78

274 15 4
                                    

'Ako... si Kuya Shawn... o kahit na ikaw.'

      Tila ba ay parang naging sirang plaka ang mga salitang 'yun sa isipan ni Hanz. Paulit-ulit 'yon na tumatakbo sa utak niya, kung saan ay nagbibigay 'yun sa kaniya ng matinding takot. Nakaupo siya sa pinakadulo ng kaniyang kama habang nakatuon ang dalawang siko niya sa kaniyang hita. Nakayuko, at nakatabon ang dalawang kamay sa kaniyang mukha... pinipigilan na muling pumatak ang luha.

Madilim din ang kaniyang silid. Simula ng mawala si Shy sa kaniyang bahay, nawalan na rin siya ng gana na buksan ang mga ilaw sapagkat alam niya na wala ang babaeng gusto niyang makita.

Nang mawala si Shy ng gabing 'yon matapos ang New Year's eve... akala ni Hanz ay 'yun na ang matinding takot na mararamdaman niya sa buong buhay niya. Pero noong malaman naman niya na may posibilidad na mawala sa buhay niya si Shy dahil sa sakit nito... natakot din siya, at akala niya... isa na rin 'yun sa kinakatakutan niyang mangyari.

Ngunit... nang malaman niya kanina na pwedeng mawala ang ala-ala ni Shy, at kasama siya sa ala-alang 'yon... doon na talaga siya binalot ng matinding takot. Takot, na hindi niya aakalain na mararamdaman niya.

Hanz shook his head and even pulled at his own hair in frustration.

"Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'yon... h-hindi ko kaya," na sambit ni Hanz sa kaniyang sarili. Ramdam niya ang panunubig ng kaniyang mga mata.

'Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?' tanong niya sa kaniyang isipan. 'Bakit? Just the thought of gradually fading from her memory... I can't bear it. Will there come a time when... even approaching her becomes impossible for me? Hindi ko 'yun kakayanin.'

Alam ni Hanz na kailangang may gawin siya. Hindi siya papayag na mangyari 'yon... hindi. Dahil alam niya sa sarili niya na mababaliw na siya kapag humantong pa sila ni Shy sa gano'ng sitwasyon.

Pinilit niyang pigilan ang kaniyang luha at nagpasya na tawagan si Alexander.

Halos dalawang ring lang na tumagal 'yon at sinagot na ng kaibigan ang kaniyang tawag.

[Oh, pre? Napatawag ka... may sasabihin ka bang importante? May hinihintay akong tawag, eh.] Nahalata agad ni Hanz ang lungkot sa boses ng kaibigan niya sa kabilang linya. Siguradong may hinihintay nga ito na tawag kaya didiretsuhin niya na ang kaniyang dahilan.

"Gano'n ba? Mabilis lang 'to. Okay lang ba kung kausapin mo si Dra. Pivi Montecarlos? Pwede mo bang ipag-set ako ng meeting sa kaniya bukas? This is emergency, Alexander, and I need your help," mahinang saad ni Hanz, mahahalata ang pagiging desperado, ngunit seryoso sa kaniyang tono ng pananalita.

[Actually, magka-away kami ngayon, eh. Siya 'yung hinihintay ko na tumawag sa akin. Medyo busy rin kasi talaga siya sa ospital, pero dahil mukhang emergency, at alam kong tungkol kay Shy 'yan, sige, tatawagan ko siya.]

Napangiti si Hanz sa kaniyang narinig. Kahit kasi minsan ay may pagka-gago ang kaibigan niyang si Alexander, at madalas talaga na nagtatalo silang dalawa sa mga walang kwentang bagay... alam niya pa rin na maaasahan niya ito ano mang oras.

"Thank you, Fraz. Tungkol nga kay Shy ang pag-uusapan namin. So I hope she'll find time to meet me tomorrow even though I know she's really busy."

[No worries, Del Verde. I'll call her now. Ite-text na lang kita sa magiging sagot niya.]

"Okay. Maghihintay ako."

[Sige. Tatagan mo lang ang loob mo, pre.] Pahabol pa na saad ni Alexander bago nga tuluyan nang namatay ang tawag.

Kahit papaano ay nakatulog ng kahit ilang oras lang si Hanz matapos niyang matanggap ang text ni Alexander na may free time nga si Dra. Montecarlos para makipag-meeting sa kaniya kinabukasan. Kaya ngayon ay maaga siyang nagising. Suot ang simpleng white polo shirt, black na pedal pants, at white na rubber shoes, ay lumabas na siya sa kaniyang silid.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon