73

410 18 8
                                    

HANZ' POV

TAHIMIK lang ako na nagmamaneho pabalik ng bahay. It's almost 10 PM right now. Nakasandal lang ang siko ko sa nakabukas na bintana ng kotse ko habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela. Hindi pa kasi talaga sana ako uuwi dahil gusto ko na bantayan si Shy sa ospital; pero si Awie na rin kasi talaga ang nakiusap sa akin na umuwi na lang ako at bumalik na lang bukas dahil baka raw magkagulo lang ulit kami ni Shawn pagdating ng umaga... hindi raw 'yun makakabuti kay Shy.
Sumang-ayon na lang ako sa kaniya dahil ayoko naman na isa ako sa magiging dahilan nang pagka-stress ni Shy lalo na at alam niya na hindi talaga kami magkasundo ng kapatid niya.

Sinabi naman niya na hindi niya iiwan si Shy at ito nga ang magbabantay rito magdamag kaya naman kahit papano ay nakampante na rin ako.

Sa katunayan niyan ay hinintay ko pa talaga si Shy na magising kanina bago ako umalis. Kaya lang, inabot na kasi talaga ng gabi pero hindi pa rin siya nagigising kaya umalis na rin ako.

At habang tahimik lang ako na nagmamaneho, hindi ko maiwasan na mapaluha habang iniisip ko ang mga nangyari at mangyayari pa lamang. Ngayon pa lang na iniisip ko na nahihirapan na siya, parang kumukirot na ang puso ko. Iniisip ko pa lang na sa limang araw na nahihirapan ako sa paghahanap sa kaniya ay nahihirapan na rin siya sa kalagayan niya ay sobrang dinudurog na ako.

Hindi ko maiwasan na sisisihin ang sarili ko dahil baka nga tama ang kapatid niya na baka nga pinalala ko lang ang sitwasyon. Bakit nga ba sa ilang buwan naming magkasama ay hindi ko man lang napansin na may iba na siyang nararamdaman? Na may tinatago na pala siyang sakit sa akin. Gano'n ba talaga ako ka-walang kwenta?
Hindi ko matanggap sa sarili ko na sa ilang buwan namin na nakatira sa iisang bahay ay wala man lang akong kaide-ideya na may sakit na siya... na may malala na siyang sakit.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko ngayon sa pisngi ko na mabilis ko lang na pinahid. Sa totoo lang, kanina ko pa talaga gustong umiyak lalo na noong nakita ko kung gaano kalaki ang ibinaba ng timbang niya sa loob lang ng limang araw na hindi kami nagkita. Malaki ang tiyan niya, pero mapayat siya. Halatang hindi rin siya nakakatulog dahil malalim at malamlam ang kaniyang mga mata. Buong akala ko ay ako lang ang nahirapan noong umalis siya, pero hindi pala.

Imbes na dumiretso ako sa bahay ay dumiretso ako sa sementeryo. Wala si Dad para makausap ko siya kaya naman si Mom na lang ang naisipan kong bisitahin. Alam kong gabi na pero hindi naman ako natatakot. May sariling lugar kasi 'yung puntod ni Mom, may parang bahay 'yun kaya kami lang na family niya ang nakakapasok at 'yung caretaker ng lugar.
Buti na lang talaga at lagi kong dala ang susi noon kaya kahit ngayong oras ay nakakapunta pa rin ako.

Sa pagkakatanda ko, ang huling bisita ko sa kaniya ay noong birthday niya. Kasama ko rin noon si Shy, si Dad, si Tita Isabel at ang dalawang pinsan ko kasama si Fritz.

Agad akong sumalampak sa tiles na sahig sa harapan ng puntod ni Mom nang makapasok na ako roon. Ramdam ko ang lamig ng sahig ngunit hindi ko 'yun ininda. Wala pa halos ilang segundo ay kusang pumatak na nga ang mga luha ko. Ramdam ko ang pag galaw ng mga balikat ko at rinig na rinig ko ang bawat paghikbi ko. Ang sakit! At ngayon ko lang ito malalabas lalo na at alam kong ako lang ang nandito ngayon kung saan ay walang nakakakita sa akin.

Ang totoo kasi niyan; hindi ko lang masyadong maipakita kay Shy kanina na sobrang frustrated na ako sa mga nalaman ko. Pinigilan ko lang talaga dahil ayoko naman na mag-alala siya sa akin kaya hangga't maari ay pinigilan ko ang lahat ng mga luha ko na gustong pumatak.


"Mom, why is this so unfair," I said between my sobs. "Ang sakit, Mom, parang hindi ko kayang solohin ang sakit na 'to. Parang bibigay na ako."

Biglang naalala ko 'yung pinaka-segundo na nagtama ang mga mata namin ni Shy kanina sa may room niya makalipas ang ilang araw na hindi ko 'yun nakikita. Sa mga mata pa lang niya ay nagsusumigaw na 'yung paghihirap na nararamdaman niya.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon