kobe eh, siguro nahihiya syang magwala kasi madaming taong makakakita sakanya. hahah.










Pumunta na ako sa parking lot at ng nakita ko yung van na gamit namin, dumiretso ako dun at hinanap na yung diaper ni Baby Kobe, nang makakuha na ako ng isa sinarado ko na yung pinto, pero may nangyaring hindi ko inaasahan.. may humila ng braso ko paharap.. then..










"Hey!!! mmmm.. " - May lalaking humalik sakin, nung una pumalag ako pero ng makita ko yung mukha nya hindi ako makapaniwala, totoo ba ito?










Nandito sya ngayon at hinalikan akong muli sa aking mga labi, buhay sya hindi pa talaga sya patay, at... nandito sya sa unang kaarawan ng aming anak. Pero.. napaka imposible naman ng iniisip ko, baliw na lang ang mag-iisip nun.










"Jayson?? what are you doing?! " - dinig ko mula sa likod ng kamukha ni Kobe, unti unti na rin syang kumalas sa pagkakahalik nya sakin at humarap sa babaeng nagsalita. yung babaeng yun, wala yatang pangbili ng damit kaya kapos na kapos sa katawan nya..










"I told you I had a girlfriend and there she is! " - Sabay turo sakin nung ka look a like ni Kobe, pero! wait lang, sinabi nyang girlfriend nya ako? eh ngayon ko nga lang sya nakita, after nya ring sabihin yun tinaas nya yung kanang kamay ko na may hawak na diaper.










"Look! she's holding a diaper because she needs to change the diaper of our son, so go away and don't ever try to come back! Get Lost! " - Sabi nung Jayson daw? Pero before na umalis si Girl na kinulang sa tela ang damit.










*pak* aray! sakit nun. Malamang mamaga yung pisngi nitong ka look a like ni Kobe, gwapo pa naman.. sayang.










"Liar! lalo na yang lola mo! " - Galit na galit na sabi nitong babaeng kinulang sa tela ang damit, pero Hello! hustisya naman sa babaeng hinalikan dito noh! Tao po kaya ako at hindi poste, please notice me!










Pero yung kiss talaga na yun, parang katulad ng halik nya, pero panu nga mangyayari yun eh wala na nga sya! paasa naman ang tadhana oh! Kamukha nya lang yan hindi si Kobe yan! Jayson nga daw diba? kulit mo po wah!.










"Don't you ever say that word to my grandma!" - Galit ding sabi ni Kobe ay este Jayson daw pala sorry kamukha talaga eh, And the girl na kinulang sa tela yung damit?  walk out, then the boy na kamukha si Kobe ayun nagwa-walk out... din?! siraulo toh wah! pagkatapos akong gamitin saka ako iiwan ng ganun lang! kapal.. >.<










"Hoy! Lalaki sira....... "










"Thank you!" - Sabi nya habang naglalakad pa rin at hindi man lang inabala pang humarap sakin.










"Okay, you're welcome! " - bulong ko, ewan nawala yung inis ko sakanya nang mag-thank you sya sakin eh. Wait! Omygee! Nakalimutan ko na yung Baby ko.. sh*t! bad mommy!










Someone's POV:










"Sir! tumatawag po si Madam" - inabot nya sakin yung phone ko.










"Hello Lola, Bakit na naman po ba kayo nagpadala ng babae sa condo ko? eh parang nagta-tarabaho yun sa bar eh, saka lola pang 30 na yung babaeng yun na pinadala mo eh." - reklamo ko sa Lola ko na walng ginawa kung hindi magpadala ng magpadala ng babae sa condo ko!










"Jayson! almost 2 years na single ka pa rin! di ako papayag na tumanda kang walang asawa! ikaw lang ang nag-iisa kong apo kaya ihahanap kita! bukas may ipapadala pa ako yung maayos manamit." - hayyss! si Lola talaga, 21 pa lang ako pero ang OA nya masyado dahil hanggang ngayon eh wala pa rin akong nagiging Girlfriend, kasalanan ko bang hindi pa ready ang tadhana na magkaroon na ako ng babaeng magiging girlfriend?










Pero... yung babae kanina, ng mahalikan ko sya parang hindi lang iyon ang unang beses na nahalikan ko sya, parang kilalang kilala ko na sya, kaya naisip ko na sundan ni Kuya Mon na driver ko yung babaeng yun kanina, gusto ko pa syang makilala.










"No Lola! No need to do that, 
I think I already found her" - Napangiti ako sa sinabi ko, kinikilig ba ako?










"Baka mas malala pa yan sa ipinadala ko kanina, hindi ayoko! di ako papayag! yung anak na lang ng kapatid ko, may ipapakilala daw sya sayo bukas, hindi ko na sya ipapadala sa condo mo, sasama sya satin mag-dinner" - anu ba yan! Ipapakilala? di na ipapadala? eh mas ayoko nun noh!










"Ayoko po! " - pagpupumilit ko!










"Jayson! what are you saying! Sinasayang mo ang pagkakataon mo na ito! alam kong pagnakita mo sya magugustuhan mo na agad sya dahil sa maganda sya! " - sabi ni Lola sa kabilang linya.










Eh ano kung maganda? mabait ba? ang problema kasi kay Lola sa panlabas na kaanyuan sya unang tumitingin eh, pano na lang ako kung sakaling asawa ko na yung maganda na sinasabi nya? kung laging nag-iinom pala yun pano na ko? pano na magiging anak namin kung mas matino pa ako kesa sa babaeng maganda na yun?










"I don't care! " - sagot ko.










"JAYSON!! " -Owkeys! galit na lola ko.










"Sige po, pero wag bukas! I'm not yet ready, sasabihin ko na lang po kung kelan ko gusto makipagkita, bye lola, I love you *call end*" - Pabagsak akong umupo sa sofa dito sa condo ko, stress na ko sa lola ko, di ko naman matanggihan kasi matanda na rin sya at baka biglang may mangyaring hindi maganda sakanya kapag ipinagpatuloy ko ang pagtanggi sa mga gusto nya.










Kahit ganun yung lola ko mahal ko pa rin yun noh..










Oo nga pala! nasan na yung si Kuya Mon? kanina kasi sasabihin nya na dapat sakin kung nasundan nya ba yung babae kanina sa parking lot kaso biglang tumawag si Lola eh, pero may hawak syang diaper.










May anak na kaya talaga sya at may asawa? kung meron titigilan ko sya ngayon pa lang pero hinihiling ko na sana wala syang asawa at okay lang na may anak na sya, lakas kasi ng  pakiramdam ko na sya na talaga ang babaeng hinahanap ko.










That kiss...








-----------------------
Gusto nyo po bang makita ang baby Kobe ng ating mga minamahal na bida?? 😃

Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon