Chapter 27: New Beginning

641 18 4
                                    

Princess Jamaicah's POV:




Bagong simula...




Naabutan ko sa sala sila Tito at Tita na nakaupo sa sofa, hindi ko nakita si Nanay kaya malamang nasa kwarto nya ito at natutulog.



Tumayo silang dalawa sa pagkakaupo ng makita nila ako, tila ba'y hinihintay talaga nila akong dumating kaya nandoon sila at nakaupong tahimik.



"Princess, gusto lang sana naming sabihin sayo na... " - Agad na sabi ni Tita ng makalapit na ako sa kanilang dalawa.



Alam ko na kung anong sasabihin nya, naisip ko na ito habang pauwi ako dito, kahit na may nangyari kanina habang nagpaiwan ako sa puntod ni Kobe, kahit na gulong gulo na ang isip ko at nasasaktan, may naipon naman ako at kaya ko namang magsimula muli ng mag-isa kasabay ng pagpapalaki ko sa magiging anak namin ni Kobe.



"Opo Tita, aalis na po ako bukas, wala na po si Kobe kaya wala na rin po akong karapatang tumira dito." - putol ko sa sasabihin ni Tita, ayaw kong umalis dito dahil nandito ang masasayang alaala ko kasama si Kobe, pero anong magagawa ko kung wala na talaga akong karapatan na tumira dito?



"No hija! hindi ka aalis, ngayong alam na namin ng Tito mo na dinadala mo ang apo namin, hindi ka namin hahayaang umalis, I just wanna say that even if Kobe is gone sana tuloy pa rin ang buhay, sana alagaan mo at palakihin ng mabuti ang anak nyo." - nang makita ko ang pagtulo ng luha ni Tita, hindi ko rin napigilang mapaluha, at kahit si Tito namumula na rin ang mata kaya halatang nagpipigil rin sya ng luha.



"Alam mo... Mahal na mahal ka ng anak kong si Kobe, alam mo bang sinuway nya kami para sayo, sinagot-sagot nya kami para sayo, lahat ng kalokohan ginawa nya para sayo mapasaya ka lang... Mahal na mahal ka rin namin... Anak" - niyakap ko sila ng sobrang higpit, simula ng mawala ang tunay kong mga magulang sila na ang pumalit at nagparamdam sakin ng pagmamahal na hindi naiparamdam ng mga magulang ko sakin..



Ang swerte swerte kong tao dahil kahit hindi nila akong tunay na anak nandyan pa rin sila para gabayan at alalayan ako sa mga susunod na araw..



Kobe, ang swerte ko rin sayo, kasi minahal mo ako ng sobra sobra, hayaan mo mananatili ka dito sa puso magpakailanman.



>>>>>After almost 2 years<<<<<



"HAPPY BIRTHDAY KOBE! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY KOBE!" - sabay sabay naming kanta para sa aming cute na birthday celebrant, it's almost 2 years na simula ng mangyari ang napakasakit na bangungot na iyon..



Oo, naka-move on na ako, nakapag-patawad, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya kinakalimutan, hanggang ngayon nga umaasa ako na makakarating sya sa unang kaarawan ng anak namin, pero napaka-imposible ng mga naiisip kong iyon, pero kahit man lang magparamdam sya gawin nya para lang maramdaman ko na lagi namin syang kasama..



Ang sakit nga kasi halos magdadalawang taon na hindi man lang sya nagpaparamdam sakin, bakit kaya? may galit kaya sya sakin o tampo? pero sa pagkaka-alam ko wala naman, kaya bakit hindi nya magawang magparamdam sakin?



"Okay Baby Kobe, it's time for you to blow your cute candle" - Sabi ko habang buhat ko sya at kunwari'y ibo-blow na yung candle sa ibabaw ng cake, pero yung totoo ako talaga ang nag-blow dahil hindi pa nya kaya.



"Yehey!" - then everyone's here start to clap.



After magblow ng candle ng baby ko isa-isa ng nagsilapitan ang mga bisita sakanya at nagbigay ng gift para sa baby ko..



Genuine Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon