80

311 15 0
                                    


                     HANZ couldn't help himself but to shower small kisses on Shy's head. He heard Shy's soft laughter at what he was doing, but he still didn't stop. He misses that! He misses everything. He felt like he didn't want that night to end anymore.

Kasalukuyan lang na pareho silang nakaupo sa hospital bed ni Shy. Nakasandal ang likod niya sa headboard, habang sa dibdib at braso naman niya nakasandal si Shy. Halos naka-back hug na nga siya sa dalaga ng mga sandaling 'yon. Buti na lang at tapos nang mag-roaming ang nurse ni Shy kanina, gabi na rin kaya malaya sila sa ganoong pwesto. Buti na lang din at nasa private room sila kaya may privacy sila. Malaki rin ang kama kaya kasyang-kasya silang dalawa.

Halos kagigising lang din nito mula sa limang oras na pagkakatulog kaya naman medyo masigla si Shy, mas sumigla pa nga ito nang malaman na siya ang magbabantay.

"Hindi ako makapaniwala na pumayag si Kuya Shawn na ikaw ang magbabantay ngayaon sa akin dito," nakangiting wika ni Shy habang nilalaro niya pa ang mga daliri ni Hanz.

Huminto muna si Hanz sa paghalik sa buhok ni Shy upang sagutin ang dalaga, "Nabigla rin ako, pero masayang bigla naman 'yon." He smiled.

Umangat ang tingin ni Shy kay Hanz, sinalubong naman ni Hanz iyon.

"So, magkasundo na kayo ni kuya?" tanong ng dalaga.

Isang smack na halik muna ang iginawad ni Hanz kay Shy na naging dahilan ng saglit na pagpikit ni Shy at sumilay ang simpleng ngiti pa niya.

Hanz smiled as well after claiming her lips and replied, "Hindi ko masabi. Pero, baka nakita niya na talagang seryoso ako sa'yo. That I won't let anything or anyone drive me away from you... that I will stay with you, no matter what happens."

Napatitig silang dalawa sa isa't-isa matapos na bitiwan ni Hanz ang mga kataga na 'yun. In their eyes, there's a sign of longing for each other. The desire and the sign that they miss each other.

Napalunok ng laway si Hanz. Inangat niya ang kaliwang kamay upang hawiin ang kumawalang buhok kay Shy at saka niya 'yon inipit sa tenga.

Namamaos ang boses ni Hanz nang magsalita siya," I really... really miss you, Shy. I almost lost my sanity on the days when I'm not with you."

Inilapat ni Hanz ang kamay niya sa pisngi ni Shy. Using his thumbs, he caressed her cheeks. "At ngayon naman na kasama na kita, masisiraan na rin ako ng bait dahil hindi ko naman alam kung paano ko susulitin ang gabi na 'to. I don't want this night to end, I just want you to be with me."

Naramdaman ni Hanz ang paghawak din ni Shy sa kaniyang kamay na nakapatong sa pisngi nito. "I also don't want this night to come to an end. Gusto ko rin na kasama lang kita. I also miss you, Hanz. I miss everything about you... I badly miss your lips, so please, kiss me."

It seemed like that was also what Hanz was waiting for, as he quickly captured Shy's lips. His kiss was gentle, yet full of longing. Marahan ang bawat paghagod ng kanilang mga labi sa isa't-isa. Tila sa halik na pinagsasaluhan nila ay marami silang mga salita na hindi masabi at doon na lang idinaan.

Bago pa man lumalim ang halik nilang dalawa na tumagal din ng ilang minuto, si Hanz na ang unang bumitiw.

Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Shy, marahil ay dahil sa paghinto niya sa kaniyang paghalik. Napangiti si Hanz at mabilis na hinalikan ang tungki ng ilong ni Shy bago siya nagsalita, "You are such a kissing monster. Don't make this hard for me, baby. Alam mo naman na hindi ko kayang magpigil basta pagdating sa'yo."

Gustuhin man kasi ni Hanz na hindi huminto, ngunit ayaw niya na mas lumalim pa 'yon dahil sigurado siya na mahihirapan siyang magpigil sa sobrang pagka-miss niya sa dalaga.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon