SHY's POV
"Since 5 months ago na magmula noong na-operahan ka, gusto mo ba na umuwi na sa Pilipinas para doon na lang ipagpatuloy ang recovery mo?" mahinahon na tanong ni Kuya Shawn sa akin habang nakaupo siya ngayon sa extra edge ng kama ko, habang nakaharap siya sa akin. Nandito kami ngayon sa private room ng ospital kung saan nandito lang ako nakakulong sa mga nagdaan na buwan.
Nang marinig ko ang sinabi ni kuya, pasimpleng nagtagis ang panga ko dahil gusto kong pumayag sa sinabi niya. God knows how much I wanted to say 'YES' but I refrained myself from doing so. Umiling-iling ako bilang kasagutan sa kaniya. Napansin ko ang pagkabigla sa ekspresyon ng mukha ni Kuya Shawn; hindi niya siguro inaasahan na tumanggi ako.
"Why? Makakasama mo si Hanz at si Hazen doon. Si Ginno naman mismo ang nagsabi na pwedeng sa Pilipinas mo na lang ipagpatuloy ang gamutan at recovery mo," wika pa ni Kuya.
"A-ayokong magpakampante, kuya. Recovery pa lang ako, h-hindi pa tayo sigurado sa pwedeng mangyari pa. 'Di ba sinabi naman ng doktor na kailangan nating maging handa kung sakaling magkaroon pa ng mga kumplikasyon?" mahinang saad ko.
Nagi-guilty rin ako sa lahat. Iniwan ni Mom and Dad ang trabaho nila sa Pilipinas upang samahan ako rito sa States. Dito rin nag-aaral ngayon si Sochie dahil hindi naman namin siya maiiwan sa Pilipinas nang mag-isa. Habang si Kuya Shawn naman, itinuon niya talaga ang lahat ng atensyon niya sa akin. Halos nakakalimutan niya na nga na may sarili siyang buhay na kailangang patakbuhin at unahin.
At ngayon na binibigyan niya ako nang choice na bumalik sa Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pagpapagaling, pakiramdam ko ay magiging selfish ako kung tatanggapin ko 'yon agad-agad. Ibinigay nila sa akin ang buong atensyon nila at ang oras nila para lang dito sa gamutan ko, hindi ko hahayaan na masasayang lang ang lahat ng effort nila. Kailangan kong magpokus na magpagaling pa lalo.
Hindi ko rin naman ito ginagawa para sa sarili ko at para lang sa kanila, ginagawa ko 'to para na rin kay Hanz at Hazen. Nang malaman ko na ligtas ang anak namin at nabuhay ito sa kabila nang paglabas nito sa sinapupunan ko ng mas maaga, nagkaroon ako ng rason para mas magpagaling pa lalo. Kailangan kong bumalik sa Pilipinas ng maayos na ang lahat sa akin. Kailangan ay magaling na magaling na talaga ako para sabay na namin ni Hanz na aalagaan ang anak namin.
Gustong-gusto ko nang makarinig ng balita mula sa mag-ama ko, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ko sina Kuya Shawn at sina Papa na sabihin ang mga balita sa akin na natatanggap nila, dahil alam ko sa sarili ko... na sa oras na malaman ko na nahihirapan si Hanz o ang anak namin, baka pumitik na lang sa akin bigla ang kagustuhan ko na bumalik na talaga ng Pilipinas—iyon ang iniiwasan kong mangyari.
Ayoko rin naman na kapag bumalik ako roon ng hindi pa ako sigurado na magaling na talaga ako, baka magkaroon pa ng mga kumplikasyon. Kapag nangyari 'yon, masasaktan ko na naman si Hanz dahil kailangan ko na naman na umalis.
'Yon din ang dahilan kung bakit pinagbawalan ko rin sina kuya na maglabas ng kahit anong balita tungkol sa akin. Ayokong iparating nila agad sa Pilipinas na magaling na ako at recovery na ako, dahil katulad nang sinabi ko... wala pang kasiguraduhan ang lahat. Pinagbawalan ko sila na tumawag kay Hanz o sa pamilya ni Hanz para sabihin ang kalagayan ko, dahil ayoko siyang bigyan ng false hope. Masyado na siyang maraming sakit na naranasan ng dahil lang sa akin.
Kaya hangga't may sakit pa na namamagitan sa aming dalawa, sasagarin ko na 'to... kaysa naman bigyan siya ng kaligayahan na baka panandalian lang. Ngayon, titiisin ko muna ang lahat ng sakit at pangungulila ko kay Hanz at sa anak namin, para sa mas magandang future na pwedeng naghihintay sa aming dalawa.
Tumango-tango si Kuya Shawn sa sinabi ko. Alam ko na nalulungkot siya na marinig mula sa akin na nasa isip ko pa rin na baka magkakaroon pa ng kumplikasyon, pero katulad nga nang sinabi ko... ayoko lang na magpakampante.

BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...