FLASHBACK: PART 2
Pagkarating namin ni Awie sa condo niya ay naabutan namin si Kuya Shawn sa loob noon. Nabigla ako pero alam ko na gusto niya akong makausap kaya naman wala akong magawa kundi ang kausapin siya. Lumabas muna si Awie para kami lang ni Kuya ang nakakarinig nang pag-uusapan namin.
"Please, Shy. Meron kaming rason kung bakit hindi namin sinabi sayo. Kaya kung pwede, bumalik ka na," saad ni kuya.
"Hindi ba na mas maganda 'to, kuya? Para masanay kayo na wala ako," sagot ko. Ayoko na rin naman na lokohin pa ang sarili ko because I know that I'm dying. Pero hindi yun pwedeng mangyari dahil kailangan ko pang iluwal ang batang ito; no matter what happened.
Nang maisipan ko na puntahan ang address ng bahay ni Hanz na nakuha ko mula sa kaniyang secretary na nasa opisina nito ay bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Ginno.
[Sa tingin mo ba wala ka pang pinipili sa ginagawa mong 'yan? I'm telling you-YOU MADE THE WRONG CHOICE.] At sa tono pa lang nang boses ni Ginno ay alam kong frustrated na rin siya.
"Pero ang mali na sinasabi mo ay ang pinaka tama para sa akin." At doon ko na nga pinatay yung tawag. Wala pa ring alam ang buong pamilya ko sa pagbubuntis ko.
Obvious naman na pinipili ko ang bata na 'to kaysa sa buhay ko. Alam ko kasi na once na pinili ko 'to ay ito na rin ang magiging katapusan ko. Sa mga oras na to, wala na akong pakialam pa sa sarili ko, ang mahalaga na lang ay ang bata dito sa sinapupunan ko.
(At Phil's house)
"Here, alam ko na magkikita tayo ngayon kaya bumili na ako nito..." pa-unang saad ni Phil at hindi ko maiwasan na mapahinto nang makita ko ang hawak niyang paper bag na may tatak na logo. Alam ko na agad kung ano ba ang laman noon. "Alam kong mauubos na yung--"
"Tumigil na ako " mahinang putol ko na agad sa sinasabi niya. Ang laman kasi ng paper bag na yun ay ang mga gamot ko. Yon yung bagong maintenance ko na nireseta mi Doctor Lazaro nu'ng huling bisita ko sa FEU. Tumatagal ng isang buwan ang isang bottle ng gamot at halos isang buwan na akong wala sa condo ni Awie kaya alam niyang mauubos na ang gamot ko.
Ang hindi nila alam ay tumigil na ako sa pag inom no'n sapagkat alam ko na hindi yun makakabuti para sa bata na nasa tiyan ko.
Unti-unting ibinaba ni Phil ang kamay niya na may hawak nung paper bag.
"A-alam na ba yan ni Awie?" tanong niya pa sa akin at mahina lang din ang boses niya. Umiling naman ako bilang kasagutan ko.
Napa iwas naman siya nang tingin sa akin at alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ako tumigil.Alam kong maiintindihan niya ang naging desisyon ko... actually, silang dalawa ni Awie. Sila lang naman talaga ang makakaintindi sa desisyon ko kaya nga hindi ko masabi kina Kuya na buntis ako.
I choose my baby.
I choose my happiness.
At walang mali sa pinili ko at paninindigan ko 'to hanggang dulo.
HINDI KO maiwasan na mag alala para sa bata sa tiyan ko dahil sunod-sunod na ang pagkawala ko nang malay. Nu'ng una ay sa kalsada kung saan hindi ko inaasahan na mismong mga magulang pa ni Hanz ang makakakita sa akin. Umalis na nga ako di ba? Pero bumalik na naman ako sa pamamahay niya.
Tapos ngayon ay nandito na naman ako sa ospital na 'to matapos kong mawalan nang malay harap ni Hanz kanina.Kaharap ko na ulit si Doctora Pivi Montecarlos na umasikaso rin sa akin nung unang beses na sinugod ako dito.
At alam ko na hindi malabong mas madalas pa ang maging pagkikita namin dahil ramdam ko na rin sa katawan ko ang panghihina at pagbabago. Halos isang buwan na akong hindi umiinom ng gamot kaya naman kailangan ko na nang tulong niya para magkaroon ako ng gabay mula sa isang Doctor na kagaya niya.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...