Chapter 22: Already Forgiven

737 22 5
                                        

Kobe Kieffer's POV:










After kong sabihin sa kanya ang mga nangyari ng gabing iyon, tumayo na ako at umalis, gustuhin ko man syang yakapin matapos kong marinig ang kanyang mga hikbi na nagpakirot sa aking puso ngunit hindi pa sa ngayon, kailangan kong maghintay sa oras na bibigyan nya na ako ng pahintulot na muli syang mayakap ng mahigpit.










Tatanggapin ko lahat ng sampal mula sa kanya kung iyon lang ang paraan para mawala ang sakit na nararamdaman nya sa ngayon.










Pumasok na ako sa kwarto naming dalawa, napangiti ako, mas okay na rin pala na ganito na kahit wala sya sa tabi ko pagtulog alam kong nasa kabilang kwarto naman sya, hindi katulad noon ng umalis sya hindi ako mapakali dahil alam kong nasa malayo sya at hindi ko alam kung nasaan sya.










Naglakad na ako at umupo sa kama na dati na ayos pa kami, araw araw naming tinutulugan...










Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, ito ang naging saksi noong araw na nagbigayan kami ng pagmamahalan para sa isa't isa o ang tinatawag nilang "make love" tanda ko pa kung anong araw iyon pano ko ba naman makakalimutan iyon, eh 18th birthday nya ginawa namin iyon.










Sya ang humiling sa akin noon, nung una hindi ako pumayag dahil baka pagsisihan nya pagkatapos, pero may sinabi sya na nakapag-papayag sakin at kusang kumilos ang mga katawan ko.










"Mahal kita at lahat ng mga nangyari sa atin hindi ko pinagsisihan kailanman."










Then after nyang sabihin iyon natuloy na ang kahilingan nya sa kanyang mahalagang kaarawan, na ulit pa iyon, pero nakaka-disappoint because until now wala pa ring baby na nabubuo.










Kung ako tatanungin gusto ko na talaga magka-junior kaso pano mangyayari iyon kung ganito pa rin ang istado namin sa buhay? mapapatawad nya pa kaya ako?










Humiga ako at tumingin sa kisame kinakain nya na kaya yung mangga?










*Grow old with you*










Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag at nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ang kamay na hindi malaman kung sasagutin ko na ba o hindi.










Napapaisip kasi ako kung bakit sya tumatawag ngayon baka gusto nya ulit ng mangga dahil baka kulang pa ang dinala ko sa kanya. kaya mabilis kong sinagot ang tawag.










"Hello?" - alanganin kong sabi dahil kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon, basta ang bilis ng tibok ng puso ko.










"Alam mo namang hindi ako kumakain mag-isa diba?" - then after saying those words pinatay na nya ang phone, ano naman ibig nyang sabihin don? pinapapunta nya ba ako sa kwarto nya para samahan ko syang kumain?










*Tweeter*









From Princess:

Oo, samahan mo ko dito!










Kyaaaaahhh! hahah kidding, that's so gay.









Masaya akong tumayo sa kama ko at lumabas na para pumunta na sa kwarto nya, when I saw her door closed kinabahan ako kaya huminto muna ako sa tapat nun, ano kaya ang susunod na mangyayari kapag pumasok ako sa loob nyan?










Genuine Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon