Tiffany Lyn's POV:
Naaawa na ako sa Bessy ko! Miss ko na rin sya! Kainis kasi si Kobe, sarap sapakin! Kung mas nalaman ko agad kung ano ang balak ni Sam matagal ko na syang kinalbo!
Hindi ko na rin nakikita ang bruhang babaeng yun, mas mabuti na ang ganun, at nung araw na nangyari yung pagtataksil nilang dalawa kay Princess...
Susugod na sana kaming tatlo kaso pinigilan ako ni John sinubukan kong pumiglas pero sadyang malakas talaga ang mga lalaki kesa sa mga babae, meron din namang pumigil kay Yumi at Max, yung mga classmate naming may gusto sa kanila na ayaw pansinin ng dalawa..
speaking of Yumi and Max, bumalik na sila sa family nila kasi kailangan na sila doon para ayusin ang naiwan nilang trabaho sa company nila...
Ayaw pa nga nila umalis, kapag daw nakabalik na si Princess saka na lang daw sila aalis, pero Sabi ko babalitaan ko na lang sila, kasi alam kong hindi rin papayagan ni Princess ang dalawa kung mananatili sila dito, konsensya din naman ni Princess kung sakaling may mangyaring di inaasahan sa kompanya nung dalawa..
Kaya kahit labag sa kalooban nilang umalis, umalis pa rin sila...
"Hon? I'm already here with my bestfriend, pwede na bang kumain? gutom na ako eh!" - pagkatapos nyang sabihin yon pumasok na sya dito sa dining room at umupo na sa chair..
kasalukuyan kasi akong naghahain na ng pagkain para sa lunch naming tatlo, nandito pa rin kami sa bahay nila Kobe dahil ayaw nyang umalis dito baka daw kasi dito ang unang puntahan ni Princess kung sakaling bumalik sya...
At ito namang boyfriend ko, mas kinakampihan pa ang makasalanan nyang Bestfriend! Tsk...
umupo na rin si Kobe, pati rin ako habang nakatingin ng masama sakanya... hinawakan naman ni John ang kamay ko sa ibabaw ng mesa dahil magkatabi lang kami at kaya nya siguro ginawa iyon ay para pakalimahin ako...
pero sakanya naman ako napatingin ng masama...
"Ano? bawal na bang hawakan ang kamay mo ngayon?" - pagtataka nya..
inilapit ko Ang bibig ko sa tenga nya para may sabihing pagbabanta...
"Subukan mo lang na gawin sakin ang ginawa nya, malalaman mo kung anong kalalagyan mo!" - Mukhang nasindak naman sya kasi nakita ko kung pano sya lumunok...
"Good boy" - Dagdag ko pa at nagsimula ng kumain, pero hindi pa ako nakakasubo ng kanin nagtanong na agad ang isang Ito...
"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Princess?" - tanong nya habang nakatingin sakin, napa-ngisi naman ako sa tanong nya at napairap sabay baba ng kobyertos. tumingin ako sa kanya..
"Alam mo... Kung alam ko kung nasan sya ngayon Edi sana wala ako dito ngayon! dapat kasama ko na sya ngayon diba? saka sa tingin mo ba kahit alam ko kung nasan sya sasabihin ko pa sayo? Hindi ko gagawin yun dahil ayokong masaktan ulit sya dahil sayo!" - galit ko ng Sabi..
"Tiffany tama na yan.." - awat sa akin ni John, magsasalita pa sana ako pero naunahan nya ako.. galit ang nakikita ko sa mga mata nya...
Pero hindi ako dapat magpadala sa mga titig nya sakin na napakasama.. Wala akong pake doon, Basta ang gusto ko lang maipagtanggol ang kaibigan ko even if she's not here...
BINABASA MO ANG
Genuine Love [COMPLETED]
FanfictionMasaya ang magkaroon ng isang Tao na makakasama mo for the rest of your life... yung taong araw araw mong makikita, araw araw mong kinukulit, araw araw na magpapasaya sayo.. Mga araw na pagmulat mo, ang pinakamamahal mong Tao agad ang makikita mo...