71

973 78 34
                                    

SHY's POV

Nakaupo lang ako ngayon dito sa hospital bed ko habang hinihintay ko na pumasok si Hanz. Hindi ko alam pero parang may sinasabi pa si Dad sa kaniya habang si Mama at Ginno naman ay pinapakalma si Kuya Shawn dahil hindi niya nagustuhan ang pag payag ni Dad na kausapin ako ni Hanz.
Punong-puno nang kaba ang dibdib ko at napapansin ko pa ang medyo pangingilig ng kamay ko dahil ngayon ko na lang ulit makakausap si Hanz simula nang umalis ako sa bahay niya. Hindi ko alam kung magagalit ba siya sa akin at mas lalong hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa magiging reaskyon niya, sobrang natatakot ako. Na baka... na baka magalit siya- masaktan ko siya at piliin niyang iwan ako.

Alam ko naman na may posibilidad na mangyari 'yun, pero kapag alam mong minuto o segundo na lang ang hihintayin mo bago mangyari 'yun- masasaktan at masasaktan ka pa rin. Kung piliin niya na iwan niya ako, kahit masakit ay tatanggapin ko 'yun dahil ayoko naman siyang ikulong sa akin. Tutal, itong bata lang naman sa tiyan ko ang dahilan kung bakit ko siya nilapitan noon ehh. Hindi kasama ang sarili ko- hindi kasama ang puso ko.

Dahan-dahan ko rin na hinawi ang buhok ko at inilagay ko 'yun sa likod ng tenga ko; hindi ko alam kung bakit pero bigla akong na-concious sa itsura ko ngayon. Mapayat na ako at tanging tiyan ko na lang ang malaki, kitang-kita ko na ang mga litid ng kamay ko pati na rin ang buto sa may pulsuhan ko. Medyo manipis na rin ang mahabang buhok ko hindi tulad nung dati dahil sa mga nalalagas na buhok sa loob ng halos limang araw kaya hindi ko maiwasan na mag-alala sa itsura ko.

Hanggang sa hindi nagtagal ay may mahinang pagkatok na ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Doon na nagsimula na lalong kumabog ang dibdib ko at kahit masakit sa likod ay pinilit ko na mag-straight nang pagkakaupo dito sa kama ko. Napalunok pa ako ng laway at tuluyan ko na lang na hinintay ang pagpasok niya dito sa loob dahil alam ko naman na si Hanz na yun.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang dahan-dahan niyang pagbukas ng pinto ko pati na rin ang mahihinang yabag ng paa niya. Muli akong napalunok ng laway sa sobrang kaba. Napakagat pa ako sa pang ibabang labi ko dahil nararamdaman ko ang panunuyo noon.
Hanggang sa hindi nagtagal ay nagtagpo na nga ang mga mata naming dalawa. Napatitig siya sa akin at napatitig din naman ako sa kaniya. Medyo kinakabahan din ako sa part na baka may sinabi na sa kaniya si Dad o baka may alam na siya sa kalagayan ko kaya nahanap niya ako dito sa ospital.
Pero kahit ano man sa dalawa ay pinilit ko pa rin na ngitian siya ng simple. Alam kong mahahalata niya na hindi masaya ang ngiti ko pero hanggang doon lang kasi talaga ang kaya kong ibigay na ngiti sa kaniya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at inilapat niya ang likod ng palad ko sa pisnge niya at doon ko lang nakita nang malapitan ang nag-aalalang ekspresyon ng mukha niya. Napapaiyak ako pero pinigilan ko lang dahil gusto kong ipaliwanag sa kaniya ng mas maayos ang sitwasyon ko.


"What happened to you? Why you fucking left me without giving me any damn reasons, Shy. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo," wika niya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.

Muli kong kinagat ang pang ibabang labi ko. Nasasaktan ako sa fact na nasasaktan ko siya at gusto kong isisi sa sarili ko ang lahat ng to.

I don't deserve a man like him. I don't deserve his love. I'm dying and I know it will hurt him a triple time. The moment the he said he loves me- ayokong pagsisihan 'yun, pero paano ko naman hindi magawang magsisi kung hinayaan kong mahalin niya ako sa sitwasyon na alam kong magiging masakit sa huli.

"Tell me what happened?" he asked again, doon niya na binitawan ang kamay ko na hawak-hawak niya saka niya ako binatuhan nang tingin. Hindi ako agad nakapagsalita at umiwas nang tingin sa kaniya. "Tell me! You can't just leave me like that as if you are not really existed! I just woke up another day and you are fucking gone! Do you really think that... that I will forget you just because you said so- oh no, let me rephrase it, you just fucking wrote it!" madiin na muling saad niya at sa tono nang pananalita niya ay talagang dinadamdam niya ang ginawa ko.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon