72

1K 66 19
                                    

AYAW pa sanang umalis ni Hanz sa kwarto ni Shy pero pinaalis na siya ng nurse dahil kailangan na raw munang magpahinga nito. At dahil kita na rin niya nga ang pagod at antok sa mga mata ni Shy, kaya kahit napipilitan ay pumayag na rin siya. He hold her hand for a little while and kiss her forehead.

"Babalik ka Pa naman, hindi ba?" paninigurado na tanong ni Shy kay Hanz habang hawak-hawak niya rin nang mahigpit ang kamay ng binata. Ngumiti naman ng simple si Hanz kahit na hindi 'yun umabot sa kaniyang mga mata saka siya sunod-sunod na tumango.

"Of course, baby, I'll be back, over and over. I love you," mahinang saad niya and this time ay ang labi naman nito ang hinalikan niya. Awtomatikong napapikit naman ang mata ni Shy nang magkalapat ang labi nila ni Hanz sa unang pagkakataon matapos nilang magkahiwalay.
Na-miss niya ang lambot ng labi ng lalaking minamahal niya, muntikan na naman siyang mapaluha pero buti na lang at nagawa niyang pigilan 'yun.

Nagpapasalamat siya at naging maayos ang takbo nang usapan nila. Kahit na hindi niya nagawang sagutin ang kahilingan nito na manatili siya sapagkat alam niyang hindi naman 'yun magiging madali. Ayaw niyang magbitaw ng mga salitang aasahan sa kaniya ng binata na pwedeng maging dahilan para lalo itong masaktan.

Pero ang hindi niya alam ay ang makita lang siya ni Hanz sa ganong kalagayan ay masakit na para sa binata at mas lalong dumoble pa nang malaman nito na may posibilidad na mawala siya sa mundo. Pinipilit lang talaga ni Hanz na maging matatag matapos ang kanilang pag-uusap kahit ang totoo ay konting-konti na lang ay bibigay na siya.

Hanggang sa tuluyan na ngang nakalabas si Hanz. Napakagat pa siya sa labi niya nang mapasandal siya sa may pader sa labas ng pinto ni Shy. Pakiramdam niya ay nanghihina siya sa lahat nang nalaman niya, nanghihina ang buong sistema niya at hindi niya alam kung sa pagbagsak niya ba ay mas gugustuhin niya pang tumayo. Kahit na medyo nanghihina pa siya ay pinilit niyang makatayo nang mas maayos lalo na nang makita niya ang kaibigang babae ni Shy na diretsong nakatingin sa pwesto niya habang naglalakad ito palapit sa kaniya.

Pinilit niyang itago ang lungkot sa kaniyang ekspresyon nang tuluyan nang tumigil ito sa may harapan niya.

"How's Shy?" tanong ng babae sa kaniya, at kung hindi siya nagkakamali sa napansin niya rito ay parang nagdadalawang-isip ito na kausapin siya. Pero kahit ganon ay sinagot niya pa rin ang tanong nito.

"Kailangan na raw niyang mag pahinga sabi nu'ng nurse," mahinang sagot niya dito. Tanging simpleng pag-nod lang ang sinagot sa kaniya ni Awie habang nakayuko ito at maya-maya pa ay muling inangat ang paningin sa kaniya at nagsalita.

"Baka mamayang gabi na siya gumising kaya naman- pinapasundo ka sa akin ni Tito Sonny. Kailangan niyo raw mag-usap kasama si Kuya Shawn," mahinang saad nito sa kaniya.
Hindi naman agad nakaimik si Hanz sapagkat hindi niya 'yun inaasahan, pero dahil ang ama mismo ni Shy ang nagsabi noon kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang sumang-ayon. He just made a single nod as his approval and they started to walk.

"Nasa Cafe sila malapit dito sa ospital," mahinang saad pa ni Awie habang nasa tabi niya lang si Hanz. Medyo naiilang siya ng konti sa binata dahil sa naging asal niya rito kanina at hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang paghingi dito nang paumanhin.

"Okay. Pero sinong maiiwan kay Shy sa taas?" tanong pa sa kaniya ni Hanz.

"Ako. Ihahatid lang kita sa may Cafe at babalik na rin ako agad sa kwarto ni Shy," sagot ni Awie. Hindi na lang umimik sa kaniya ang binata hanggang sa makasakay na silang dalawa sa elevator.

Sila lang dalawa ang nasa loob kaya nakakuha si Awie nang magandang pagkakataon para kausapin ang binata.

"I'm sorry about what I act earlier." Nasa may nakasaradong pinto lang ng elevator ang kaniyang paningin. Nang hindi magsalita ang binata sa kaniyang tabi ay doon na siya ulit umimik, "It's just that... wala ako sa lugar para papasukin ka," dagdag na saad niya pa.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon