NOTE: Chapters 1-63 will be available only in Dreame. Check these out!
SHY's POV
"Everything will be okay now Shy. Ginno and I will do everything to make sure that you and your baby are both safe," wika ni Kuya Shawn sa may tabi ko habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Napatingin pa ako sa kamay niya na biglang humawak sa kamay ko pero hindi na lang ako umimik dahil sa mga oras na 'yun ay parang gusto ko lang na tumahimik at kung pwede rin sana ay gusto ko na lang umiyak nang umiyak.
Dahil alam ko na ito na yung araw na kailangan ko nang gumising sa napaka ganda kong panaginip.
FLASHBACK
"Everything will be okay Shy. Just be calm, siguro naman ay mapapanatag na tayo kapag nalaman na natin ang sasabihin ng Doktor mo mamaya," wika ni Mom habang nasa tabi ko siya at nagmamaneho ng kotse. Papunta kasi kami ngayon kay Doctor Lazaro, sa ospital ng FEU para malaman na namin ang resulta nung check up ko last week.
At para maresetahan na rin ako ng mga bagong gamot dahil lately kasi parang hindi na tumatalab yung gamot na iniinom ko kaya nga nag-pacheck up na kami ni Kuya nu'ng isang linggo at ngayon pa lang namin malalaman ni Mom kung ano na ba talaga ang lagay ko.
I have a non cancerous brain tumor. Wala pa siyang classification kaya naman may higher chance pa na ma-dissolve yun using maintenance. 3rd year college ako nang malaman ko 'yun kaya nga after graduation ay hindi na ako pinagtrabaho pa ng parents ko at ni kuya.
Limitado rin ang pag gamit ko ng cellphone at panonood ng TV dahil masyadong open 'yun sa radiation which is bawal sa akin yun. That may cause to trigger my cancer cells and make my brain tumor cancerous.
"I got the result right now, but let me ask you first Shy. Are you still experiencing headaches and unexplainable vomiting?" tanong ni Doctor Lazaro at sunod-sunod naman ang ginawa kong pag-tango bilang pagsang-ayon.
"Yes, Doc. Pakiramdam ko nga po, hindi na po tumatalab sa akin yung mga gamot," sagot ko at naramdaman ko pa na hinawakan ulit ni Mom ang kamay ko pero hindi ko yun magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang ako na nakatingin kay doc.
"Okay. Then, let me read the result for the both of you." At dahan-dahan na ngang binuksan ni Doc yung yellowish na envelope.
Nakaramdam ako nang kaba nang makita ko na binabasa na ni Doc yung laman nu'ng papel pero hindi pa rin siya nagsasalita.Diretso lang siya na nakatingin doon sa papel kaya naman mahigpit kong nahawakan ang kamay ni Mom.
Napalunok pa ako ng laway nang mapansin ko na dahan-dahan nang ibinababa ni Doctor Lazaro yung papel saka niya kami binatuhan nang tingin."I have a good news and a bad news," pa unang wika ni Doc. Dahil doon kaya hindi namin mapigilan ni Mom na magkatitigan ngunit hindi rin naman nagtagal yun dahil si Mom na mismo ang unang tumingin kay Doc.
"Pwede po bang yung bad news muna ang malaman namin?" tanong ni mom. Ibinalik ko na rin sa may unahan ang paningin ko habang napapalunok pa rin ng laway.
"The bad news is... your daughter's brain tumor has now classified as Meningioma."
Hindi ako makaimik dahil hindi ko naman alam kung ano ba ang ibig sabihin non o kung malala ba yun kaya naman si Mom na lang ulit ang nagsalita.
"A-anong ibig sabihin no'n, Doc? Lalo po bang lumala ang brain tumor niya?" tanong pa ni Mom.
Halos hindi na ako makahinga at napansin ko na pinipigilan mismo ng sarili ko ang ginagawa kong pag hinga dahil sa sobrang kaba. At hindi na nga nagtagal ay nagsalita na ulit si doc.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...