Malalakas at sunod-sunod na pagkatok sa labas ng bahay ko ang nagpagising sa akin. Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay pumasok na agad sa isipan ko ang bagay hindi nagpatulog sa akin sa buong magdamag. Kumirot na naman ang puso ko nang maalala ko ang lahat nang pinag-usapan namin ng kapatid ni Shy.
I know that I shouldn't take what he said from my heart since I knew that he was just trying to tease me... but I just cant let it slide. Hindi ko talaga maiwasan na hindi isipin ang bawat salitang binitawan niya sa akin. Masakit mang aminin pero may parte sa isipan ko na sumasang-ayon sa sinabi ni Shawn. Yes! I'm not deserving to be loved by Shy. Alam ko na hindi ako deserving sa pagmamahal niya matapos ang lahat ng ginawa ko sa kaniya. Pero ginagawa ko naman ang lahat nang makakaya ko upang maging deserving na ako sa pagmamahal na 'yun... at alam ko na nakikita mismo ni Shy 'yon.
Hindi nagtagal ay ang pagtunog naman ng cellphone ko ang nagpabalik sa diwa ko. Agad na inabot ko ang phone ko sa may side table kung saan ay nakita ko na tumatawag sa akin si Alexander. Umupo muna ako sa kama ko bago ko 'yun sagutin.
"Hello." Halata ang pagkawalang gana ng pananalita ko.
[Fuck! Ano ba? Akala ko nagpakamatay ka na eh. Nandito ako sa labas ng bahay mo, kanina pa ako kumakatok, pagbuksan mo na ako.] Awtomatikong nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas nang boses ni Alexander sa kabilang linya. [Bilisan mo!] Pahabol niya pa bago niya tuluyang pinatay 'yung tawag.
Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hays! Ano na naman ba ang trip ng lalaking 'yun at dumalaw siya ng ganito kaaga? Well, 9 AM pa lang kaya para sa akin ay maaga pa 'to.
Bumangon na ako at hindi na ako nag-abala pa na magsuot ng damit bago bumaba. Walang gana ang bawat paghakbang na ginagawa ko, bagsak din ang mga balikat ko habang tinatahak ko ang living room.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Alexander na awtomatikong napalaki ang mata nang makita na wala akong suot na kahit ano bukod sa gray na boxer na suot ko. Paano ba naman siya hindi magre-react ng ganon kung kasama niya rin ngayon 'yung babae niya na isang doktor, hindi ko na halos matandaan ang pangalan noong doktora pero alam ko na nagsisimula 'yun sa letter 'P'. Ang tanging alam ko lang ay ang surname niya na Montecarlos.
"Put cha naman eh. Ano ka ba? Sanggol? Bakit hindi ka nagdadamit?" Inis na tanong niya at medyo tinulak niya pa ako ng konti.
"Malay ko ba na may kasama ka?" Walang emosyon na tanong ko sa kaniya dahil wala ako sa mood para makipagkulitan sa mokong na 'to.
"Gusto kang makausap ni Pivi, tungkol kay Shy."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na awtomatikong mapa-angat ang tingin ko sa doktora na kasama ni Alexander. Nakatingin siya sa akin kaya naman agad na nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Hindi ako nakapagsalita, bagkus ay humakbang siya papalapit kay Alexander bago siya umimik.
"I want to talk to you about Shy's condition, I hope you have time," seryoso na saad niya.
"I...I do have time. Magdadamit lang ako, bababa ako agad."
"Buti naman at naisipan mo 'yan. Hindi naman kita papapayagan na makausap ang baby ko kapag nakahubad ka 'no."
Napailing na lang ako sa pahabol na sinabi ni Alexander at mas pinili na hindi na lang siya pansinin bago tuluyang umakyat sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Dra. Montecarlos, hindi ko alam kung makakatulong ba 'yun sa akin o hindi... basta ang tanging alam ko lang... kailangan kong marinig kung ano man 'yun. Nawala kasi sa isip ko na siya nga pala ang doktor ni Shy sa St. Helleis Hospital.
Tahimik lang kami ngayong tatlo na nakaupo rito sa may living area. Ako na ang unang nagsalita sa pagitan naming lahat.
"Anong gusto mong sabihin sa akin tungkol sa kalagayan ni Shy?" Diretso kong tanong kung saan kay Dra. Montecarlos lang nakatingin ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
SN 3: Pregnant by Hanz Del Verde
Teen FictionSINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always gave me unfamilliar feeling that I wanted to feel every minutes and even seconds. I love you! My he...