69

1K 60 10
                                    

HANZ's POV

Hindi ko maiwasan na magtaka at mapakunot ng noo nang makita ko kung saan pumasok ang sasakyan na sinusundan ko. Pumasok lang naman kasi ang itim na kotse na 'yun sa loob ng isang ospital- sa CBZ Hospital. Dito lang ako sa may labas huminto at hindi ko na ipinasok pa ang kotse ko sa mismong loob dahil baka makahalata na sila sa akin.

Pagka-park ko ng kotse ay tuluyan na rin akong lumabas ng sasakyan.
Tinanaw ko muna ang kabuuan ng ospital dito sa may labas. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko pa silang sundan sa may loob kung pwede ko naman na hintayin na lang ulit sila dito sa labas. Alam ko naman na hindi pa ka-buwanan ni Shy kaya malabo na nandito siya sa ospital.

Kahit nagtataka ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Hindi ko na sila naabutan pero dumiretso naman ako papunta sa counter sa may front desk at agad na nagtanong sa isang nurse na naka-duty doon sa monitor.

"Excuse me, nurse," pagkuha ko sa atensyon niya at agad naman niya akong binatuhan nang tingin.


"Good morning, sir, how may I help you?" ranong nu'ng nurse sa akin habang nakangiti pa siya. Noong una ay hindi pa ako agad nakasagot dahil hindi ko alam kung anong itatanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung sino ba ang pinuntahan nila dito sa ospital pero naisip ko na magbakasakali na lang; wala namang masama kung susubukan ko.


"Ahm... may pasyente ba dito na Montes ang apelyido?" tanong ko. Inaasahan ko na sasabihin nu'ng nurse na wala ngunit hindi nagtagal ay ibinalik niya sa akin ang tingin niya matapos niyang ma-check 'yung monitor na nasa harapan niya.



"Meron po kaming isang pasyente na Montes ang surname- Shy Montes po ba?"

Awtomatikong napatigil ako nang mabanggit niya ang pangalan ni Shy. Hindi ko talaga inaasahan ang bagay na 'yun kaya hindi ko maiwasan na medyo mapatigil. Ang dami agad na pumasok na mga katanungan sa isipan ko.

'Bakit siya naka-confine?'

'Anong sakit niya?'

'May sakit ba siya?'

'May nangyari ba sa kaniya o sa baby namin? '

Ilan lang yan sa mga pumasok na katanungan sa isip ko pero pinilit ko na burahin ang lahat ng 'yun para muli kong pagtuunan nang pansin ang nurse na kausap ko.

"Ahmm, oo nurse. Si Shy Montes nga. Pwede ko bang malaman kung bakit siya naka-confine dito?" tanong ko pa. Umaasa ako na masasagot niya ang katanungan ko pero mabilis siyang umiling sa akin habang nakatingin pa rin ang mga mata niya sa monitor.


"Wala pa po siyang record dahil halos kakasugod niya lang po kanina rito," sagot niya sa akin. Tanging pagtango-tango naman ang naging tugon ko para ipakita sa kaniya na naiintindihan ko.


"Pwede ko na lang ba na malaman kung ano ang room number niya?"

"Nasa room 071 po siya, private room sa second floor." Agad naman akong nagpasalamat sa kaniya bago tuluyan nang umakyat sa taas.

Habang naglalakad ako papuntang second floor ay hindi ko na maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. 'Yung fact pa lang na nalaman ko na si Shy nga ang naka-confine dito ay hindi ko na maiwasan na mag alala.

She's fucking pregnant and I don't know what happened to her to confine her in the hospital. I'm fucking freaking out right now but I tried to hold back my emotions all inside me.
Sa mga oras na 'to ay gusto ko lang talaga na malaman kung kamusta na siya at kung bakit niya ako iniwan. 'Yun lang!

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon