Sana po ma-appreciate niyo ang long update na 'to. Salamat po sa paghihintay. Please do read the announcement at the end of this chapter. Thank you! 🤍
~ ~ ~"Saan kayo galing, huh?!" Bakas ang galit sa tono nang pananalita ni Shawn nang bitawan niya ang mga kataga na 'yun. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at susugurin niya na sana si Hanz upang mabilis na bawiin si Shy ngunit naunahan na siya ng kaniyang kapatid. Si Shy na kasi mismo ang unang bumitaw sa magkahawak na kamay nila ni Hanz at agad na pinigilan siya na tuluyang makalapit sa lalaki.
Sino ba naman kasi ang hindi sasabog sa galit lalo na at hindi niya nadatnan ang kapatid nang bumalik siya sa ospital. Hindi naman makapagsalita si Awie nang tanungin niya ito kung nasaan si Shy na alam naman niyang si Hanz ang kasama. Nandoon din 'yung lalaking kasama ni Hanz kanina pero wala naman siyang balak na tanungin ito dahil tiyak na hindi rin naman siya sasagutin ng binata."Kuya. Galing lang naman kami ni Hanz sa labas. N-nagpahangin lang ako," wika ni Shy sa kaniya kung saan ay nakatayo ito sa may harapan niya. Tila ba ay pumapagitna ito para nga hindi niya malapitan o masugod si Hanz na nakatayo lang sa may likuran. "At saka, h-hindi naman kami lumabas ng ospital eh. Nasa may garden lang kami."
Lihim na umigting ang panga ni Shawn. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo ang kaniyang kapatid. Basta ang tanging alam niya lang, kayang-kaya ni Shy na pagtakpan si Hanz mula sa kaniya.
Iniwas niya na ang kaniyang paningin kay Shy at muling binatuhan nang tingin si Hanz. Inangat niya ang kaniyang hintuturo at tinuro ang binata.
"Sa susunod na ilabas mo ng kaniyang kwarto si Shy, sisiguraduhin ko na hindi ka na makakalapit pa sa kaniya. Kahit na sabihin natin na pabor si Dad sa'yo." Halata ang pagbabanta sa boses niya.
"Kuya, ako naman ang nagpumilit sa kaniya na ilabas ako ng kwarto eh, wala siyang kasalanan-"
"Enough, Shy! I'm not talking to you." Bakas ang pagka-maawtoridad ni Shawn, pero kahit gano'n ay hindi naman niya pinagtaasan ng kaniyang boses ang kapatid.
Hindi na nagsalita pa si Shy sa kaniya at makaraan lang ang ilang segundo ay naramdaman naman niya ang paghawak ni Ginno sa kaniyang braso.
"Enough na Kuya Shawn. Kailangan na ni Shy na kumain. Maya-maya lang ay darating na ang nurse niya para sa mga gamot na kailangan niyang inumin. Hindi siya makaka-take ng gamot hangga't walang laman ang kaniyang sikmura." Mahinahon na pagpapa-alala ni Ginno sa kaniya. "At saka baka lumamig na rin ng tuluyan ang mga niluto mong pagkain. Mauna na kayo sa loob."
Tanging pagtango na lang ang ginawa ni Shawn bilang pagsang-ayon. Binatuhan niya pa nang huling masamang tingin si Hanz bago niya alalayan ang kaniyang kapatid papasok muli sa silid nito. Ngunit hindi na naman niya napigilan si Shy nang kumaway pa ito sa binata.
"Magkita na lang tayo ulit, Hanz. Mag-ingat ka."
"Take care, baby. I love you!" Doon ay nakakuha nga nang tiyempo si Shawn na pilitin na ang kaniyang kapatid na pumasok sa kwarto nito. Sinadya niya 'yun para hindi na masagot pa ni Shy ang mga huling sinabi ng binata. Kontrabida na kung kontrabida, wala siyang pakialam.
HINDI inalis ni Hanz ang kaniyang mga mata kay Shy habang dahan-dahan na itong pumapasok sa silid nito. Naramdaman naman niya ang paglapit ni Alexander sa tabi niya na buong akala niya ay umalis na noong umalis silang dalawa ni Shy kanina sa ospital. Haharapin niya na sana ang kaibigan para akitin na itong umalis ngunit naagaw ang atensyon niya nang mapansin niyang lumalapit sa pwesto niya 'yung isang lalaking kasama ni Shawn. Na sa pagkakatanda niya ay Ginno ang pangalan.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...