~~~
"KUYA... p-parang walang ganang kumain si Shy ngayon, eh," mahinang wika ni Awie nang lapitan niya ang binata na abala lang ngayon sa pag-inom ng kape ng umagang 'yun.
Simula kasi nang bumalik na si Shy sa bahay nila ay doon na rin muna namamalagi si Awie. Nakisuyo na rin kasi ang kaniyang Tita Shane at Tito Sonny kung maaari na tumulong muna siya pagbabantay at pag-aalaga kay Shy dahil nga siguradong hindi pa handa si Shy na pakitunguhan ang mga ito.
Mabilis namang sumang-ayon si Awie doon dahil para sa kaibigan ay gagawin niya ang lahat. Maging si Phil nga ay bumibisita na rin madalas sa bahay ng mga Montes nang mabalitaan niya na nakabalik na ito.
At dahil sa sinabi ni Awie kay Shawn, halata ang awtomatikong pagkatigil ng binata sa balak sana nitong pag higop ng kape niya, at maging ang kaniyang mga magulang na tahimik lang din na kumakain sa hapag-kainan ay napatigil na rin.
Napababuga na lang nang malalim na hininga ang binata saka mabilis na tumayo. Aalis na sana si Shawn para puntahan ang kapatid niya sa taas, ngunit nagsalita naman agad ang kaniyang Dad dahilan kung bakit tumigil muna siya mula sa kaniya pag-alis. Doon ay nilingon niya ang ama.
"Please, better talk to Shy more nicely, Shawn," mahinahon na wika ng matanda.
"Tama ang Dad mo. At sana, pigilan mo ang pagtaas ng boses para hindi kayo marinig ni Sochie." Pagsang-ayon naman ng kaniyang ina.
Hindi na lang umimik pa si Shawn saka tuluyan nang umalis at mabilis naman na sumunod si Awie.
Nagkatinginan na lang ang dalawang matanda na naiwan sa hapag-kainan. Simula kasi nang bumalik si Shy sa bahay nila ay nakita nila sa kanilang panganay na anak na si Shawn kung gaano ito ka determinado sa lahat ng gusto niyang gawin kay Shy. Kaya naman wala silang magawa kung hindi ang hayaan na si Shawn sa mga desisyon nito para sa kapatid.
Nahihirapan din naman sila sa sitwasyon ngunit kilala nila si Shawn at hindi nito hahayaan na wala itong gawin.
Mahirap ding kumilos sa kanilang tahanan lalo na at ang bunso nilang anak ay walang alam sa paglala ng sakit ni Shy maliban na lang sa pagbubuntis nito. Pinaalam nila kay Sochie ang pagbubuntis ni Shy dahil yun ang bagay na mahihirapan silang itago lalo na kung nasa iisang bubong lang naman sila nakatirang lahat. Buti na nga lang at naintindihan naman yun ng kanilang bunsong anak.
WALANG pagkatok at walang pahintulot na binuksan agad ni Shawn ang pinto ng kuwarto ni Shy. Nadatnan niya ang kapatid na malayo lang ang tingin sa may labas ng bintana habang hawak-hawak ang ma umbok nitong tiyan.
Kalahating katawan lang nito ang nababalutan ng kumot habang nakasandal siya sa headboard ng kama.Napalunok ng laway ang binata lalo na at hindi man lang siya binatuhan nang tingin ni Shy kahit na alam niyang may pumasok sa kwarto nito.
Tuluyan na nga siyang pumasok sa loob at nang maramdaman niya na susunod din sana papasok si Awie ay mabilis niya itong hinarap.
Medyo napatigil si Awie nang makita niya ang walang buhay na mga mata ni Shawn. Nakaramdam siya ng takot pero alam naman niya sa sarili niya na sa likod ng mga mata na yun ay doon nagkukubli ang takot at lungkot ng binata na hindi lang nito pinapakita sa lahat.
"Diyan ka na lang sa labas at bantayan mo kung gising na si Sohie. Kakausapin ko lang siya," walang emosyon na wika sa kaniya ni Shawn. Napalunok naman muna ng laway si Awie bago sunod-sunod na tumango bilang pagsang-ayon.
Umatras na nga siya para lumabas ng kwarto ni Shy at siya na rin mismo ang nagsarado nu'ng pinto.
Pagkasarado ng pintuan ay tuluyan nang naglakad si Shawn sa may harapan ng kama ni Shy. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya ng mga oras na yun pero kailangan niyang kontrolin ang mga 'yun.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...