70

1K 74 18
                                    

THIRD PERSON's POV

Mabilis na pumasok si Shawn at Ginno sa loob ng room number na tinext ni Awie sa kanila habang nasa daan silang dalawa. Naabutan nila doon si Awie na nakaupo sa tabi ng hospital bed habang nakahiga roon ang walang malay na dalaga. Saktong pagpasok nila ay nakita agad sila ni Awie dahil nakaharap ang inuupuan niya sa may pinto.

Halata sa mga mata ni Awie ang pagka-pugto noon na para bang mag damag siyang umiyak kahit na halos ilang minuto lang naman 'yun.


"K-kuya," pa unang wika ni Awie at tuluyan na nga siyang tumayo. Hindi naman 'yun pinansin ni Shawn dahil masyado na siyang nag-aalala para sa kapatid kaya naman nagmadali siyang lapitan ito.

Hinawakan niya nang marahan ang kamay ni Shy na nakapatong sa kama. Maingat ang ginawa niyang pagkapit doon sapagkat sa biglaang pamamayat ng katawan ni Shy kaya pakiramdam niya ay sobrang delikado nitong mahawakan.



"What happened? Where is the doctor?" agad na tanong ni Ginno kay Awie dahil siya lang ngayon ang maayos ang pag-iisip sa kanilang tatlo. Alam niya kasi na sobrang nag-aalala si Shawn para kay Shy kaya alam niyang magulo pa ang isip nito. Idagdag pa na isa siyang doktor kaya naman sa mga pangyayari tulad ngayon ay kalmado lang siya.

Hinarap naman siya ni Awie bago nagsalita.


"Chineck lang siya nu'ng doktor kanina pero hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Gusto rin kasi ng doktor na hintayin muna ang legal guardian ni Shy. Wala pa kasi si Tito and Tita dahil... d-dahil pinapaliwanag na nila kay Sochie ang tunay na kalagayan ni Shy. Nakita niya rin kasi mismo ang pagdudugo ng ilong ni Shy kanina. Pero, s-sure naman ako na papunta na rin sila rito sa ospital," mahinang paliwanag ni Awie.

Kahit na diretso lang na nakatingin at na kay Shy lang ang atensyon ni Shawn ay malinaw naman sa kaniya ang narinig niyang kasagutan ni Awie.
Ilang segundo niya rin na pinagmamasdan pa ang maputlang mukha ng kapatid bago niya binatuhan nang tingin si Awie.

Walang mababakas na emosyon sa kaniyang boses nang magsalita siya," "Pwede bang lumabas ka muna Awie? May pag uusapan lang kami ni Ginno," saad ni Shawn kung saan ay mabilis naman siyang binatuhan ni Awie nang tingin.

Nu'ng una ay hindi agad nakasagot si Awie pero hindi nagtagal ay simpleng pagtango lang ang ginawa niya bilang tugon.
Walang salita na lumabas na si Awie kaya naman ngayon ay naiwan na lang si Ginno at Shawn sa loob ng silid.

Wala nang sinayang pang oras si Shawn para harapin na si Ginno.

"What happened to her? Ngayon lang nangyari sa kaniya 'to. Ngayon lang sumakit ang ulo niya ng gano'n to the point na dumugo ang ilong niya at nawalan pa siya ng malay!" madiin na wika ni Shawn. Halatang-halata sa tono nang pananalita niya ang sobrang pag-aalala at pagka-frustrate.

Kanina niya pa 'yun gustong itanong kay Ginno habang nasa sasakyan sila pero pinilit niya na isantabi muna 'yun para mabilis at ligtas silang makarating sa ospital.




"I'm not a neurologist but it's obvious that her meningiomas are growing. As meningioma grows, its increasing size can increase the pressure inside the skull. This can lead to persistent headaches and eventually to nausea and vomiting. Maybe, that's what happened," seryosong sagot ni Ginno at mabilis pa niya yun na sinundan ng mga salita, "Actually, this is the second worst scenario. Kung dati kasi, bearable pa 'yung sakit ng ulo niya, ngayon... I am one hundred percent sure, it's unbearable. It's level by level. Mas lalong sasakit pa 'yun. The first worst scenario, is seizure."

Napatahimik na lang si Shawn pero ang totoo ay sobra na siyang nag-aalala deep inside. Muli niyang binatuhan nang tingin ang mahimbing pa rin na natutulog na si Shy, ngunit, lingid sa kaalaman nila ay gising na talaga ang dalaga pero mas pinili lang nito na mag tulog-tulugan pa lalo na nang marinig niya ang huling mga sinabi ni Ginno tungkol sa seizure.

SN 3: Pregnant by Hanz Del VerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon